CHAPTER 20

3.7K 130 47
                                    




10 years later

Detroit, Michigan USA


EVAN


Nilapag ko yung mga pinanggrocery ko sa may island table sa kusina namin. Kinuha ko isa isa yung mga items sa loob ng isang brown grocery bag galing Walmart.

Pasta, onions, tomato sauce... iniisa isa kong kunin habang iniisip kung may nakalimutan ba akong bilhin sa grocery. It's Saturday wala akong pasok sa work and convenient enough nagkataong ngayon din ang death anniversary ng isa sa pinakakamahal ko in my whole life. Napahinto ako sa pagaayos ng mga grocery items at napahawak yung dalawa kong kamay sa mesa habang nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Masakit pa rin sa dibdib ko every time inaalala ko siya.

RIIIING

RIIIING

Nagring yung cellphone ko kaya pansamantalang napawi yung pagmumuni muni ko sa distraction dahil sa tumawag.

"Hello," sagot ko.

"Evan! we are on our way now there on your house," bungad sakin ni Derick.

"Ah sige sige, pasensya na hindi pa ako nakapagluto, kararating ko nga rin lang from grocery," paumanhin ko.

"Ay naku, kaya nga kami papunta diyan para tulungan ka," sagot ni Derick.

"Tol papunta kami diyan huwag nang umangal," narinig kong sumigaw si Gerald sa background na siyang ikinangiti ko saglit.

Itong dalawa talaga, kahit kailan always there para tumulong sa akin, nakakatuwa lang na magkaroon ng ganoong klaseng kaibigan in my lifetime.

"Ok ok, hihintayin ko kayong dalawa, kasama niyo ba si baby GiGi (pronounced as JiJi)?" tanong ko.

"Oo naman, heto nga't kinukulit yung daddy niya," natatawang sabi ni Derick, "Oh siya, we'll see you soon."

"Ok ingat sa pagmaneho bye," pagpaalam ko.

Binaba na yung call at muling binaling ko ang mga mata ko sa mga grocery items na nasa harap ko. Napangiti ako habang iniisip ang buhay nila Gerald at Derick ngayon. Sobrang ibang- iba na kesa noong college kami. They are really one big happy family now. They had a surrogate mother para magkaanak. Her name is Geraldine Dennise Cinco-Villafuente, mag 8 years old na yung bata and to say na she is the most adorable and beautiful daughter is an understatement. Daddy ang tawag niya kay Gerald and Papa naman ang tawag niya kay Derick, ang cute lang.

Mga ilang minuto din akong nagayos ng mga ingredients na lulutuin namin nang narinig kong may nagdoor-bell.

DING DONG

Hindi na ako nagaksaya ng panahon and pinagbuksan ko na agad sila, alam kong sina Derick na yun.

"Uncle Evan!" bungad sa akin ng isang napakacute na bata sabay yakap sa tyan ko.

"Aaw how are you Gigi, you're so adorable!" pinisil ko yung mga matatambok niyang pisngi.

"I'm fine, I was asking daddy to give me ice cream earlier but he and papa are busy kiss playing in their bedroom," derederechong sabi ni Gigi na siya namang ikinahiya agad nila Derick at Gerald at tinakpan agad yung bibig nung bata.

"Ohhhkay, what did I tell you about not telling anyone on you know," nahihiyang sabi ni Derick.

"Kiss playing?" inosenteng sagot ng anak nila.

"Yes that," at tiningnan niya sa mata si Gigi.

"Ok," at ganun ganon lang bumitaw sa pagkakayakap sakin si Gigi para pumasok sa loob ng bahay, pero bago pa man siya makapasok lumingon siya sa akin ulit para magsiwalat ng mga sekreto ng magasawa na siyang ikinamula ng mukha nilang dalawa. "Uncle Evan sometimes when they do kiss playing, I hear loud noises in the bedroom but daddy said it's just how adults play."

Ang Manhid kong Pagibig (Pinoy boyxboy spin-off story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon