Shoftie POVPagkagising ko umuwi na agad ako ng bahay ayaw ko na kasi magstay sa school sure kasi ako na ibubully nanaman ako. Pagdating ko sa bahay andaming kotse parang may bisita ata
At dahil nga curiousity kills me pumasok na ako ng bahay.Nagulat ako dahil nakadating na pala ang mga parents ko at may gathering pa sila ng mga business partners nila.
'' Andyan ka na pala shoftie tara shoftie punta ka sa mommy po'' Sabi ni manang.
''Ahy hindi na manang alam mo naman na yung dahilan diba kaya wag na'' Pag-tanggi ko kay manang. Ayaw ko kasing lumapit dahil for sure magagalit sila dahil nga diba kinakahiya nila ako.
Paakyat na sana ako ng mapansin ako ng isa nilang ka-business partner.
'' Pare,Mare sino yan? Yan ba yung anak niyo? Ang layo naman ng itsura sayo mare'' Natatawang sabi nung lalaki. Makapanglait kala mo naman kagwapuhan.
'' Hindi kumpadre anak yan ng kasambahay namin'' Sabi ni mami. Sabi na nga ba ehh itatanggi niya ako.
'' Pero bakit sya aakyat? Diba doon ang yaya's room'' Sabi nung lalaki. Andami naman tanong kala mo nasa interview ko makapagtanong.
'' Kumpadre sa taas ang kwarto niya baka kasi hindi siya makapag-focus sa pag-aaral niya alam mo naman yun'' sabi ni mami. Alam na alam talaga ang ipapalusot.
''Bait niyo naman pati sa anak ng yaya niyo concern kayo'' nakangiting sabi nung lalake.
Hindi ko na sila pinakinggan dahil umakyat na ako sa aking kwarto at kung iniisip niyo na iiyak ako. Naiiyak ako pero ano nga bang magagawa ng iyak ko? Tsaka sanay naman na ako na ikahiya. Tama na ang drama masyado ng madrama ang istorya. Pagpasok ko ng kwarto nag-half bath agad ako pagkatapos ng bukas ng mga social media account ko, kahit naman ganito ako updated din naman ako sa mga social media noh!
Pagbukas ko ito ang una kong nakita
458 notifications
879 messages
135 friend request
Grabe nakakagulat naman at dahil nga curiosity kills me binuksan ko iyon at nagulat ako dahil may pictures na sabay kami kumain ni rusielle,meron din buhat ako ni rusielle papuntang clinic. Tinignan ko ang mga comments at ang reaction ay na-shock syempre sinong hindi masha-shock sa sinabi nila.
Girl 1 comment: yuck! Hindi sila bagay! Ewwy!!
Girl 2 comment: ang landi talaga niyong si nerdy girl
Girl 3 comment: malandi na nga panget pa
Girl 4 comment: sabi na nga ba may tinatago din palang landi itong si nerd.
Julianna comment: haynaku enough na girls malandi talaga yang si nerd ever since wag na kayong magtaka.
At marami pang iba grabe lang sila kung makapang-husga kala mo kung sinong perpekto ang sasama naman ng ugali.. Makatulog na nga nakakabadtrip lang kong papansinin mo sila.
Rusielle POV
Kamusta na kaya si shoftie?Okay lang kaya siya? Hayst! Ano bayan kung ano ano pinag-iisip ko pero nakakakonsensya na dahil sa akin kaya sya sinasaktan.. Ops correction lang readers may kunting bait din naman ako kahit papaano.
'Rusielle tama na nga yang kakaisip mo sa babaeng yun' sabi ko sa aking sarili.
Itulog ko na nga lang ito goodnight readers. I 💖 U
(A/N: pagpasensyahan si rusielle kung basta bata nalang nag sasabi ng ganyan.)
Shoftie POV
M I C K E Y ~
M O U S E ~
Ako yun
(A/n: alarm po ni shoftie)
Good morning earth, Good morning Philippines and good morning readers
Ganda ng alarm ko noh? Ang cute po kasi ni mickey mouse eh..So paggising ko syempre ginawa ko yung morning routines ko at pagkatapos bumaba na ako pero napatigil ako ng may magsalita.
'' Gising ka na pala! Ikaw bata ka ano yung nababalitaan ko na napa-away ka daw huh?! Warfreak ka na pala ngayon!'' Sermon ni mamii. Hay naku kaya mas mabuting wala nalang sila dito ehh panira naman ng araw oh.
'' Eh mami hindi naman po ako yung nag-umpisa'' Paliwanag ko kay mami.
'' Ikaw man yung nag-umpisa o hindi wala akong pake! Nakipag-away ka pa rin!!'' Sugaw nanaman ni mami. Hay bahala na nga papasok na lang ako ng hindi kumakain.
Palakad na sana ako ng magsalita or should i say sumigaw nanaman ang aking ina.
'' Where do you think your going, young lady?'' Tanong niya.
'' Papasok na po MAMI'' Sabi ko at talagang nilakasan yung 'mami' na word.
'' Kita mong kinakausap pa kita tapos tatalikuran at iiwan mo ako! Aba wala kang manners!'' Sigaw nanaman ng aking ina.
'' Sorry po. Kailangan ko na pong umalis'' Mahinahon kong sabi.
'' edi umalis ka na! Ayokong nakikita ang panget mong mukha'' Sabi niya.
Pagsakay ko ng taxi hindi ko na napigilang mapaiyak. Ang sakit sakit bakit ba ganun sya sa akin parang hidi niya ako anak porket nerd lang ako ganun na siya.
'' Ineng tahan na wag ka ng umiyak baka sabihin nila pinaiyak kita'' Nabigla naman ako sa nagsalita. Ay oo nga pala nasa taxi ako.
'' Eh manong driver hindi ko po napigilan sorry'' Sabi ko nalang.
'' Okay lang ineng, malalagpasan mo din yan. Osiya nandito na yung school mo'' sabi ni manong. Pagkatapos ko ibigay ang bayad ko bumaba na ako at pag ka baba ko andaming nakatingin sa akin.
'Yan yung malanding nerd diba'
'Oo nga. Tapos binuhat pa siya ni fafa rusielle'
'Omygee!! Baka sila na'
'Yuck! Hindi papatol si fafa rusielle diyan'
At madami pang iba silang sinasabi. Hinayaan ko nalang sila dyan naman sila sasaya diba.
Pagpasok ko sa classroom wala pang tao kaya naisipan ko munang matulog.
YOU ARE READING
The campus nerd and the campus heartthrob
Novela JuvenilSabi nila sa huli daw ang pagsisisi pwest totoo yan Dahil sa aking pagbabalik matitikman nyo ang totoong ako