*ringggggg*
"Hoy! Bakla! Gumising ka na aber. Dress fitting ngayon bawal umabsent!"
Ang aga-aga yan pa yung bubungad sayo?!
"Oo na butch! Juice colored."
"Alam mo ang dami mong ichi chika saakin."
"Tulad ng?"
"Yung ex mo! Kaloka ka! Ang haba ng hair mo, tinalo mo pa yung buntot ng kabayo!"
"Pakyuu~"
"Basta pumunta ka ha! Dalian mo!"
"Oo ito na!"
Tumayo na ako para magligo at magbihis.
*ding dong* *ding dong* *ding dong*
ABA MAY BALAK 'TONG SIRAIN YUNG DOORBELL KO AH!
"Saglit lang!" Keep your chill, mahaba pa ang araw.
*ding dong* *ding dong* *ding dong*
"ABAYGA DI KA TI-" Pagka-bukas ko ng pintuan guess who it was.
Chace.
"Ang tagal tagal mo'ng buksan yung pintuan!" Dire-diretsong pasok niya sa pad ko at umupo sa couch ko. Sa Leather couch ko pa talaga. Ang mahal kaya niyan.
"Aba ikaw pa may ganang magalit ngayon ha!"
"Malamang ang init init dito sa labas e."
"E sino ba naman kasi nagsabi sayo na mag long sleeveless kung alam mo naman palang tirik yung araw. Timang ka rin e no!"
"Oo na oo na! Dalian mo na mahuhuli na tayo."
"Saan?"
"Saan pa ba edi sa suit and dress fitting nila Butch at Cloud!"
"Hoy! Hinayupak ka hindi ko sinabi na sasama ako sa kasal ng kumag na yon!"
"Aish! Dalian mo na parang namang pwet to ng manok to putak ng putak."
"Edi lumayas ka! Hindi ko naman kailangan ng hatid effect mo e!"
"Bahala ka ha! Bahala ka pumunta doon ng walang kotse." Tumayo na si Chace at naglalakad na papaalis ng maalala ko na sira nga pala yung kotse ko.
"Oy! Chase joke lang naman ito naman."
"O tignan mo!"
Wala na akong nagawa kundi sumabay sakanya papunta ng Dress Shoppe.
Nang makadating na kami ang unang bumungad saakin ang mga Wedding gown na napaka-ganda at nakahilera sa gilid-gilid. Madami sigurong ikakasal ngayong taon.
"Oh, tikom mo yung bibig mo mamaya may pumasok na langaw."
"Masaya kaya ikasal?"
"Siyempre! Lalo na kung tao sa mo'ng mahal."
YOU ARE READING
To love or To let go?
General FictionLagi nalang ako nagpaparaya. Ni minsan hindi naintindihan ng mga taong naka-paligid saakin kung bakit lagi ako'ng nagpaparaya. Sabi nga ng iba diyan, bakit mo pa papakawalan kung nasa iyo na siya?