Episode 18 : Lashingin

35 5 0
                                    

flashback

"Mga lalaki na yan. Pare-pareho.  Paasahin ka . Ipaparamdam sayo na mahalaga ka.  Na mahal na mahal ka.  Tapos ano?  Iiwan nalang ng walang matibay na basehan?  Eh nak ng tinapa e!  Hik - akala ko iba sya.  Akala ko sya na.  Lecheng puso toh!  Antanga tanga. Hik Hik..
(Sabay tagay)
Ma-manong dalawa pa nga neto.  Pakibilisan po. Kayong mga lalaki!  Hik " (sabay turo sa bartender at sa lalaking nasa bar)  bakit ba ginagawa nyo samin toh? Hindi nyo ba alam kung gaano kasakit? Babae din ang Ina nyo diba? Babae din kami. Di nyo naisip na kapag nanakit kayo ng babae para nyo naring sinaktan ang Ina ninyo? Mga ogag kayot kalahati." pigil luhang sambit ni Zarina sa isang bar at pinili nitong nagpakalasing upang pansamantalang makalimot sa sakit na nararamdaman.

"Ma'am,  lasing na po kayo! " sagot nalang ng isa pang crew

"Hin-hindi pa ako lashing.  Wala pa nga isang case naiinum ko.  Akin na yung order ko.  Bilis po.  Akin na akin na. "

"Eh Ma'am,  papasundo nalang po namin kayo masyado na po marami ang nainom nyo. " patuloy pa ng crew

"Wala kang pake.  Gagawin ko ang gusto ko.  Baka mabato kita dyan.  Akin na sabi ang order ko. " pagalit na sabi ni Zarina naiinis na talaga sya sa mga oras na yun. 

Maya Maya pa ay tumunog ang kanyang cellphone.

RingRingRing...

"Ma'am?  Ang phone nyo po."

Tinignan lang ng masama ni Zarina ang nagsalita.  Pasimple namang namemorize ng isang crew ang numerong lumilitaw sa screen ng phone ni Zarina.  At pagkatapos nitong iabot ang order ni Zarina ay saglit itong lumabas upang tawagan ang numero na kanina ay minemorize niya.

Ring Ring Ring..

"Yes Hello? " sagot ng nasa kabilang linya

"Magandang Gabi po Sir? " pagbungad naman ng crew na itatago naten sa pangalang Four.

"Yes?  Who's this please? " may pagtatakang tanong nito

"I'm Four po Sir. Isang bartender crew dito sa Bachelor's Bar along Miranda Rd.,  namemorize ko lang po ang numero ninyo ng tumawag kayo sa phone ng dalaga dito sa Bar.  Eh Sir,  medyo marami na po ang nainom nya at parang bakit din ho sya sa mga lalaking nakikita nya." mahabang paliwanag nito

"Oh my goodness.  Thank you Mr.  Four.  I'm her brother Nathan.  Kindly check my younger sister.  I will go there immediately. Paki-alalayan muna siya.  Please? " pakisuyo naman ni Nathan na nataranta na habang papatakbong lumabas ng kanilang bahay.

"Wala pong problema Sir,  ingat ho kayo. "

"thankyou ". At dun naputol ang usapan at Dali daking tinahak ni Nathan ang kapatid sa nasabing bar.

-

Palinga linga si Nathan dahil hindi niya kabisado ang lugar. Natatakot din siya para sa kapatid na ngayon lang ulit ito naglasing.  At mag-isa pa.  Nakikita niya sa paligid na marami na ang nagiging wild dahil sa kalasingan.  Kasabay niyon ang malakas na tugtugin.

"Zarina,  nasaan ka na ba?" bulong niya sa sarili

Habang palinga linga ay nakita na niya ang kapatid na may nakaalalay ng binata.  Dali Dali niya itong nilapitan.

"Excuse me. " medyo may tapang na sabi ni Nathan.  "I'm  her  brother. Ako na aalalay sa kapatid ko." At kinuha ang braso ng kapatid sa isang binata na naka-uniform.  Pasimpleng tinignan ni Nathan ang pangalan sa uniform.  "Four"

"Sir,  magandang Gabi po. " pagbati ng crew Kay Nathan

"Salamat sa pag-alalay sa kapatid ko at sa pagtawag narin.  Pasensya na kung may nasabing di maganda itong kapatid ko huh? " patuloy ni gari at ngumiti

"Ayos lang po yun Sir,  sanay na po kami sa mga clients na nasasaktan ng sobra.  Kung sino man po ang dahilan ng pag-inom ni Ma'am,  mukhang mahal na mahal nya." Nakangiting tugon naman ni four

"Tama ka dun,  may hindi lang sila napagkaunawaan. At Ewan ko ba sa kapatid ko at uminom pa! Lagot talaga sya. " napapailing pa na sabi ni Nathan.  "Anyways.   Maraming Salamat ulit. Ito ang bayad ng kapatid ko mukhang di pa sya bayad.  Keep the change. " ngumiti ng sinsero sabay talikod at tinunton ang pinto palabas

"ThankYou Sir, " pahabol pa ni four. 

-

"Zarina,  bunsa?  Gising na...  Nandito na tayo sa bahay. Bunsa? " sa mahinang tinig habang tinatapik ang balikat ng kapatid

"Mhmm... " at tumagilid pa si Zarina sa pagkakahiga sa likod ng kotse ni Nathan

"Haiynaku..  Lakas kasi maglasing hindi naman pala kaya. Lagot ka talaga sakin bukas. Kabigat bigat mo pa man din.  Brrr. " at wala na ngang nagawa si Nathan kundi ang buhatin ang kanyang kapatid.

-

Sakto naman na pagpasok niya sa kanilang bahay ay nadatnan niya si Nay Lita. 

"Nay,  magandang gabi po. Maaari nyo po bang linisan ang katawan ni Zarina sa kanyang silid? " pakiusap Nathan sa ginang

"AI..  Walang problema hijo . Napano ba ang batang ire?  Aba amoy alak pa?  Mukhang maxado nya dinibdib ang lahat.  Ang batang ito. " sabi ng ginang habang nakasunod sa pagpanhik ni Nathan.  Nag-aalala din ito

"Opo Nay,  masyado nya dinidibdib.  Kaya dapat malaman na nya ang totoo. Hindi ko na hihintayin pa na si Gari ang magsabi. Ako na mismo...  Hindi ko kayang makita ulit na nagkakaganito ang kapatid ko. Nasasaktan din po ako Nay,.  Naiipit din ako sa sitwasyon dahil matalik ko ring kaibigan si Gari." Matamlay na pahayag ni Nathan sa ginang habang inaayos ang pagkakahiga ng kapatid.

"Nako hijo,  malalampasan din lahat ito ng dalawa. Kumalma ka lang.  Kumaen ka na ba? " sambit ng ginang

"Hindi pa nga po.  Nataranta kasi ako kanina ng malaman Kong hindi pa umuuwi itong si Zarina.  But I mabaet ung isang crew at itinawag agad sa akin. " sa pagpapahayag na iyon tumunog ang tiyan ni Nathan senyales na gutom na nga ito

Bahagyang nangiti ang ginang.  "Oh sya may makakaen sa kusina hijo mainit init pa iyon kumaen ka na at ako ng bahala sa kapatid mo. Syangapala.  Bukas na daw makakauwi ang mommy ninyo.  May meeting lang daw sila.  Baka nakalimutan magsabi ng mommy ninyo e nataranta ka nanaman. "

"Hehehe" sabay kamot sa batok.  "Salamat po Nay.  Baba na po muna ako. Balik po ako mamaya. " pahayag ni Nathan

"Naku..  Huwag na hijo.  Pagkakaen mo maglinis ka na ng katawan at magpahinga.  Halatang pagod ka. " sabi naman ng ginang

"Sige po Nay,  Maraming Salamat po." Sabay niyon ay dahan dahang lumabas si Nathan sa silid

Ngumiti nalamang ang ginang.

-

"Naku...  Ang batang ito. " at patuloy ng nilinisan ang katawan ng dalaga

flashback ends ..

Tok Tok Tok...

"Mhmm...?  " sago na nabitin ang itinugon ni Zarina

"Ipapasok ko lang ang hapunan mo hija. Kumaen ka na para malakas ka kapag nag usap na kayo ni Gari" may halong pangangantyaw na sabi ng ginang at tuluyan ng pimasok sa silid

"Kaw pala nay " Napahaba po yata ang tulog ko. Nanaginip na sin sa sobrang haba. 😆 goodmorning nay kahit Gabi na.  😂"

"Ikaw talaga. Oh sya.  Kumaen ka na at magpahinga na ulit.  Lalabas na muna ako. Ako na bahala sa pinagkainan mo basta ubusin mo hija.  Ok? "Sabi ng ginang

'Opo opo nay,  Salamat po. Ingat po kaw " sambit naman ni Zarina.

---

😊 BeSafe Everyone.  Ito muna ang update ko.  No edits.  😊 hope you enjoy

I Loved You,  Unexpectedly (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon