Episode 20 : Yakap

42 5 0
                                    

"Whoah... Sarap! Nasilayan ko ang magagandang tanawin dito. Sayang lang at hindi kita kasama Zarina. Mas masaya sana kung nandito ka , magkahawak kamay tayo naglalakad sa buhanginan. " at napabuntong hininga nalamang si Gari

-

Ngayon ay mag-isang naglalakad lakad si Gari. Tinatanaw ang magandang tanawin. Sa Cebu nya naisipang magbakasyon. Magpalamig narin sa sitwasyon. Mahirap talagang mainlove anoh? Yung tipong kapag nasira na ang tiwala, lumisan ka ng ganun ganun nalang. Kahit napaka reasonable reason pa ng partner mo. Napakahirap ng paniwalaan. Kahit sobrang nagsisisi pa ito.

-

Sa kalagitnaan ng kanyang iniisip ay may isang maginoong lalaki ang lumapit sakanya medyo may katandaan narin ang itsura nito. Tinapik siya sa balikat na ikinagulat niya.

"Hijo. . Masyado yatang malalim ang iniisip mo? Kanina pa kita tinitignan at kanina ka pa tulala. May problema ba? Maaari along makinig. " sabi ng matipunong manong na simple lang din naman ang suot pero makikita mo na may kaya ito.

"Ah. . Eh, " at napakamot sa ulo si Gari

"Ako pala si Mr. Sanch---. Ahm.. Mr. San. Nalang itawag mo sa akin. " nakangiting sambit ng manong

"Hello po, ako naman po si Gari V. " tugon naman ni Gari

Bahagyang natawa ang ginong. "Seriously? "

"Gari Valencia nga lang po. Hehehe" at nakipagkamay si Gari sa ginoo.

"Ah.. Medyo joker ka pala noh hijo? "

"Medyo po. Medyo sablay lang. "

"Hahahaha" natawa naman ang ginoo

At doon na nagkapalagayan ang loob ang dalawa.

Sa kabilang banda...

"Nandito na tayo.. Gandaaa! - " at nilibot nila ang resort kung saan sila nagcheck in.

"Kuya, ayos toh ah! For the fist time nag bonding tayo nila mom sa ganitong lugar. Malaki yata ang sahod kuya? Palibre narin ng icecream oh? " pangangantyaw ni Zarina.

"Yun lang ba? Your wish granted. Pag dating naten sa room meron na dun. Panigurado. Ikaw mom? Anong gusto mo? "

"Gusto ko.. Mhmm.. Gusto ko matulog. Medyo babaliktad ata sikmura ko ee. Asan ba ang silid naten. Gusto ko muna magpahinga. " sagot naman ni Mrs. Sanchez

At nagtawanan ang magkapatid. "Hahahaha... Tara na mom. Room 306 po tayo. Bandang taas pa un kaya gamit nalang tayo ng elevator. Let's Go. " aya naman ni Nathan sa Ina at Kapatid

Habang nasa elevator ay pasimpleng nagtext si Nathan. Na napansin naman agad iyon ni Zarina.

"Sino ba yang tinetext mo kuya? Babae ba yan? Katagpo mo dito? Ui... Si kuya. " medyo kilig pa si Zarina

"Ah.. Ah.. Oo. Oo. Yun nga! " patay ka ngayon Nathaniel Sanchez

Message Sent

-

Merong nagtext sayo, text sayo, text sayo (boses minions pa ang alert tone ni manong)

I Loved You,  Unexpectedly (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon