CHAPTER 4.3 : EL SEGUADA MAHIKA AKADEMYA

29 6 0
                                    


   Pagkatapos ng pangyayare ay nagtungo na nga sina Troy at Mina sa loob ng silid. Makakadugtong at iisa lang ang patutunguhan ng mga pinto ng silid. Tumambad sa kanila ang isang napakalaking silid kung saan makikita sa loob nito ang isang malaking entablado na ginagamit sa pagpapalitang gilas ng bawat estudyante bago bumunot ng grupong masasamahan. Lima ang grupong naghihintay mabunot ng bawat isa

Una na dito ang AMETHYST SIRENS na nangunguna sa mga torneyo at aktibidad ng akademya sa loob ng 5 taon
.
.
.
.
Pangalawa ang EMERALD SQUAD
.
.
.
.
Pangatlo ang DIAMOND CRASHERS
.
.
.
.
Pang apat ang GOLD MINISTERS
.
.
.
.
At kahuli-hulihan ang ONYX SMASHERS, ang pinakakulilat sa lahat.

TROY POV

   "Napakahaba ng pila sa sobrang daming gustong makapasok sa Akademya , mukhang matatagalan pa tayo dito" sambit ko kay Mina. Namataan ko din sa likurang bahagi ang mga nakabanggan ko sa labas ng silid, ang TIRANTS

  " Goodluck nalang sa atin , kung saan tayo makabilang na grupo, basta ako kahit alin sa tatlong nangungunang grupo mapapunta , ok naku dun, ikaw ba ?" sabi ni Mina sakin

   " Ako kahit saan, ang mahalaga maging malakas akp at matutunan kong gamitin ang aking mga kakayahan at kapangyarihan " sagot ko sa tanong nito

   Maraming malalakas na estusyante ang nagpamalas at nagpakita ng kani-kanilang mga kakayahan. May mga kayang komontrol sa mga elemento tulad ng hangin , apoy, lupa, tubig at maraming iba pa. Karamihan sa mga ito sa 4 na nangungunang mga grupo napabilang, mangilan ngilan lang ang sa ONYX SMASHERS.

   Nakakuha ng aking atensyon ang lalaking napakagaling gumamit ng isang uri ng pana na lubhang napakahirap gamitin, tinatawag itong X-BOW , namangha rin ako sa kapangyarihan nitong pagalawin at bigyan ng buhay ang mga bagay na inilabas niya tulad ng manika at mga laruan. Nakasuot siya ng puting kapa, itim na long sleeves at fitted na abong jeans. Hindi mapagkakailang may itsura at matikas ang lalaki.

  " Saan kayang grupo napapunta ang lalaking yun" dinig kong mahinang tanong ni Mina, " Hoy!! Ikaw na ang susunod nakatunganga ka parin jan "

   Hindi ko napansing ako na pala ang sunod dahil sa pag iisip sa lalaki. " Ipakita mo ang iyong lahat ng makakaya hanggang sa kaya mo" sambit sakin ni Maxur. " Galingan mo, nakita ko kung paano mo tinalo yung apat sa labas " pagpapatuloy nito.

   Pagkatungtong ko pa lamang sa malaking entablado ay may mga agad naglabasang nilalang na kailangam kong talunin. Atubili akong nagsaboy ng mga butil ng butp ng isamg uri ng halaman. Pagkatapos nun ay pinalabas ko ang espada mula sa diamanteng asul sa aking singsing. Walang humpay akong umataki sa mga nilalang , gaya ng dati lahat ng mahiwa at tamaan ng talim ng aking espada ay nagliliyab at nagigiging abo. Pinalibutan ko pa ito ng apoy upang mas lalong lumakas ang bawat ataking aking gagawin. Bawat wasiwas ko ng aking espada ay naglalabasan ang mga apoy na mistulang talim na sumasabog sa mga tamaan

  Di pa natatapos dun ang paglabas ng mga nilalang na umaataki sakin. Mas malalaki ang sumunod na lumabas kaya sinunod kong gamitin ang Telekinesis ko at pinalipad sa himpapawid ang mga ito. Panghuling ataki ko ay ang isang orasyon . "PLANTASYA EXOTIKA LUPIDOS" turan ko. Nagsilabasan ang mga nangangalit na halimaw na halaman na tinatawag na SILENT EATERS mula sa mga butong aking isinaboy sa entablado. Mayroon itong naglalakihang mga bunganga at nagtitilusang mga pangil , mayroon din itong naghahabaang baging animoy mga kadena. Walang awang nilapa at pinagpira-piraso ang kaTawan ng mga nilalang na nakalutang sa himpapawid. Kitang kita ko sa mukha ng mga eatudyanteng nanunuod ang pagkamangha at takot sa aking pinakita

TROYA ( THE DESTINY'S CHILD ) Fast UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon