Mahimbing ang pagkakatulog ni Troy sa isang napakalambot na kama sa loob ng kwarto na puno ng nagkikinangang mga bagay na gawa sa crystal . Nang maalimpungatan ito at sumigaw dahil sa liwanag na tumama sa kanyang mga mata.
TROY POV
" Ina!! Hindi!!"sigaw ko nang ako ay magising dahil sa liwanag na tumama daling mukha. " Nasaan ako? Nasaan si Ina? Sino nagdala sakin dto sa napakagandang kwarto na ito ? ." Napansin ko ding lahat ng sugat at pasa na aking natamo sa pakikipaglaban sa Seramon ay nabigyan na ng paunang lunas.
"Sino ka ? " tanong ko ng biglang magbukas ang pinto ng kwartong aking kinaroroonan. " Nasan ako? Nasaan si Ina? " muli kong tanong sa binibining pumasok sa kwarto. Magtatangka na sana akong bumangon ngunit pinigilan ako ng binibini.
" Ako si Talia Strontium, Prinsesa ng Syndrax Kingdom. Nandito ka ngayon sa aming kaharian. Dinala ka ng aking mga kawal pati narin ang babaeng kasama mo nang mamataan kayo na walang malay malapit sa tarangkahan ng kaharian. Wag ka nang mag alala nasa maayos na kalagayan ang iyong Ina, nagpapahinga lang siya sa isang kwarto na di kalayuan dto. Lahat ng lihim niyo ay ligtas dti sa loob ng aming lupain. Katulad mo marami ring mga nilalang dito na kakaiba ang itsura at kakayahan . Ikaw anu ang pangalan mo? Saan kayo galing ng iyong Ina at puro sugat ay pasa ang buong katawan niyo ? "
Masasabi kong napakaganda ng binibining nasa aking harapan. Di maikakailang isa siyang prinsesa dahil sa kasuotan nia na nababalutan ng mga diamante , kahit na kulay puti ito ay talagang lumulutang ang kanyang kagandahan idagdag pa dto ang maliit niyang Tiara sa ulo. Natigil lang ako sa pagkakatitig sa babae nang magtanung cia kung anu ang pangalan ko at saan kami nanggaling.
"Ako si Troy Seigheart" tugon ko sa kanya." Nanggaling kami sa lupain ng Seramon ng aking Ina" pagpapatuloy ko. "Hindi ko alam kung paano kami napadpad dto sa inyong kaharian. Maging ang tunay kong pinanggalingan at katauhan dahil sa mga bagay na kagabi ko pa lamang nalaman." kailanfan kong makausap si ina . Samahan mo ako sa kanya, gusto ko narin siyang makita " kahit alam kong hinang hinang pa ako ay pinilit kong tumayo at mag umpisa nang maglakad papalapit sa pintuan.
" Alam mo ba kung saan siya makikita ? Hintayin mo ako nang maituro at masamahan kita sa kinaroroonan ng iyong Ina."
Ganun na nga ang nangyare wala nang ngawa c Talia kundi ang samahan at alalayan sa paglalakad si Troy.
TALIA POV
Napakakulit naman ng taong ito. Ngunit mababakas sa itsura nito ang angking kagwapuhan kahit na may mga pasa ito at sugat . Hindi rin maitatangging napakaganda ng hubog ng kanyang katawan na mayroong 6 na nagbubukulang muscle. Halata ang mga ito kahit nababalutan ng benda ang katawan nia . Halatang batak cia sa trabaho sa bayan ng Seramon.
Wala na akong nagawa kundi ang samahan siya at alalayan papunta sa kanyang Ina. Hindi pa man kami nakakalabaa ng pinto ay may tinanung ako sa kanya. " Anu yan ? " tanong ko sa kanya habang itinuturo ang mga tila tattoo sa kanyang mga braso at palad. "Ruins ba yan ?" pagpapatuloy ng tanung ko sa kanya.
"Huh?" anung pinagsasabi mo ? Tattoo? Ruins ? " napatingin ang lalaki sa kanyang mga braso at napabulalas sa nakita dOon. " Anu to ? "
Nagulat nalang ako sa nagung reaksyon niya sa mga nakita . Mukhang ngayon niya lamang ito napansin.
Dahil sa lakas ng pagkabulalas ni Troy ay nagpasukan sa kwarto ang ilan sa mga kawal na ng kaharian. Lalo siyang nagulat aa nakita .
" Halimaw !!" bulalas ulit nito. Napangiti nalang ako sa gulat na namutawi sa kanyang pagmumukha. " Hahahaha, mga kawal yan ng aming kaharian . Tinatawag silang CENTAURS, mga nilalang na kalahating tao at kalahating kabayo. Bihasa sila sa pakikipaglaban sapagkat sinanay sila upang ipagtanggol ang kaharian at mga mamamayan ng Syndrax".
BINABASA MO ANG
TROYA ( THE DESTINY'S CHILD ) Fast Update
FantasiThis is a story where two worlds intertwine When darkness rules everything . . . But only THE DESTINY'S CHILD can bring back things right. See how this group of extraordinary persons, help TROYA :) Ito rin ay istorya kung paano lumaganap ang kasamaa...