Bailey's POV
Pagmulat pa lang ng mata ko ay agad ko ko ng sinuyod ang walk-in closet para pumili ng damit. This is my first day of rampa kaya sisiguraduhin kong hindi nila makakalimutan ang magiging awra ko. Dapat matandaan ako as the gay with good fashion taste. Mamatay lang din naman e irampa mo na like it's your last day on Earth.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga make-up sa harapan ko. Simple lang naman tayo for today's video. Just a plain white dress na may ruffles sa bandang chest. Lakas maka-promdi ng outfit ko. Chickana!
Light pink eyeshadow ang nilagay ko sa mata ko. Kaunting blush para hindi mukhang bangkay at syempre hindi ko makakalimutan ang kissable lips ko. Mwah!
Oh, di ba. Sino'ng mag-aakalang muntik na akong ma-rape kagabi? Wala!
Muntik na akong atakihin sa gulat nang si Gerald ang bumungad sa 'kin paglabas na paglabas ko ng pinto. Blangko lang s'yang nakatingin sa 'kin habang kinakalma ko ang nagpa-party kong puso na ginulat n'ya. Kagabi pa ba s'ya d'yan? Hindi ba s'ya marunong matulog?
"Ano ba! Nakakagulat ka naman e. Hindi ka man lang lumikha ng ingay. Nakakaloka kang lalaki ka," maarteng reklamo ko na hindi naman n'ya pinansin. Basta lang s'ya tumalikod sa 'kin na parang hindi ako narinig.
"Follow me."
Napanguso ako habang pinagmamasdan s'ya. Ang sungit.
Dinala ako ni Gerald sa malaking dining hall kung saan ako kumain na parang patay gutom kahapon. Gosh! Kahiya. Marami pa ring nakahain na pagkain doon. Para na namang fiesta. Iyong totoo? Bibitayin ba talaga ako after this? Parang pinapalusog lang nila ako para mas marami silang makain sa 'kin. Baka cannibals pala talaga sila. Emeged!
"N—Nasaan iyong boss mo?"
Basag ko sa katahimikan. Sa laki ng table na ito ay mag-isa lang akong nakaupo. Lahat ng maid ay nakatayo lang sa gilid at nakaabang sa kakailanganin ko.
"I believe you've met him last night," pormal na sagot n'ya. Napalunok ako. He's always like that when it comes to his boss.
Parang nag-iibang tao s'ya.
Well, sino ba'ng hindi matatakot sa boss n'ya? E halos kainin ako ng buo no'n kagabi.
Namula ang magkabilang pisngi ko nang maalala ko ang ginawa kong pagsasarili kagabi dahil sa lalaking iyon. Umiling iling ako at sinubo ng buo ang isang tinapay. Nakuha ko pa talagang ma-turn on kagabi. Ahhhh! Landi ko talaga.
"A—Ano'ng pangalan ng boss mo?" curious na tanong ko.
"You will have a drink with him before sunset. Save your questions for later."
Gano'n?
Napairap ako sa naging sagot n'ya. Englisherong froglet.
Hindi na bumuntot sa akin si Gerald pagkatapos ng almusal. Hinayaan na n'ya akong mag-wander sa loob ng malaking mansion. Para akong prinsesang naglilibot sa palasyo ko. Napakalinis. Kaya pala napakaraming katulong dito dahil napakalaki ng lugar na ito. May iilan akong nakikitang nagpupunas ng muwebles. Pero nakapagtataka dahil lumalayo sila kapag tangkang babatiin ko.
Para silang mga pinaglihi kay Gerald.
Napadpad ako sa malaking swimming pool. Parang ito iyong mga nakikita ko sa magazine. Iyong infinity pool ang tawag. Ang ganda pala nito sa personal. Lakas makamayaman ng dating.
Ibinaba ko ang paa sa tubig. Napangiti ako dahil hindi ito malamig gaya ng inaasahan ko. May heater siguro iyong pool nila.
Sa totoo lang. Hindi naaalis ang kaba sa dibdib ko. Ano ba talaga ako dito? Ano'ng balak nila sa 'kin?
Alam kong hindi lang ako basta binili para i-enjoy ang karangyaang ito. May kapalit ang lahat. Ine-enjoy ko na lang. Bahala na kung mamatay. At least, chickana akong mamatay.
Isang malikot na ideya ang pumasok sa isip ko. Wala namang sinabi si Gerald na bawal ako lumabas. Tsaka kung bawal ako lumabas edi sana ay may bantay ang pintuan nila. Wala naman e. Hindi naman siguro masama kung maglilibot ako sa isla na ito?
Nagmamadali kong sinuot ang sandals ko at lumabas ng mansion. Hindi nga nila ako hinarang. Kahit na iyong ibang katulong na nakakakita sa akin ay hindi ako pinagsabihan.
Hindi naman pala ako preso sa lugar na ito.
Ngiting aso kong nilakaran ang puting buhangin. Tinanggal ko pa ang sandals ko para mas maramdaman ko ang lambot nito.
Ang lakas ng hangin na nanggagaling sa dagat. Sininghot ko ang maalat na hangin habang umiikot ikot na parang bata.
Hindi ko naranasan ito sa tanang ng buhay ko.
"AHHHHHH!!!" malakas na sigaw ko. Sigurado naman akong malabong marinig iyon ni Gerald sa lawak ng lugar na ito. "AHHHHHHHHHH!" Umiikot kong tinaas ang mga kamay sa ere.
I feel so free!
Natatawa kong niyakap ang sarili dahil nasobrahan na yata ang pagiging baliw ko. Baka may nanonood pala sa 'kin at mapagkamalan pa akong may sakit sa ulo. Hindi iyon ang impression na gusto ko—
"AHHH! T—TAMA NA PO!
Nanlaki ang mata ko sa narinig.
Isang boses ng nahihirapang lalaki. Agad bumalot ang kilabot aa buong katawan ko. Hindi naman ako na-inform na may free multo pala sa vacation package na itech. Akala ko psychopath na owner at may sayad na butler lang.
"T—Tama na po..."
Dahan-dahan kong sinundan ang pinagmumulan ng boses.
Sa loob ng kakahuyan. Sumulyap pa ako sa mansion bago tumuloy sa masukal na bahagi ng isla. Bitbit ang mamahaling sandals at pinasok ko na ang lugar na napapaligiran ng mga puno.
"H—Hindi ko po kayo kilala. Tama na po."
Bawat daing ng lalaki at nasusundan ng isang malakas na tunog ng nilalatigong tao.
Kaunting lakad pa at isang lalaking nakatali sa puno na ang nakita ko. Wala itong suot na pang-itaas at puro sugat ang balat. Napatakip ako ng bibig. Para itong sakong isinabit sa puno at paulit-ulit na nilalatigo.
Slap!
"Arghhh!"
Slap!
"Arghhh!"
Napapikit ako. Mabilis akong tumakbo palayo sa pinangyayarihan ng torture. Hindi ako p'wedeng magkamali. Nakita ko ng malinaw ang taong may hawak ng latigo. Kaya pala puno ng talsik ng dugo ang gwapong mukha n'ya. Iyon pala ang pinagkakaabalahan n'ya. Sino pa ba ang tinutukoy ko?
Walang iba kung hindi ang lalaking bumili sa akin sa black market.
BINABASA MO ANG
Sold To The Devil (Devil Series #2)
RomanceWARNING! Mature content inside. A BxB story. _________ An androgynous gay is abducted and sold to a lunatic maniac. _________ Originally written by LunaticPessimist.