Episode 15 : Biglaan ang lahat

28 4 0
                                    

After 2 months

Zarina.. Maghiwalay na tayo! Sambit ni Gari

Nagulat si Zarina sa binitawang salita ni Gari.

Ano? Gari? Pakiulit? Nagtatakang tanong ni Zarina

"Mag-hi... Maghiwalay na tayo Zarina. " Walang kagatol gatol na uli ni Gari , nasasaktan man pero pilit niyang pinatatag ang kanyang sarili.

Ba-bakit Gari? Hindi ko maintindihan.. Bakit? . Naluluha ng sabi ni Zarina hindi na niya maiwasan, hindi na mapigilan. Masakit na sa kalooban

Walang imik si Gari na umiwas na ng tingin dahil ayaw niyang nakikitang nahihirapan ang mahal nya. Pero kailnagang gawin.

Ilang saglit ay sumabog na sa sakit at galit si Zarin dahil wala siyang makuhang sagot mula kay Gari.

Oo kasalanan ko! Oo na! Shutanah ka parin! galit na galit na sabi ni zhar.

"Kung walang ibang involve hindi ka magmamadali makipaghiwalay. Alam ko ung ganyang style." patuloy niya.

"Si Jay, Si Jo, Si rold, .. Hahahaha 😂 same stories dre!!! Same!! Dyosa talaga ako ng katangahan noh? Sumagot ka! Shutanah na yan Gari !" . galit talaga si zhar dahil sobrang sakit na nararamdaman.

"Yan ang hirap sayo Zhar. Lagi mo nalang binabalikan ang noon mo. " iba ako sakanila. Sibuyas!" sambit ni Gari habang napahilamos sa mukha niya.

"Huh? Iba? Huwag ako Gari. "
"Kahapon ansaya saya lang naten. Nangangarap, nagpaplano tapos pag gising ko. Nakikipaghiwalay ka na dahil sa napakababaw mong dahilan?"
Hell!" Si zhar

"Mababaw? Sige para sayo mababaw pero hindi ka tumupad sa usapan." Gari

" usapan? (sobbed) Kasalanan mo, kung pinaramdam mong mahalaga ako sayo nung mga panahong iyon. (sobbed) Hindi naman ako nangaliwa, kinausap lang (sobbed) sya. " Humihikbing paliwanag ni Zhar

Katahimikan


" Kung hindi mo lang sana sinuway ang pinag-usapan naten. Hindi tayo magkakaganito. " bakit ba kasi napakatigas ng ulo mo?" gari kay zhar

" Ako naman palagi may kasalanan e.. Lagi nalang ako. Ni minsan ba inisip mo na may kasalanan ka rin naman ?" matigas na tingin ni zhar kay gari. " Ano ? magsusumbatan nanaman ba tayo ng walang katapusan? tae na yan ! pwede mo naman ako kausapin sa pagkakamali ko hindi yung ganito."

"hindi tayo nagsusum...." di na naituloy ni gari

" e ano ? naglalaro ?" pabalang na tanong ni zhar " oh tara jack en poi! ang matalo sya may kasalanan."

"ano ba zhar ? hindi ka ba magseseryoso ? nakakaloko ka na!"

" nakakaloko ? e anak ka ng tinapa na inihaw e! sino nag-umpisa ? huh? sagot ?! sige kung yan ang desisyon mo.... bahala ka na simula ngayon. huwag ka ng magpapakita sakin kahit kelan. huwag na huwag. idamay mo na ang buo mong angkan. tipaklong na yan! di ako prepared.. hahaha! ang sakit sakit . juicenatang na maraming yelo naman Gari! Kapal ng mukha mo!" sabay walk out

"sige mag walk out ka... lagi ka nalang nagwawalk out ! ikaw na ang Dyosa ng pala walk out."

Hindi lumilingon si Dyosa... Ng walk out!

"letsugas na yan" at napasabunot sa sariling buhok si gari. "Zhar! di pa tayo tapos mag-usap , ano ba?!"

Ngunit Tuloy tuloy parin si Zhar sa paglalakad palayo na parang walang naririnig habang pinapahid ang luhang kanina pa nais pumatak. ... ilang segundo ay may humawak sa kanyang kanang braso , dahilan para ma-out of balance sya.

"aaaahhhyyyy.... tipaklong!" naalalayan naman agad siya ni Gari . ilang minuto nagkatitigan ngunit bigla ring di nagpansinan.

Katahimikan

"Nakikipaghiwalay ka diba?" basag katahimikang sambit ni Zhar "pwes ..... "
pak ! pak! malulutong na mag-asawang sampal ang inabot ni Gari .
"Edi, break na tayo!"

dyosa ng walk out ... nag walk out ulit. at natulala na lamang si Gari sapo ang mukha. wala siyang nagawa kundi ang tignan nalamang palayo si Zhar.....

Gari's Momentum

Hindi ko kayang saktan ka Zarina pero mas hindi ko kaya na mapahamak ka ng dahil sakin. Nang dahil sa nakaraan at pagkakamali ko noon.

Masakit para sakin na nakita kang umiiyak at nasasaktan. Masakit sakin na kahit gusto kitabg habulin sa pag wawalk out mo at bawiin lahat ng masasakit na salita. Pero hindi.. Kailangan Kong gawin ito.. Para din sa kaligtasan mo. Sana kapag naayos ko lahat. Sana mahal mo parin ako at mapatawad sa nagawa ko. Babalik ako Zarina. Pangako!

-

Pagkalipas ng isang buwan

"GoodMorning TitaMee, " at nakipagbeso beso si Gari sa Ginang

"Oh, Hijo? Napakaaga mo naman yata? " gulat na sabi ni Mrs. Sanchez

"Eh miss na miss ko na kasi si Zarina Tita, pwede ko na po ba siyang puntahan? " pagpapacute na sabi ni Gari

"Ang batang ito talaga, syempre naman hijo. Alam mo naman na botong boto ako sa iyo e. Kahit ano pa and pagsubok na dumating sa inyo ng anak ko. Sayo parin and tiwala ko. Andun sya sa kwarto nya tulog pa yata. "

Bigla napakamot sa ulo si Gari. "Salamat po ng marami Tita. Hintayin ko nalang po sya magising. "

"Ay, hindi na kayo mga bata anak. Sige na, maaari ka naman pumasok sa kwarto nya. Basta behave lang kayo. Okay? May tiwala ako sayo anak. " at nakangiting hinwakan ng ginang ang kamay ni Gari

"Salamat po Tita."

At pumasok na ng bahay si Gari dumiretso sa kwarto ni Zarina. Naabutan nga niya na tulog pa ang dalaga. Lumapit siya sa kama at pinagmasdan ang mala-anghel na mukha ng kanyang mahal.

"Hindi ako makapaniwala na ikaw lang pala ang sagot saking mga panalangin. " bulong ni Gari

At biglang naalimpungatan si Zarina.

"A--aanong? Anong ginagawa mo dito.? Lumabas ka! At kahi kelan ayaw ko ng nakita ang pagmumukha mo. Kapal ng apog mong pumasok sa solid ko? Kapal!! Labas!!! .." galit na galit si Zarina at pinagtututulak si Gari palabas ng kanyang silid.

"Te-teka! Arai! Ano ba? Masakit ah! " sambit naman ni Gari na pinipigilan ang pagtulak sakanya ng dating nobya

"Masakit? Masakit? Kulang payan.. Lumabas ka! Kubg hindi tatawag ako ng pulis. " hingal na hingal na si Zarina katutulak kay Gari. "Ngayon? Masakit? Haha! " at pagal pa na pahabol nito

"Opo, kaya pakiusap ko sayo. Tama na! Mag-usap tayo. Huminahon ka muna sandali. Magpapaliwanag ako. " pakiusap naman ni gari

"Wala tayong dapat pag usapan pa. Isa pa wala ka nang karapatan na kausapin pa ako. Get lost! " kasalukuyan ng pinupunasan ni Zarina ang kanyang mga luha.

"Myloves? Sorry.. Magpapaliwanag ako ." saktong yayakapin ni gari si zarina pero pinanlakihan lamang ito ng mata

"Magpaliwanag ka sa pulisya! Alis.. Labas! Layas!!!! 😡😠😡

I Loved You,  Unexpectedly (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon