CHAPTER 7 : BENDERS, BEARERS AND SPECIALIST

94 7 3
                                    


   Dumaan ng mabilis ang tatlong araw mula sa komusyong nangyare sa Arena sa pagitan ng Lockhearts at ng Elite Warriors. Kapansin pansin din na ang bawat estudyante  ay inaabangan ang labanan na magaganap sq Arena apat na araw mula ngayon . Ang dating katahimikang bumabalot sa Dorm ng Onyx Smashers ay napalitan na ng ingay dahil sa pangyayare.

  Naging abala na ang bawat estudyante dahil nag umpisa narin ang pagsasanay sa iba't ibang larangan ng pagpapalakas at pag eensayo sa mga taglay na kakayahan mg bawat isa. Si Troy mismo ay walang humpay na nagsasanay sa pagkontrol ng mga kakayahang kaya niya pa lamang kontrolin at manipulahin.

TROY POV

   Maaga akong dumating sa silid-aralan ng mga elemento. Pagpasok na pagpasok ko pa lamang sa pinto ng silid aralan ay nakatingin na agad sa akin ang mga estudyanteng mula sa iba't ibang mga grupo. Marami dito ang nakatingin sa akin na animoy lalapain ako ng buhay, may mga nakangiti at mangilan ngilan ang umiiwas na makatabi at makasalamuha ako. May iba namang walang pakialam.

  Katulad ng dalawang araw ma lumipas, sa pinakadulong upuan ako naupo at pumwesto.  Nang walang anu anoy pumasok ang grupo ni Jiro na Tirants sa silid aralan ng mga elemento na para bang may hinahanap.

   " Hoy , ikaw , akala mo ba makakatakas at ligtas kana sa amin " baling ni Jiro sa akin sampun ng kanyang mga kasama nang mamataan ako. " Porket natalo mo na kami ay titigilan ka namin huh. At di kami natatakot sayo dahil lang sa natalo mo si Shiera" patuloy nito. " Simula ngayon babantayan ka namin at lahat ng maling galaw mo ay aming tatandaan".

" Haist , anu ba kayo, tigilan niyo na nga ako, humingi na ako ng tawad sa inyo diba?" tugon ko sa mga ito, " kaya please lang , tama na "

   " Naghahanap ba ang mga yan ng gulo?" singit ni Mina. " Jusko, anu ba ang mahirap maintindihan ng mga tao dito, di kayo marunong mag move-on " patuloy niyo habang lumapit sa akin at naupo sa upuang bakante sa tabi ko.

   Natigil ang panghaharas ng mga ito nang pumasok at magsalita si Maxur. Nagsi upuan at umayos ang bawat isa sa loob ng silid. " Sa ngayon hahatiin ko kayo sa kung saan kayo nabibilang na mga abilidad ng elemento batay sa pagkontrol at manipula niyo sa mga ito. Maaaring sa BENDERS o BEARERS kayo nabibilang , ang iba sa inyo ay ang alam ay sa Bearers sila napapabilang ngunit hindi naman.

  Halos umabot ng tatlumpong minuto ang paghihiwalay sa bawat isa sa amin. Marami ang napunta sa BENDERS na kaya lamabg kontrolin at manipulahin ang elemento kung saan lamang ito naroroon. Maging ang mga dating nagpapakilalang  BEARERS na kayang kontrolin at manipulahin ang mga elemento sa kahit na anung oras at lugat ay napabilang din sa Benders. " Ikaw Troy ? Saan ka nabibilang ?" baling sa akin ni Maxur .

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
  Sa pagkakaalam ko ay ang lahi ng mga Andalite na kinabibilangan mo ay  sa SPECIALIST o mga nilalang na kayang gamitin ang 4 o higit pang mga elemento sa kahit na anung paraan". pagpapatuloy nito. " At ikaw lamang ang nag iisang estudyante ng akademya na nabibilang sa grupong ito. Sa ngayon anung elemento pa lamang ang kaya mong gamitin ?"

   " Sa ngayon apoy pa lamang ang kaya kong gamitin ngunit di pa ako sanay kontrolin at manipulahin ang elementong ito" tugon ko sa katanungan ni Maxur. " Kaya ako nandidito upang hasain ang aking mga kakayanan at maging ang aking katawan para mas maayos kong makrontol ang mga ito" patuloy ko. " May alam ka ba na maaaring makatulong sa akin upang lubos kong maunawaan ang pagiging Specialist ko" tanong ko dito

" Si Sir Lothar Saints, maaari siyang makatulong sayo" turan ni Maxur sakin. " Ngunit mahihirapan kang makausap at makalapit man lang dito. Masyadong abala ang Master sa mga gawain sa Akademya at hindi siya basta basta tumatanggap ng panauhin. " patuloy nito. " Pero meron pa akong kilala na makakatulong sayo ngunit mahihirapan kang makapunta sa kinaroroonan nito"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TROYA ( THE DESTINY'S CHILD ) Fast UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon