Pinatawag ang lahat ng mga estudyante mula sa kani-kanilang mga Dorms. "Ang lahat ay magtungo sa ESMA ARENA" mula sa malaking lakrima sa tuktok ng Akademya. Dinig na dinig ito sa buong masasakupan ng Akademya kaya kahit saang parte ka pa ng Akademya naroroon ay madidinig ang mensahe.
TROY POV
Isang napakalakas na mensahe mula sa Akademya ang gumising sa akin , ewan ko lang dito sa aking kasama sa kwarto." Ugh!!! Ang aga aga naman manggising sa Akademyang ito, Anu bang meron?" sumbat ko habang nag uunat ng mga braso. "Hoy!! Ikaw Franz gumising kana dyan, pinapatawag daw tayong lahat sa Arena ng Akademya" paggising ko sa kasamahan na hanggang ngayon ay himbing na himbing parin sa pagkakatulog
" Hays, anak ng mantika oh, ang sarap parin ng tulog nitomg kumag nato, sabuyan ko kaya ito ng malamig na tubig " bulong ko sa aking sarili. " Bahala kana nga dyan , maliligo na muna ako bago magtungo sa Arena" patuloy ko sa pagdaldal. Tapos na akong maligo , ngunit hanggang ngayon tulog padin itong si Franz, bahala na siya kanina ko pa siya ginigising pero ayaw parin magising . Mauuna na akong magtungo sa kanya sa ESMA Arena.
" Anu kaya ang dahilan kung bakit kami pinapatawag at pinapapunta sa Arena ng Akademya?" tanong ko sa sarili habang naglalakad palabas ng Dorm ng Onyx Smashers. Mukhang nagising na lahat ng myembro ng grupo maliban na lamang kay Franz. Ewan ko ba kung bakit parang puyat na puyat siya at ganoon katindi at kahimbing ang pagkakatulog kahit na napakalakas ng ingay mula sa Lakrima.
"Yiiiiiieeee!! Nasa Arena daw ang Elite Warrioirs,mukhang nakabalik na silang lahat!" tili ng isang estudyante habang kausap ang alepores neto. " Ou nga daw, makikita ko na ulit siya!!" kilig na kilig na sagot ng alepores . Parang baliw naman ang mga ito at kailangan pang magtilian dahil lang sa ELITE WARRIOIRS ng ESMA. " Ganuon ba sila kasikat dito sa Akademya" bulong ko sa sarili
Nasa bungad pa lamang ako ng Arena ay dinig na dinig ko agad ang malalakas na hiyawan at sigawan ng mga estudyanteng nasa loob na nito. Pero mas nangibabaw ang tunog ng isang trumpeta na naghuhudyat na anumang oras ay magsisimula na ang pagpapakilala sa myembro ng Elite Warriors ng ESMA
" Nasaan na kaya si Mina? Kamusta na kaya ang babaeng yun?" tanong ko sa sarili habang palinga-linga sa paligid umaasang makikita ang kakilala.
" Sinong hinahanap mo? Ako ba?" pukaw sakin ng isang pamilyar na boses ng babae mula sa aking likuran . Umakbay ito sa akin na para bang napakatagal na akong kilala at kasama. "Tara na sa loob, ako lang naman kakilala mo dito o baka may iba kana huh" nakangiti nitong sabi sa akin
" Kamusta naman ang Dorm ng Emerald Squad?" tanong ko dito habang papasok kami sa Arena . Mukhang napakasaya nito na mababakas sa kanyang mukha.
" Kung alam mo lang , napakasaya sa Emerald Squad , feel at home na feel at home ako " masayang pag uumpisa nito ng kwento. " Mainit na sinalubong kami ng mga namumuno sa grupo na tinatawag na PHANTOM GANG , na pinangungunahan ni ELIZABETH ROX, isang GRAND WITCH at WATER BEARER. Halos buong gabi ang party sa Dorm" pagpapatuloy nito. " Ih kayo kamusta naman ang pagsalubong sa inyong mga bagong myembro ng Onyx Smashers?" baling nito sa akin
" Ang leader lang ng grupo ang sumalubong sa akin. Tinatawag na ONYX LOCKHEARTS ang grupo sa Dorm. Pero lahit na ganun masaya parin ako sa nabunot at kinabilangang pangkat . Tamang tama ang katahimikan nito upang makapagfocus ako sa pagkontrol ng aking mga kakayahan ganun narin ang mga kakayahang hindi ko pa natutunan." tugon ko sa kasama
" Ah ganun ba, ang loner at ang tahimik pala ng grupong iyong nabunot, boring " wika ni Mina. " Kamusta naman ang iyong roommate, naghihilik ba? Close na ba kayo kaya pinagpalit mo na ako? " sunod sunod nitong mga tanong sa akin
BINABASA MO ANG
TROYA ( THE DESTINY'S CHILD ) Fast Update
FantasíaThis is a story where two worlds intertwine When darkness rules everything . . . But only THE DESTINY'S CHILD can bring back things right. See how this group of extraordinary persons, help TROYA :) Ito rin ay istorya kung paano lumaganap ang kasamaa...