CHAPTER 14

2.3K 108 27
                                    


EVAN


Hays...

Di ko na ata mabilang kung makailan ako magbuntong hininga habang nakatitig ako sa kawalan. Nasa office table ako ngayon habang nakapatong ulo ko sa kamay ko na tila bang nagday-day dreaming ako. Well so far yun naman talaga pinag-gagawa ko pa since kanina pang umaga nang pagpasok na pagpasok ko sa office. 

"Fafa Evan ah, kanina ka pa diyan tulala, ano bang pinagpapantasyahan mo diyan ah," bungad sakin ni Melai.

"Ala ah," bigla kong segway at tinuon yung pansin sa computer monitor sa harap ko. 

"Sooo ano na teh," pangungulit ni Melai.

" Anong ano na?" taka kong tanong.

"Hello, yung date niyo ni papa Liam, kamusta, details teh, details!" parang excited na bata lang, hangkulit.

"Normal date lang," syempre need ko pa bang i-elaborate sa kanya? Of course it was fantastic pero sakin nalang yun.  Ano sa tingin niya buhay ko ? isang telenobela? Open book? Wow lang lol.

Tinaasan naman ako ng kilay ni Melai, halatang di kuntento sa kulang na detalye. 

"Hay nako teh if I know sobrang memorable date niyo ni Papa Liam," ngisi niya sakin.

"Pano mo naman nasabi?" taka kong tanong. 

"Halata sa pagmumuka mo noh! Kanina ka pa nga diyang tulala habang pangiti ngiti na parang baliw lang. Sows mga ganyang senyalis ang in lab!" panunukso ni Melai na ikinamula ng  pagmumuka ko. Ganun ba ako ka obvious langya. 

Di nalang ako umimik at binaling ko ulit yung atensyon ko sa monitor habang nagdadaydreaming, hays at kanino pa nga ba kundi kay Liam.


"Nga pala maiba ako, nasaan yung Hot mong boyfriend? di ko pa siya nakikitang pumasok ngayong umaga," takang tanong ni Melai. 

Ako nga rin e nagtataka. Napakunot noo tuloy ako habang iniisip kung saan ngayon si Liam. I mean alam ko boss siya namin and they can have their own time on coming to work pero sa mga nagdaang araw always naman siya in time, maliban ngayon. Nagalala tuloy ako ng wala sa oras. 

Nilabas ko yung cellphone ko para itext ang mokong, mahirap na baka kung napano yun e. 

Evan: hey di ka ba papasok today sa work?

Then hit send. Konting laman lang ng text pero sapat na para makitang nagaalala ako. Hinintay ko yung sagot niya pero mukang di agad magrereply ito. Napabuntong hininga tuloy ako. Hays.

Napasandal nalang ulo ko sa mesa habang binaling ang atensyon ko kay Melai na nakatitig lang sa akin sa tabi ko. Umiling nalang ito at umalis na para magsimulang gawin yung mga trabaho niya sa desk niya. 

I really hope ok lang si Liam. At this rate parang umaasta na akong boyfriend na niya ako nito e. Kung tutuusin hindi pa pala kami naging magBF. I mean, I know he said he likes me and alam naman niyang mahal ko siya pero walang implication or nagverify man sa aming dalawa kung ano talaga kami. Hay nako naman, ang gulo ng buhay oo. Hays.

I hope seryoso si Liam sa sinabi niya sa akin na he will pursue me. Kung alokin lang niya ako na maging magBF kami, tiyak OO agad sagot ko, pero ayaw ko naman na magassume ako. Maybe he is testing the waters with me. Ewan ang gulo na ng iniisip ko and di nakakatulong ang pagaalala ko sa mokong na iyon since di siya pumasok ngayong umaga sa work. 


----------------------


Natapos yung umaga  na bahagyang may nagawa naman sa mga projects namin. Pero wala parin si Liam sa office which makes me worry. Di ko nalang na pansin na kumakalam na pala sikmura ko sa gutom.

Ang Manhid kong Pagibig (Pinoy boyxboy spin-off story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon