Chapter 7

1.9K 85 2
                                    

Bailey's POV

Nabalot ako nang pinaghalong takot at mangha nang itaas n'ya ang ulo n'ya. Kusang bumuka ang bibig ko sa sobrang pagkabigla.

Aba'y kay g'wapong nilalang!

May bahid pa rin ng dugo ang mukha n'ya sa hindi ko malamang dahilan pero hindi 'yon naging hadlang para makita ko ang handsome face n'ya.

Nanlaki ang mata ko nang saktong tumama sa 'kin ang mga mata n'ya. Walang nagawa ang malalaking katawan ng mga guards para harangan  ang tagos sa butong mga tingin n'ya sa 'kin.

Parang kamatis na namula ang pisngi ko dahil sa lagkit ng tingin n'ya.

Namumula akong tumingin sa malayo at agad na bumuntot kay Gerald.

Sino kaya ang lalaking iyon?

Naabutan ko si kupal Geral sa may gilid ng hallway. Nakahalukipkip s'ya at mukhang kanina pa ako hinihintay. Ngiting aso akong tumayo sa harapan n'ya.

"Tara na?" sabi ko.

Nakasimangot s'yang tumalikod sa 'kin at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi ko maiwasang h'wag isipin ang nakita ko kanina. Iyong lalaking may dugo sa mukha. Wala naman s'yang sugat pero ang dami n'yang talsik ng dugo sa mukha.

H—Hindi kaya...

"Ano'ng iniisip mo?" walang buhay na tanong ni Gerald. Agad akong bumalik sa reyalidad. Hindi ko napansin na nasa harapan na pala kami ng isang pinto.

"Ganito talaga ako kapag busog. May patulalang ganap," biro ko. Agad nawala ang ngiti sa mukha ko dahil hindi man lang s'ya nag-react.

Robot ka boi?

"This is your room. I'll leave you your key. Don't even think about escaping. It means choosing death," seryosong saad n'ya. Napalunok ako.

Bakit naman kailangan manakot?

Hindi na lang ako sumagot at basta na lang kinuha sa kanya ang susi. Agad kong binuksan ang k'warto. Kuminang ang mata ko sa ganda nito. Halos lahat yata ng pinangarap ko ay dito matutupad.

May sarili na akong k'warto!

"AHHHHHHHH!" malakas na irit ko at nagtatalon. Pansin ko pa ang pagtaas ng balikat ni Gerald sa gulat pero 'di ko na lang pinansin. "OMAYGAD!" sigaw ko ulit habang pinagmamasdan ang napakagandang vanity table sa gilid.

May make-up!

Kumaripas ako ng takbo ro'n para pakialaman ang mga pampaganda. Namilog ang mata ko nang makakita ako ng mamahalin na brand.

Nude

Owshii!

Hindi lang do'n nagtapos ang mga sikat na brand dahil pati sa damitan slash walk-in closet ko ay may mga sikat na damit. Pati 'yong mga bags! Omaygad. Akin ba talaga 'to?

Kanina pa ako nanginginig sa sobrang excitement. Gusto ko na agad mag-model. "Pero teka! Ikalma mo Bailey dahil wala ka pang ligo," kausap ko sa sarili ko.

Hindi pa rin mawala ang malaking ngisi sa mukha ko. Halos mapunit na ang mga labi ko sa lawak ng ngiti ko.

Kung ganito ba naman kayaman ang taong bumili sa 'kin ay kahit kainin n'ya pa ako ng buo!

Abot taingang ngiti kong pinasok ang banyo. Napatili ako sa nakitang bathtub. Pangarap check na naman tayo mga bakla! Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agad ko nang hinubad ang suot kong tuxedo. Medyo careful pa ako dahil mukhang mamahalin talaga 'yong damit.

Napangiti ako nang makita ang hubad kong katawan sa salamin.

"Ganda mo talagang bakla ka!" proud na sabi ko at kinindatan pa ang sarili.

Ignorante kong pinagmasdan ang malaking bathtub sa harapan ko. Bakit may pabutas sa gilid? Tsaka bakit may button? Ang alam ko ay sinasalinan lang 'yan ng tubig. Iba na ba?

Isinawalang bahala ko na lang ang thoughts ko at at sumampa na.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa banyo pero madilim na paglabas ko.

Nagkukuskos ng buhok kong pinagmasdan ang mga nakahilerang damit sa walk-in closet. Kung kanina ay gusto kong mag-fashion show, ngayon gusto ko na lang matulog.

Inaantok ako ng bongga.

Kinuha ko ang isang komportableng pantulog. Normal na pajama at shirt lang naman 'yon pero malalaman mong mahal dahil sa tela. Ang dulas sa kamay. Ang sarap hawakan.

May mga skincare kyeme pa sa vanity table ko pero mas'yado na akong antok para pakialaman pa iyon. Bukas na lang siguro dahil wala akong energy.

Parang diver kong tinalon ang malambot na kama.

"Shit na malagkit. Ang sarap mabuhay ng ganito. Ang daming pagkain tapos 'yong luho ko pa nandito rin. Sana lang talaga at mabait 'yong Master na tinatawag nila," nakangusong bulong ko.

Unti-unting bumigat ang mga talukap ko. Hindi ko na pinigilan pa at hinayaan ko na ang sariling magpasakop sa antok.

Nagising ako sa kakaibang pakiramdam na parang may nakatitig sa 'kin. Ayaw ko pa sanang bumangon pero pinilit ko na ang sariling buksan ang mga mata.

Kumunot ang noo ko sa nakita.

May lalaking nakatayo sa gilid ng kama ko. Wala s'yang suot na pang-itaas at nakatapis lang s'ya ng tuwalya. Umaagos pa ang tubig sa basang katawan n'ya.

"S—Sino ka?" agad na tanong ko.

Dumapo ang tingin ko sa blangkong mukha n'ya. Hindi ako p'wedeng magkamali. S'ya 'yong lalaking nakita ko kanina. Iyong may mga talsik ng dugo sa mukha!

"Huwag kang lalapit!"

Tumirik ang balahibo ko nang bigla s'yang maglakad papalapit sa 'kin. Tatakbo sana ako sa kanilang side ng kama pero agad n'yang nahigit ang paa ko.

"BITAWAN MO KO!" malakas na sigaw ko.

Ipapadyak ko sana ang mukha ko sa mukha n'ya pero hinila n'ya ako agad papalapit sa kanya. Namilog ang mga mata ko sa gulat nang dire-deretso dumulas ang magkabilang legs ko sa baywang n'ya.

"H—Hoy!"

Hindi ko maiwasang mangamatis dahil sa g'wapong mukha n'ya. Dumapo ang mata ko sa mga pansedal sa tiyan n'ya pababa sa—Iyong bukol sa tuwalya n'ya ang laki!

Igagalaw ko pa lang sana ang kamay ko nang hulihin n'ya ang mga ito at diniin sa tuktok ng ulo ko. Tumambol ang puso ko nang lumapit ang mukha n'ya sa 'kin.

Ramdam na ramdam ko ang pagtama ng mainit na hininga n'ya sa mukha ko.

Napalunok ako.

"I—Ikaw ba ang taong bumili sa 'kin?" nauutal na tanong ko.

Tumaas ang balahibo ko nang basagin n'ya ang blangkong mukha n'ya sa pamamagitan ng isang mala-dimonyong ngisi. Hindi ko alam pero bigla akong binalot ng takot. Para s'yang dimonyo na may masamang binabalak sa akin. Napasinghap ako nang mabilis n'yang nilapit ang labi n'ya sa tainga ko.

"Do you really want to know?"

Sold To The Devil (Devil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon