TLTLG: Chapter 7

4 0 0
                                    

Naka-upo na kami ngayon sa Dining Area at kanina ko pa pinangliliitan ng mga mata si Chace in return naka-smirk lang siya.

Nang maka-balik na sila Mama sa hapag kainan naunang mag-salita si Chace.

"Actually Tita magkakilala na po kami ni Xav."

"Ijo you can call me nalang Mommy if you're comfortable with it. Really? How come?"

"Actually we've met in Australia we're on the same firm before and luckily I've became Xavannah's secretary."

Shit?! Bakit hindi ko iyon napansin?

"Why don't give him a tour around the house Xav?" Usisa saakin ni Tito Jess, hindi padin ako komportable na tawagin siyang Daddy.

"As if namang malako itong bahay." Bulong ko sa sarili ko. Malaki naman talaga 'tong bahay na 'to, sa sobrang laki pinaka-ayokong gawin ay yung pagbibigay ng tour!

"Ano nanaman ba 'tong pakulo mo Chace huh? Pati ba naman mga magulang ko kinulam mo na?" Sarkastiko 'kong tanong sakaniya.

"Hindi naman ako ganoon ka-rude or whatever. Just like I said, madami akong alam sayo."

"Oh really? Like what?"

"Hmmm..... kilala na kita from the very beginning and alam 'kong may sakit ka." At iyon yung nagpahinto saakin sa paglalakad.

"E...ever since ba Chace natutunan mo 'din ba akong mahalin?"

"Yes Xav. Minahal kita ng sobra sobra pa sa inaakala ko. Yes I admit I am a douchè pero kaya ko naman magbago para sayo ang nagawa ko iyon dahil mahal kita.

At first kita lang kita as a simple nerd nothing more, nothing less. But then pinilit ko yung sarili 'kong mahalin ka dahil nagiba yung pakiramdam simula nung maka-usap kita sa fair.

Na torpe ako nun! Ang lakas kasi ng impact mo saak-"

"So binuggo kita kaya ba malakas impact ko sayo?" Natatawang tanong ko sakaniya.

"Baliw. Tapos nung maging akin ka na I can't help but to feel insecured kay Cloud. Napaka-swerte niyang lalaki kung sa tutuusin, may nagmamahal na kaibigan sakaniya. At higit sa lahat hindi mo siya sinukuan.

Alam mo yung feeling na sana ako nalang si Cloud. Sana ako nalang yung minamahal mo, na sana ako yung taong nakakapagpasaya sayo noon. Ang sakit Xav, na kahit tayong dalawa noon ramdam ko yung atensyon mo nasa iba.

Na kahit sinasabi 'mong mahal mo ako pero ramdam ko na hindi ako yung mahal mo. Pero tiniis ko iyon dahil mahal na mahal kita, ni minsan hindi ko ipinaramdam na hindi kita mahal. Laks kasi ng tama mo e.

Hanggang dumating na tayo sa punto na hindi ko na nakayanan, sumuko na ako. Dahil kahit anong laban ko, alam ko matatalo at matatalo padin ako pag dating sa larangan ng pagiibigan. That's why I acted na may mahal na akong iba, remember noong nasa Gym kami?

Nag-peke akong mahal ko siya pero sa kaloob-loob ko pinapatay na ako. Masakit, Xav. Hindi ko 'man gustong gawin sayo iyon pero anong magagawa ko? Anong laban? Bakit ko pa ipagpapatuloy yung pagmamahal sa isang tao kung alam mo namang iba yung mahal niya.

That's why I asked my Dad na maging secretary mo dahil mahal padin kita. Akalain mo yun? Sa tinagal nating magka-hiwalay mahal na mahal padin kita? Ang lakas mo kasi saakin e.

Hanggang sa inamin ni Dad na magiging kapatid kita, inaway nanaman kita. Childish no? Ang sama sama ko noong party no? Gago kasi ako e.

Sa sobrang pagmamahal ko sayo. I choose to let you go." Sambit ni Chace at hinalikan yung noo ko.

"C..Chace. Bakit ka sumuko? Paano kung mahal naman talaga kita at gusto 'kong bigyan ka ng isa pang chance. Bakit ka sumuko kaagad?"

"Natatakot kasi ako." Wala na akong naisabi kay Chace at niyakap nalang siya ng pagka-higpit higpit yung tipong wala nang bukas.

"Hayy... kalimutan na nga natin yon. Bakit hindi mo padin inaamin sakanila yung sakit mo?"

"Ayoko nang maging sagabal sakanila. Besides I like seeing them happy."

"Even if it will risk your life."

"Yes."

Nang matapos na yung pagiikot namin sa bahay hindi ko padin maiwasang isipin yung mga sinabi ni Chace kanina.

*ringgggg*

"Cloud! Napatawag ka?"

"Masama 'bang tumawag tsaka bakit parang gulat na gulat ka?"

"Ah! Wala lang. Ikaw kamusta ka na? Naka-hanap ka na ba ng hotel?"

"Yes. Naka-hanap nadin sa wakas."

"Bakit ang tagal 'mong maka-hanap? Sabi ko naman kasi sayo saamin ka nalang muna tumaloy at ipagpa-bukas nalang natin yung paghahanap ng matutuluyan mo."

"Okay na yon. Ang hirap kasi humanap ng mas malapit sayo."

"Saamin? Saan banda?"

"Sa puso mo." At napangiti ako sa sinabi niya.

"Kalokohan. Mga banat mo ha."

"Uyyy~ kinikilig siya."

"Heh! Oh bakit mo ako tinawag?"

"Ay! Bawal na 'bang manga-musta?"

"Hindi naman."

"Tara punta tayo sa playground."

"Sige libre mo nadin ako ng Ice-Cream."

"Yup! Sure, two scoops of Rocky road right?"

"Talaga naman! 'Di niya padin nakakalimutan."

"Siyempre."

Napagkasunduan namin ni Cloud na magkita nalang mismo sa Playground since malapit nalang naman iyon sakanila.

"Oh ito na yung order mo senyòrita."

"Thank you~" Sabi ko sakaniya at naghanap na kami ng mauupuan.

"Alam mo nakakapagtaka lang. Bakit ang daming gamot na ibinigay sayo kahit na ba kulang ka lang sa tubig at pahinga." Nagulat ako sa sinabi niya siguro iyon pa yung bumabagabag sakaniya simula noong dumating kami dito.

"Ewan ko..."

"Mayroon ka 'bang hindi sinasani saakin?"

"H..ha?! Wala! Wala. Okay lang talaga ako concerned lang kasi si Tito saakin."

"Weh? Tito mo pala siya kaya naman pala ang close niyo."

Pagkatapos noon ay nagkwentuhan nalang kami ng paulit-ulit hanggang sa magdilim nalang yung langit.

"Naaalala mo pa noong nadulas ka sa may putikan at naunang nasubsob yung mukha mo?" Natatawa 'kong tanong sakaniya habang nakahiga kami sa lupa at naka-tingin sa mga naggagandahang

"Ay! Grabe iyon. Masakit 'din yon ha!" At inakbayan ako ni Cloud.

"Tanga mo kasi 'non e."

"Na-miss ko 'to. Yung ganito lang tayong dalawa."

"Ako 'din."

"Will you give me a chance Xav?"

"Chance sa ano? Ha?"

"Chance na manligaw sayo."

"P..pwede." At binigyan ko siya ng pagka-tamis tamis na ngiti.

Lumipas ang isang linggo na walang tigil sa pagpapadala ng rosas sa bahay namin. Hindi 'din siya tumigil sa pagsusuyo sa mga magulang ko kahit na nakuha na niya yung loob neto.

||

Sorry dahil natagalan sa pag-update, madami aketchy ginawa ngayong summer and may 'bisita' kami kaya medyo busy.

Suriiiii, medyo tinatamad ako kaya ito lang nagawa ko. Dibale babawi ako sa next chapter. Enjoy!

-jona_

To love or To let go?Where stories live. Discover now