CHAPTER 13

2.8K 118 45
                                    


Naglalakad ako pabalik balik sa gitna ng kwarto ko habang pinapakalma ko ang sarili ko. Kanina pa akong tensyonado na di mapakali. I mean c'mon this is my real ever first date with none other than LIAM Freakin Hot Andersen na matagal ko nang pinapagpantasyahan. Totoo ba lahat ito? Sana naman hindi to panaginip hays. Kinakagat ko na mga kuko habang pabalik balik na naglalakad sa kwarto ko.


"Evan pwede bang huminahon ka muna," bungad ni Melai na nakaupo sa kama ko, halata sa kanyang mga mata din ang pagaalala sa akin. Mag aanxiety attack pa ata ako nito e, kainis ano ba tong ginagawa ni Liam sa buhay ko. 

" Mahinahon ako," sabat ko pero halatang balisa pa din ako, ngat ngat ng kuko dito, balik palakad lakad uli, lintek na. 


"Kung di ka tumigil diyan sa kakalakad, puputulin ko yang mga paa mo leche," inis na sambit ni Melai, " pati ako hinahawaan mo na ng nerbyos e. Umayos ka nga teh, date lang yan, hindi sentensya ng buhay mo ay nako naman."


Napatigil ako sa pagalalakad at naisipang umupo sa tabi ni melai habang halata pa din sa muka ko ang pagkabalisa. 

"Kinakabahan ako," bigla kong sambit.

"Weh di nga?" pang-aasar ni Melai.

"Seryoso ako, batukan kita diyan e," inis kong sambit, at nagsimulang magtaas baba yung mga tuhod ko senyalis na balisa nga ako. 

"Alam mo teh, wag mo kasi masyadong isipin ang date niyo ni Papa Liam, I mean alam ko na matagal ka nang inalababo sa kanya, sino bang hindi ang pogi pogi niya naman kasi eeh yiii. Anyway I'm sure iniisip mo na pano kung di maganda ang kinalabasan ng date niyo, o di kaya pano kung maturn off sayo si Papa Liam, or what if marealize niya na hindi ikaw talaga ang love niya dahil sa date na ito, first impression lasts my dear," walang prenong sabi ni Melai na lalong nagpakaba pa lalo sa akin. Imbis na makatulong mukang nakakadagdag pa tong isa e, kainis.

"Not helping," inis kong sambit sa kanya. 

"Ay nako teh magrelax ka nga muna please, ako nininyerbos sayo niyan e kaloka," tumaas yung kilay ni Melai sa akin. 

"Oo na," 

Pinakalma ko sarili ko, breathe in, breathe out. Whew ayan. Calm down, kaya ko to.

Hinimas ni Melai yung likuran ko at mukang seryoso mode ang isang to na.

"Just be yourself, You'll be ok, sa gwapo mong yan, for sure mahuhulog sayo yung puso ni fafa Liam ng di sa oras ok?" sambit niya.

"Thanks Melai," tumango nalang ako. 


Date Night...


Nag-ayos na ako ng sarili ko, nagpabango at lahat lahat na. Naka pang friday night out lang naman get up ko, wala namang sinasabi si Liam kung saan kami magdadate, so expectation ko e manonood ng sine and kain lang sa labas so ayun naka T-shirt lang at slim fit black pants at sneakers lang ako. Simple lang naman talaga ako kung gumala. 

Maya-maya narinig kong tumunog yung cellphone ko. May nagtext.

Liam: I'm on my way

 Shit papunta na dito si Liam, the love of my life. Kung kanina e medyo kumalma na ako, mukang dumoble ata ang anxiety ko. Ikaw ba naman e makadate yung long time crush mo di ka din atakahin ng anxiety. Ito na yun e, yung pinakaaasam asam ko since college pa. Liam is giving me his time, his attention. Kaya inaappreciate ko lahat yun. Sa tagal ko bang inintay ang pagkakataong ito, it's like a milestone for me. 

Ang Manhid kong Pagibig (Pinoy boyxboy spin-off story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon