Bailey's POV
Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagmuntik-muntikang masuka habang nasa himpapawid kami. Kanina pa ako humihingi ng kendi kay Gerald pero pills ang binibigay n'ya sa 'kin.
Utang na loob, ha? Naloloka ako sa pagiging sosyal nilang lahat. Tigpipisong menthol candy wala sila?
"Just calm down," rinig kong sabi ni Gerald sa headphones.
Mataray ko s'yang inirapan. "Akala ko ba mabilis lang? Wala na ngang traffic dito pero ang bagal pa rin ng usad ng ekomiya," nanunuyang saad ko. Hindi nakaligtas sa beautiful eyes ko ang dumaang amusement sa mga mata n'ya.
Loko 'to, ah?
Happy ka boi? Tulak kita d'yan sa bintana eh.
"I'm sorry, but we're trying our best to help you with your motion sickness," nakangiting sabi n'ya.
Lolo mo motion sickness.
Dalawa lang ang natira sa rami ng kasama n'ya kanina. 'Yong isa ay katabi ni manong driver. 'Yong isa naman katabi ko. Mukha s'yang bulldog.
Si Gerald ulupong naman ang kaharap ko.
"Stop glancing around and just keep your head still. You can close your eyes if you want," payo n'ya habang direktang nakatingin sa 'kin.
Nakanguso kong tinitigan ang sticker ng helicopter sa may tabi n'ya. Ka-level lang kasi ng eyes ko. P'wedeng makatulong sa 'kin para mapirmi ko ulo ko.
Nararamdaman ko na talaga 'yong suka sa throat ko. Omaygad! Ayoko sumuka sa helicopter. Ang dyahe n'on.
"We're about to land."
Nagpipigil ng suka kong pinagmasdan ang view sa ibaba. Lumuwa ang mata ko sa ganda ng lugar.
Nasa resort ba kami? Ang ganda bakla! Party party na ba itech?
"Keep your head still," suway ni Gerald. Inirapan ko s'ya at muling tinitigan ang sticker sa harapan ko.
Unti-unti kong naramdaman ang pagbaba at paglapag ng eroplano sa isang malawak na buhangin. Halos magliparan ang mga puno ng niyog dahil sa lakas ng hangin na dinudulot ng chopper nila.
Ang sosyal talaga ng chopper. HAHAHA!
Naghintay ako ng signal kay Gerald kung kailan p'wede bumaba. Feeling ko kasi ay matatapyas ang ulo ko sa tulis ng ulo ng helicopter nila.
"Give me your hand."
Bahagyang nag-init ang pisngi ko nang ilahad n'ya sa 'kin ang kamay n'ya. Wala lang. Feeling princess lang ako dito. Huehue. Enebe.
Naiinip na tinaas n'ya ang dalawang kilay n'ya. "I said give me your hand," ulit n'ya.
Winaksi ko na ang kaharutan ko at tinanggap ang kamay n'ya. Inalalayan n'ya akong bumaba. Agad kong nilibot ang tingin ko sa lugar. Sobrang ganda dito!
Super blue 'yong tubig tapos ang pino ng buhangin! Parang polvoron. Saya ibalot tapos papakain ko kay Nelson.
Agad napawi ang ngiti ko nang maalala ko ang buhay ko sa Cavite.
Mas'yado yata akong nasilaw sa karangyaan ng taong bumili sa 'kin. Nakalimutan kong may malaking possibility na isang masamang tao s'ya.
Pero they treated me well naman. Pinasuot pa nila sa 'kin 'tong pink tuxedo na 'to.
Hindi naman siguro nila ako papatayin 'di ba?
Napatingin ako kay Gerald nang bigla s'yang magsalita. Bumubulong s'ya sa may collar n'ya. May maliit na device na naka-attach do'n na mukhang lapel.
"Yes, sir."
Iyon ang huli kong narinig bago nila ako dalhin sa isang napakalaking bahay slash mansion. Ang modern ng design. Sa magazine lang ako nakakakita ng ganito. Halos puro salamin na lang 'yong pader.
Kung sa amin tinayo 'yang bahay na 'yan? Basag na 'yan.
Medyo hesitant pa ako kung papasok ako sa loob. Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa bukas na bukas na pinto. Lumingon sa 'kin si Gerald nang mapansin n'yang wala nang bumubuntot sa kanya.
Tumungo ako at sinimulang laruin ang mga daliri ko.
He heaved a sigh. "Don't worry. Wala pa dito si Master. I just received a message that he went out to meet someone. You still have time to prepare yourself," wika n'ya.
Hindi ko alam pero sobrang kinakabahan ako ngayong nandito na ako. Kung kanina ay tuwang tuwa ako sa ganda ng resort na ito, ngayon ay sobrang ninenerbyos na ako.
Sobrang hirap takasan ng lugar na ito. Hindi ko madadaan sa pagiging sirena ang lahat. Hindi ako gano'n kagaling lumangoy mga bakla. Langoy aso nga lang ako lagi sa ilog.
Paano ako tatakas?
"A—Ano ba talaga ako dito? Bakit n'ya ako binili? Ano'ng gagawin n'ya sa 'kin?" nauutal na tanong ko. Pinilit kong itaas ang ulo ko at salabungin ang seryosong mga mata n'ya.
He stared at me for a few moments before opening his mouth to speak.
"Hindi ko rin alam. You'll know when the master's here."
Gusto ko s'yang batukan. Imbes na pagaanin ang loob ko ay mas pinakaba n'ya lang ako. Lalo tuloy tumambol ang puso ko.
Bumuntot na lang ako sa kanya.
Halos mabali ang leeg ko kakalingon sa paligid. Ang daming mukhang mamahalin dito. Ang pinakanakakuha talaga ng atensyon ko ay ang malaking patio. May swimming pool sa labas tapos ang ganda ng view. Mountains.
"Have you eaten?" Biglang kumalam ang sikmura ko sa tanong n'ya. Ngayon ko lang na-realize na ilang araw na akong hindi kumakain.
Nahihiya akong umiling. Tipid s'yang ngumiti at pumunta sa malawak na kusina.
Napalunok ako habang pinagmamasdan mga kagamitan nila. Hindi ko maiwasang huwag ibuka ang bibig ko sa sobrang mangha.
"Umupo ka rito," nakangiting sabi ni Gerald at naghila ng upuan.
Kagat labi akong umupo roon. Saglit s'yang umalis at pagbalik n'ya ay may hawak s'yang mga pagkain. Umilaw ang mata ko sa masasarap na putahe. Puro seafoods!
Joke lang talaga 'yong nahihiya ako.
Agad kong nilantakan ang pagkaing nilapag n'ya sa lamesa. 'Yong iba sa mga ito ay hindi ko alam ang tawag pero kinain ko na lang din. Mukhang edible naman.
"Slow down," paalala n'ya. Bigla tuloy akong nasamid.
He jinxed me!
"T—Tubig!" nahihirapang sabi ko. Kalmado naman n'yang inabot sa 'kin ang tubig na nakalagay pa sa champagne glass.
Syosal n'yo naman lods.
"Akala ko mamatay na 'ko!" agad na bulyaw ko matapos matanggal ang bara sa lalamunan ko. Blangko lang na nakatingin sa 'kin si Gerald kaya medyo nahiya ako.
"B—Busog na 'ko."
Hindi s'ya sumagot. Pinatunog n'ya ang maliit na bell sa gilid ko at may biglang sumulpot na dalawang babae sa kusina. Nakasuot sila ng pang-maid na uniforms.
May ibang tao rin pala dito bukod sa 'min.
"I'll bring you to your room. There are clothes there. You can shower if you want."
Agad nagpanting ang tainga ko sa narinig. May sarili akong k'warto? Woah! Para pala akong donya dito.
"Follow me."
Susunod na sana ako sa kanya nang makarinig ako ng sunod-sunod na mga yapak. Nagtataka akong sumilip sa labas ng bintana at tumaas ang dalawang kilay ko nang makakita ako ng mga lalaking naka-tuxedo.
Sa gitna nila ay ang isang matangkad na lalaking may pinupunasang kulay pulang likido sa mukha n'ya. Unti-unting nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung ano ang nasa mukha ng lalaking iyon.
D—Dugo ba 'yon?!
BINABASA MO ANG
Sold To The Devil (Devil Series #2)
RomanceWARNING! Mature content inside. A BxB story. _________ An androgynous gay is abducted and sold to a lunatic maniac. _________ Originally written by LunaticPessimist.