CHAPTER 2

9K 197 18
                                    

Pic on the side is Liam Andersen --->

Hope you like this chapter :)

-----------------------------------------

EVAN:

Kanina pa kami gumagawa ng designs na hango sa gustong layout ng boss namin. Buti nga at pati si Melai ay naging abala na rin para hindi masydo maging maingay ang station namin.

Kumakalam na pala ang sikmura ko. Akalain mo nga naman at inabot na pala kami ng lunch time na hindi namamalayan yung oras.

“Teh tara na lunch break na natin, mamaya mo na kaya yan tapusin,” pangungumbinsi ni Melai.

Napabuntong hininga nalang ako.

“Di pa ako gutom tsaka pwede ba, hindi ako ate mo, Evan name ko alright?” pasimangot kong sagot.

“Ayaw mo nun terms of endearment natin yun,” sabay ngiti ang gaga, natawa nalang ako sa kanya, “sige na gutom na mga bulate ko sa tyan baka pwede kumain muna tayo nyan ano?”

Umiling nalang ako at sinave ang ginawa ko sa computer. Gutom na rin naman na talaga ako, gusto ko lang talaga matapos yung ginagawa ko.

“O sya tara na Mel,” sabay tayo sa kinauupuan ko.

“Yii tara dali baka maubusan tayo ng ulam sa Karinderya ni Aling Dionisia,” sabay hila sa braso ko at pumulupot dito na tila boyfriend niya ako, tsk.

Kung anong pagkaweird ng personality ng babaeng to ganun din ang taste niya sa pagkain, meron naman kami fast food sa loob ng company building namin o di kaya sa tabing building, dito talaga nakaugalian niyang kumain sa munting karinderya sa tapat ng opisina namin. Sabagay di naman talaga ako maarte, pagkain din naman yan kahit papano. To be fair masarap naman talaga ang mga lutong bahay ni Aling Dionisia kaya nawili na rin akong kumain dito.

“Ay papa Evan may tanong pala ako sayo,” bungad niya habang kumakain ng tortang talong at kaldereta niya with rice.

“Oh anong tanong nanaman yan?” tinaasan ko siya ng kilay baka kung anong kahalayan ang itanong niya sakin e, virgin kaya ako lol.

“Bakit ayaw mo kay Brian?” nabllaukan ako sa kinakain ko at naubo.

Ugh! Ugh!

Sabay suntok sa dibdib ko at uminom ng tubig. Ipasok ba sa usapan yang mahanging Brian na yan.

“Una bakit mo ba pinagpipilitan na may something samin ni Brian, mas straight pa ata yun sa ruler e,” eksplekar ko, “pangalawa ayaw ko sa mayayabang at flirt,”

“Ouch!” nagaktong nasaktan si Melai sabay patong ng kamay niya sa dibdib niya.

Ang Manhid kong Pagibig (Pinoy boyxboy spin-off story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon