Shoftie POVNandito ako ngayon sa classroom. Biglang dumating ang teacher namin at nagdicuss na agad. Grabe talaga mga teachers dito sa private first day of school nagdidicuss na agad hindi ba nila alam na hindi pa kami nakakarecover sa bakasyon hay naku naman.
'' Shoftie! Nakikinig ka ba?!'' Sabi ni sir na mukhang galit dahil kanina nya pa pala ako tinatawag.
'' Syempre naman sir, nakikinig po ako sa inyo'' sabi ko.
'' Sige nga kung nakikinig ka talaga sagutin mo itong nasa blackboard'' sabi ni sir. Hay naku! Lagi nalang nagsusungit si sir.
'' Sus sir! Kayang kaya nya yan sagutin. Dakilang nerd nga diba sir'' sabat ng classmate ko.
''HAHAHAHAHAHA'' tawa ng buong klase at pati pala si sir anong klaseng teacher ito kinakampihan pa ang mali sus! Favoritism.
'' HAHAHA. Nerd na pangit'' sabi ni fetie.
Makapanghusga naman ito akala mo kagandahan eh make-up lang naman ang nagdala -sabi ko sa utak ko.
'' Stop laughing class. Look and analyze if the answer is correct''sabi ng magaling kong sir *insert sarcastic tone*
Pagkatapos suriun ni sir ang aking sagot. Sinabi nya na agad kung tama ba o hindi.
'' Tignan nyo nga kung sino pa yung pinagtatawanan nyo at nilalait nyo sya pa ang mas may ibubuga sa inyo. Diyan kayo magaling sa panghuhusga ng tao hayss.. Mga kabataan nga naman'' sabi ni sir na umiling-iling.
'' Grabe kayo maka-sermon sir ah. Diba kanina nakikisali din kayo sa amin tumatawa nga din kayo eh tapos kung makasabi kayo parang hindi kayo tumawa'' sabi ng aming president. Mataray talaga yang president namin halata naman eh pati prof namin tinatarayan nya.
Kring~~~ Kring~~~~Kring~~~~
'' Hey! Be car- '' hindi na naituloy ni sir ang kanyang sasabihin dahil breaktime na.
At dahil breaktime na nga papunta na ako ng canteen ng biglang may makasalubong akong hindi ko inaasahan.
Rusielle POV
Pagkarinig ko sa school bell agad ako pumunta sa classroom ni nerd para umpisahan ang aking plano at hindi nga ako nahuli dahil saktong papasok ako ng classroom nila at siya naman ay palabas kaya agad ko syang kinausap.
'' Hi ner-- este hi shoftie pala. Magandang araw pala pero mas maganda ka pa sa araw'' sabi ko sakanya. Pwee... Nakakasuka kung pang doon sa pesteng dare na yun hindi ko ito gagawin.
''Hello?'' Sabi ni nerd na parang hiyang hiya pero siguro sa loob-looban neto kinikilig na ito.
'' Wag ka nang mahiya sa akin shoftie. Gusto ko lang makipag-kaibigan sayo hmm.. Pwede ba?'' Sabi ko sa kanya hay naku ano itong pinasok ko baka sabihin ng ibang tao wala na akong taste. Tsss!
Shoftie POV
'' Wag ka nang mahiya sa akin shoftie. Gusto ko lang makipag-kaibigan sayo hmm.. Pwede ba?'' Sabi ni rusielle sa akin. Totoo ba ito? O baka nananaginip lang ako? Si rusielle na sikat at playboy kinakausap ako? Oh baka sabihin nyo crush ko sya FYI hindi ko po sya crush noh.
'' Ah..ehh... Okay lang naman'' sabi ko.
'' So? Friends?'' Sabi nya sabay abot ng kanyang kamay.
'' Friends'' sabi ko sabay kuha ng kanyang kamay.
'' Tara sabay na tayong mag recess. Wala din naman akong kasama mag recess kaya makikisabay nalang ako sayo'' Sabi ni rusielle.
'' Sige tara na'' Pumayag nalang ako dahil nakakaawa naman sya eh walang kasama parang ako. Oo loner ako dito sa school wala rin naman akong kaibigan dahil yung iba makikipagkaibigan lang kapag may kailangan ayoko naman ng ganun kaya mas pipiliin ko nalang maging loner forever.. Ay wala palang forever. HAHAHA.
Habang naglalakad kami papuntang canteen andaming nagbubulungan at ang sama pa ng tingin.
''Ohmygee bakit kasama ni nerd si rusielle mylabs ko!''
'' Siguro ginayuma nya si rusielle''
'' Baka naman nagpapatulong lang si rusielle kay nerd ''
'' Ang sabihin mo sadyang malandi yang si nerd ''
Hindi ko nalang pinansin ang mga bulumgan ng mga tao kahit na nasasaktan na ako. Pero nagulat nalang ako ng biglang lumapit si rusielle sa kanila at pinagsabihan sila.
'' Kayong nagbubulungan dyan. Nagbubulungan ba talaga kayo o nagpaparinig kayo? Tapos kung manghuhusga kayo tignan nyo muna ang sarili ninyo kung perfect kayo!! Tara na nga shoftie at nagugutom na ako'' sabi nya. Grabe first kong may magtanggol sa akin kasi naman kahit yung kuya ko hindi ako pinagtatanggol, pinagtatawanan pa nga nya ako.
At sa wakas nandito na kami sa canteen.
'' Shoftie ano order mo? Libre ko na ito dahil magkaibigan na tayo'' sabi ni rusielle at agad naman itong nagorder.
'' Shoftie kain ka na'' sabi ni rusielle habang nilalapag ang kanyang inorder grabe ang dami.
'' ahmm... Rusielle bakit andami mong inorder kaya ba natin ubusin ito?'' Tanong ko sa kanya.
'' kaya yan basta kain ka lang ng kain mauubos din natin'' sabi nya. Ang bait nya pala akala ko sobrang sama nya......
Pagkatapos namin kumain tumunog na yung bell kaya nagpaalam na ako na may klase pa ako.
'' sige rusielle alis na ako may klase pa kasi ako salamat pala sa libre nabusog ako'' sabi ko at akmang aalis na pero nahawakan nya ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.
'' sige hatid na kita sa classroom mo'' sabi nya kaya hindi na ako tumutol kahit na alam kong pagchichismisan lang nila ako.
( Authors note: Sana magustuhan nyo itong update ko wahahahha sorry kung laging bitin. Sorry din kong matagal akong mag-update)
YOU ARE READING
The campus nerd and the campus heartthrob
Teen FictionSabi nila sa huli daw ang pagsisisi pwest totoo yan Dahil sa aking pagbabalik matitikman nyo ang totoong ako