"Best! Kami na ni Cloud!" Yan na ang una at huli ko'ng ineexpect ngayong araw.
"Ah... nice. Congrats sainyo."
"Uy, best bakit ang lamya mo?"
"Ah wala lang 'to pagod lang siguro to. Sige mauuna na ako ha! Ingat!"
"Uy teka-"
Hindi ko na pinatapos yung sinabi niya ng tumakbo na ako papalabas ng Univeristy.
Nandito ako ngayon sa Open ground ng University namin. Makikita niyo yung napakalawak na kung saan madaming nagpupunta para magbonding.
Isa na diyaan yung mga couple na magka-holding hands. Mga estudyanteng gumagawa ng reports. May natutulog. At higit sa lahat loner na katulad ko.
*tik!*
"Aray!"
"Oh? Ano nanaman ineemote mo diyaan. Sige ka magmumukha kang matanda kaagad." Si Cloud pala.
"E ano ba'ng pake mo? Tsaka bakit ba nandito ka? Diba dapat kasama ko Alecx?"
"Alam mo na pala yung balita. Ah so ganon? Pinapalayas mo na ako? Ikaw ha, meron ka ngayon no? Pinageemotan mo nanaman yung Chace na 'yon."
"Congrats! Oo alam ko na. O ano naman kung si Chace iniisip ko? Pake mo? Labas ka na doon. Hindi mo pa sinasagot tanong ko,bakit ka nandito?"
"Sinabi kasi saakin ni Alecx na tumakbo ka papalayo nung sinabi niyang kami na."
"Alecx nanaman." Bulong ko sa sarili ko.
"Ano? May sinasabi ka?"
"Ahhhh... wala. Ang sabi ko may kailangan pa kasi akong puntahan kaya kumaripas na ako ng takbo."
"Weh?" I need to make up an excuse, parang hindi ko na kakayanin na makasama pa ng matagal si Cloud.
*ding!*
"Oooops! Andiyan na si Manong, una na ako Cloud! Byeee~"
"Uy! Teka-" At dali-dali na akong tumakbo papalayo sakaniya.
Totoo naman na nadiyan na yung sundo ko e, buti nalang talaga.
Graduation na next week, what to expect? Oo ga-graduate na ako. Part ako ng dean's listers, and Cum Laude.
Pero. Hayyy.
Yung utak kong napuno ng puro SANA,
Na tila'y
Sana ako nalang yung babaeng kayakap niya
Sana ako nalang yung babaeng minamahal niya
Sana ako nalang yung babaeng rason ng kaniyang pag-ngiti
Na tila'y abot tenga ang dating
Pero para saan pa nga ba ang pag-gawa
ko ng tulang ito
YOU ARE READING
To love or To let go?
General FictionLagi nalang ako nagpaparaya. Ni minsan hindi naintindihan ng mga taong naka-paligid saakin kung bakit lagi ako'ng nagpaparaya. Sabi nga ng iba diyan, bakit mo pa papakawalan kung nasa iyo na siya?