Episode 5 : Tamang Kutob

65 7 2
                                    

Sa pagpapatuloy
The Past 2

Dumiretso sa condo ni Gari si Thea at Jon.  Alam naman kasi nitong si Thea ang passcode ng condo kaya nakapasok sila sa loob.

"Kaya pala hindi mo maiwan iwan yang si gari,  yayamanin. " "Mahal ko si Gari,  kaya tumahimik ka dyan kung ayaw mong... " . "Ayaw Kong iwan mo ko?  Ngumiti ng pilit. Alam mo thea pwede ko naman sabihin dyan sa shota mo ang totoo e.  Isa pa ako ang nauna sa---." . "Kung di ka nagloko Jon. " putol ni thea sa usapan!

Siya namang pagdating ni Gari. "oh babe,  andito na pala kayo...  Magpapalit lang ako at bibili ako ng makakaen naten.  " sabay sulyap Kay jon na medyo namutla at Kay thea na kasalukuyang napatayo sa pagkabigla.  " pasok muna ako ng kwarto para makapagpalit,  maiwan ko muna kayo. " at Pumasok na nga sa kwarto si gari at binuksan ang wifi connection at chineck ang CCTV na coconnect sa kanyang smart phone.   Nakikita nya mula dito ang dalawa. 

Ang ganap sa salas .... 

Lumipat sa kabilang upuan si thea na sya namang ikinunot ng noo ni Jon. 

Mga ilang minuto ay lumabas na siya ng kanyang kwarto.  "Babe,  pakibukas naman ang TV,  maxado kayong tahimik baka mapanis laway niyo. Haha! " . Ngumiti si thea . "Kaw talaga babe,  joker ka narin pala?". Sabay tayo at inabot ang remote ng41" flat screen TV " anong channel ba? ". Tumingin ito Kay gari. "Jon, pre anong channel ba gusto mo?" . "Ah... Eh... Kahit among channel nalang, di naman ako mapili." sambit ni Jon Kay Gari sabay pahapyaw ng sulyap Kay Thea. . "Oh,  babe di daw mapili kaya ikaw ng pumili." Sabay kindat Kay thea. At sya namang medyo ikinataranta ni Thea dahil sa makahulugang ngiti ni Gari sakanya. At inilipat nga ang channel ng TV sa isang koreanovela. "Maiwan ko muna kayo huh? At bibili ako ng makakaen naten." . "Sama ako babe". "Huwag na, dito ka nalang para may kasama si Jon." . "Malaki na sya, kaya nya na sarili nya. Diba jon? " sabay tingin Kay Jon ng matalim. "Oh, ho---- Thea, sama mo makatingin. Hahaha, sige na pre isama mo na yang si Thea at mukhang namiss ka." Makahulugang baling ni Jon Kay Gari. "Naku, dito ka na babe, ayaw Kong mapagod ka, txaka sandali lang naman ako. Babalik ako agad babe pagkabili ko ng makakaen naten." baling ni Gari Kay Thea. "sigurado ka ba?".si thea kay Gari. "Yhup! " . Sabay gulo sa buhok ni thea. "Jon,  kaw muna bahala sa girlfriend ko. " makahulugang tingin ang iniwan ni Gari sa dalawa at tsaka ito tuluyang lumabas ng condo.

Sa FastFood naman ito ang ganap  

Sa may isang fastfood lang naman bumili itong si Gari ... ang totoo malapit lang iyon sa condo nya, at pasulyap sulyap ito sa kanyang smart phone . Nakikita nya dito kung ano ang ginagawa ng dalawang naiwan sa condo...  "what's your order Sir?" . tawag atensyon ng isang empleyado kay Gar. " ah .... isang Family Super Meals , yung drinks paki large nalang and 3large fries and sundae please ." . "ok po Sir, pakiwait nalang po mga 10to 15 mins Sir, okay lang po ba?" . "sure, no problem." sabay ngiti sa empleyado. "thankyou Sir, heres your number po pakihintay nalang po sa waiting table." at turo ng empleyado sa sulok na maaaring paghintayan ni Gari ng kanyang orders. "okay, thanks". at tinungo na nga ni Gari ang pwesto.

Habang naghihintay ay sumulyap muli si Gari sa kanyang smart phone upang tignan kung ano ang ginagawa ng dalawa sa kanyang condo. at Sa mga oras na iyon tahimik lang naman na nanunuod si Thea at Jon na pasulyap sulyap sa isa't isa. Di mawari ni Gari kung ano ang meron pero di narin siya mapakali."ano bang nangyayare sakin? tama pa ba itong ginagawa ko?, alam ko naman ng hindi loyal sakin si Thea pero bakit may tumutulak parin sakin na gawin ang mga bagay na ito? para saan ? para lalo lang akong masaktan? hahaha." tanong ni Gari sa kanyang sarili na sa kanyang pagtawa ay napasulyap sakanya ang ilang mga customer malapit sakanya na ikinamula ng kanyang pisngi at sabay  kalikot sa kanyang smartphone at  naglaro nalamang muna siya ng COC para pasimpleng iwas sa mga napatingin sa kanya.  "nakakahiya un. baka isipin nila nabubuang na ako." sa isip ni gari at napangiti na lamang.

*************************************************************************************

Pasenxa na po.  Medyo busy lang kaya di agad nakakapag-update...  But once na marami ako time update pa more lang....  😊 Salamat po sa mga nagtatyagang  magbasa kahit di pa ganun kaganda... at medyo nakakaligaw pa ! sorry at Salamat Salamat. 👍

⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕

Abangan ang susunod na  magaganap sa tatlong ito.  Matatapos na ba ang role ni Jon at Thea? 

**
**
**
**
**

I Loved You,  Unexpectedly (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon