Chapter 1

3.2K 123 17
                                    

Bailey's POV

Sanggol pa lang daw ako nang iwan ako ng totoo kong nanay sa labas ng simbahan. Dating tagalinis si Nanay Sonya ro'n kaya s'ya ang nakapulot sa 'kin.

Malaki ang pasasalamat ko dahil kinupkop n'ya ako kahit na ang dami na n'yang anak. Security guard ang trabaho ni Tatay Kiko noon pero natanggal s'ya sa trabaho dahil laging nahuhuling tulog sa duty kaya galit na galit s'ya nang makita akong bitbit ni Nanay.

Alam n'yo ba ang rason ni Nanay kung bakit n'ya ako pinulot kahit ang dami na nilang anak?

Mukha raw kasi akong manika. Halata raw na may ibang lahi ako dahil sa kutis at itsura ko. Mukhang totoo naman dahil kung ako ang tatanungin, sa tingin ko ay may dugo akong British.

Hindi ako sure, ha?

'Yon lang kasi ang sabi ng mga taong nakasasalamuha ko. Tsaka hindi naman ako bulag. Nakikita ko ang reflection ko sa salamin. Mukha talaga akong half British.

"HOY! Punyeta ka talagang bata ka. Nakatunganga ka na naman riyan sa may tindahan. Pagbilhan mo nga 'yang si Nelson," malakas na sermon ni Mama sa 'kin. Nagkakamot ng ulo kong tiningnan ang lalaking halos tumulo ang laway sa kakatitig sa 'kin.

"Bibili ka ba? Tunganga ko tunganga mo rin eh," nakasimangot na tanong ko sa kanya. Pinakita n'ya sa 'kin ang hawak n'yang pera.

"Sana p'wede kitang bilhin gamit 'to, no?" nakangising sabi n'ya.

Parang tanga pa n'ya itong winagayway sa pagmumukha ko na lalo kong kinaasar. Ito na naman s'ya at puro kalokohan ang lumalabas sa bibig. Hindi ko talaga gustong pinagbibilihan ang hinayupak na 'to.

Mas'yado kasing maharot.

"Ano ngang bibilhin mo?" may halong asar na tanong ko. Nakangiti n'yang nginuso ang kaldero ng sinigang.

"Mainit pa ba 'yan?" nakangiti pa ring tanong n'ya.

Oo, mainit na mainit p'wede ng pampaligo sa 'yo.

"Oo, bagong luto 'yan," sagot ko habang nagsasandok ng ulam. Nagpanting ang tainga ko nang marinig ko ang mga yapak ni Tatay mula sa labas ng karinderya.

Tumingin ako sa may pinto at doon ko nakita ang pagewang gewang kong tatay. Napabuntong hininga na lang ako nang madanggil pa nito ang isang customer namin. Akmang aambahan n'ya ito ng suntok nang batuhin s'ya ni Nanay ng plastik na baso.

"Hindi ka na nga naghahanap ng trabaho, inom ka pa nang inom. Aba'y napakagaling mo talaga Kiko!" galit na sigaw nito sa asawa. Hindi ko na lang sila pinansin at binigay na kay Nelson ang order n'ya.

"Oh!" mataray na sabi ko. Inis kong kinuha ang bayad n'ya nang himasin n'ya pa ang balat ko.

Abnormal talaga.

"Aba'y putangina 'yang bunganga mo Sonya! Hindi ka ba titigil sa kakaputak d'yan!" galit na tugon din ni Tatay. Inabala ko na lang ang sarili sa pagbabasa ng libro.

Matagal ko nang gusto maging writer. Hilig ko kasi ang pagsusulat. Lalo na ng mga love stories at erotika. Isa't kalahating hopeless romantic kasi ako.

"Minumura mo ko?! Hah?! Ang yabang mong babae ka. Ano'ng pinagmamalaki mo? Itong putanginang karinderya mo na inutang mo lang naman sa sindikato? May pambayad ba tayo, ha!"

Nakakahiya na sa mga customer pero sanay na naman sila. Kalimitan sa kanila ay mga kapitbahay rin namin. Mga Marites at Bogart 'yang mga 'yan. Hulaan ko ay trending na naman 'to sina Nanay bukas sa barangay namin.

"Putangina ka talagang lalaki ka! Bakit ba kita naging asawa. Kung hindi mo 'ko binuntis nakapag-abroad na sana ako ngayon—Ahh! Bitawan mo 'ko Kiko!"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko sigaw ni Nanay. Agad akong tumingin sa kanila at hawak na ni Tatay ang buhok n'ya.

"Sumosobra ka na, ha! Pinapalagpas ko lang lahat ng sinasabi mo sa 'kin pero sa harap talaga ng maraming tao, ha!"

Agad akong lumapit sa kanila para umawat.

"Tay tama na 'yan. Baka magkasakitan na po kayo n'yan!" nagsusumamong saad ko at pilit tinanggal ang kamay ni Tatay sa buhok ni Nanay. Umiiyak namang pumasok sa loob ang babae.

Napabuntong hininga na lang ako nang magsimulang mag-alisan ang mga customer. Natakot na yata.

Ganito naman kami lagi sa bahay. Wala namang bago.

"Tatay 'di ba sabi ninyo hindi na kayo iinom?" nakasimangot na saad ko. Binaling n'ya ang tingin sa 'kin. "May sugat pa po kayo sa noo." Sinundot ko ang maliit na gasgas sa noo n'ya. Mukhang nadapa pa yata habang pauwi.

Napatingin ako sa kanya nang bigla n'yang hawakan ang braso ko. Titig na titig lang ito sa 'kin na kinataas ng kilay ko.

"May sasabihin ba kayo?" nagtatakang tanong ko. Hindi ito sumagot at nanatili lang na nakatingin sa 'kin.

Nabuang na.

Akmang aalis ako nang bigla n'ya akong hilahin padikit sa kanya. Uminit ang pisngi ko nang maramdaman ko ang bukol sa pantalon ni Tatay.

"T—Tay! Teka lang po. 'Yong sinaing masusunog," pagdadahilan ko pero hindi s'ya sumagot.

Hindi pa naging ganito si Tatay sa 'kin. Lasinggero at mabisyo s'ya pero hindi s'ya manyakis. Ano'ng nangyari? Bakit s'ya nagkakaganito?

"Ka Kiko? Nag-aaya ng inuman si Tatay. Sasama ba kayo?" rinig kong tawag ng isang lalaki. Napatingin ako sa gilid at si Nelson ang bumungad sa 'kin. Makahulugan s'yang tumango sa 'kin.

"Inuman? Oo naman!" natutuwang sagot ni Tatay at pinakawalan ako. Napahawak ako sa lamesa dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko.

Hindi ko inaasahan ang pangyayaring 'yon. Hindi ko alam. Basta biglang natakot ako kay Tatay. Parang ibang tao s'ya ngayon.

Nagmamadaling lumabas ng bahay si Tatay at naiwan kaming dalawa ni Nelson sa loob. Lumapit s'ya sa 'kin.

"Ayos ka lang?"

Nahihiya akong tumingin sa kanya. Sinungitan ko pa s'ya kanina pero ito s'ya ngayon at niligtas ako sa posibleng kapahamakan.

"S—Salamat," nauutal na tugon ko.

"Bastos bibig ko pero ayaw kong nakakakita ng nababastos. Sabihin mo sa 'kin kung kailangan mo ng tulong. D'yan lang ako oh!" Nginuso n'ya ang katapat naming bahay kung saan s'ya nakatira.

Nahihiya kong tinaas ang ulo ko para tingnan s'ya. Bakas pa rin sa mukha n'ya ang kapilyuhan pero hindi ko na pinansin 'yon.

"Salamat talaga," ulit ko. Matamis s'yang ngumiti sa 'kin at hinawakan ang balikat ko.

"Mag-ingat ka kay Ka Kiko, Bailey. Dimonyo ang pumapasok sa utak ng mga tao kapag nasa impluwensya ng alak."

'Yon ang huling sinabi n'ya bago akong iniwang nakatulala sa karinderya namin.

Sold To The Devil (Devil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon