CHAPTER 18

2.1K 94 10
                                    




EVAN


"Good morning mommy," bati ko habang papalapit sa dining area.

"Good morning," bati ni Liam.

"Ang ganda naman ng gising ko, ampopogi ng mga anak ko sa umaga," masayang bati samin ni mommy.

Binaliwala ko nalang sabi niyang iyon. I'm still in the process of getting used to Liam staying with us and ngayon parang son-in-law na agad ang dating niya, wala pa ngang kasal, hay nako.

"So ano plano ngayong araw na ito?" tanong ulit ni mommy.

Ako siguro babalik sa opisina para kunin yung mga naiwan kong gamit doon. Tsaka need ko din magpaalam kay Melai noh, binomba na nga niya yung cellphone ko since kagabi pa, tanong ng tanong if ok lang ako or what. Ang laking eskandalo pala ang nangyari sa opisina kahapon and for sure di maiiwasan ang kung ano-anong chismis ang nagsipaglabasan. Knowing Melai updated siya for sure sa chismis but not the whole truth.

"Siguro babalik ako ng opisina to get my things," seryoso kong sagot.

Tiningnan lang naman ako ni Liam na para bang concerned about something or ayaw lang talaga niya ako pabalikin doon.

"E ikaw Liam?" tanong ni mommy.

"I think I'll start applying somewhere else and also get my stuff from my condo," seryosong sagot ni Liam.

Tumango lang naman si mommy at patuloy sa pagawa ng gawaing bahay habang me and Liam finished our breakfast in peace.

After we ate naghanda na rin kami para sa gawaing ngayong araw. I know Liam lost everything, even his car kaya minungkahi ko nalang sa kanya na sumabay nalang siya sa akin. Ayaw din naman ni Liam na mag-isa lang ako pumunta ng office kaya kahit labag sa kalooban niya ay sinamahan na rin niya ako.

"EVaaaaaaaaan!" at isang napakahigpit na yakap ang sumalubong sa akin. Ang lakas ng boses ni Melai nang makita niya kami papasok sa office.

"Uhm Melai pwede ba di ako makahinga," iritar kong sabi.

"Sorry Sorry, E kasi naman pinag-aalala mo ako, ok ka lang ba? Napano ka ba kahapon. Totoo bang kaya ka natanggal sa trabaho kasi sinigawan at nagdabog ka boss natin?" walang preno salita ni Melai. Tsaka ano raw? sinigawan ko yung matandang iyon? Chismis nga naman.

"Uhm hindi ah," depensa ko.

"Ehem,"sabat ni Liam.

"Ay Papa Liam sorry I just got carried away," nahiyang sabi ni Melai.

"So ano na, ok lang ba kayo? balita ko tinanggal ka sa trabaho Evan," alalang tanong ni Melai.

Napahawak ako sa batok ko habang nagaalangan akong ikwento kung ano ba ang punot dulo ng lahat ng ito. Tiningnan ko naman si Liam and tumango lang naman siya.

Kinwento ko lahat sa kanya ng maintindihan ni Melai ang sitwasyon namin ni Liam. Nakita ko namang nalungkot siya at the same time nagalit sa boss namin.

"So iyon nga, andito lang ako para kunin ko yung mga naiwan kong gamit sa desk at locker ko," sabi ko.

Tumango lang naman si Melai, wala naman kasi siya masabi, siguro prinoprocess pa kung ano ang nangyayari.

"We need to hurry up, baka dumating ang guards ni Dad," mungkahi ni Liam and sumang-ayon naman ako. As much as possible I don't want to face any of them, lalong lalo na yung ama ni Liam.

Tinungo ko na yung desk at yung locker ko. Kinuha ko yung mag gamit ko at nilagay sa isang box. Kahit papano I was happy here sa office na to, mamimiss ko talaga si Melai. Kitang kita ko naman malungkot siya, wala kasi siya sa hyperactive self niya. Tahimik lang siya habang pinagmamasdan niya akong kunin ang mga gamit ko.

Ang Manhid kong Pagibig (Pinoy boyxboy spin-off story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon