"ikaw. Ikaw na lagi kong iniisip kahit hindi naman dapat. Ikaw na mahal ko kahit na alam kong mali. Mali ang tayo, tayo na alam kong hindi kailanman magkakatotoo.
Totoo nga sigurong sa pelikula lang ang mga storyang ganito. Pero ganito nama talaga diba? Kung sino pa ang mahal mo, sila pa ang hindi pwede at iiwan sayo, sila pa ang hindi para sa iyo.
Sa iyo lagi ang bagsak ko, wala akong magawa. Kahit anong pilit ko, ikaw paring ang tinitibok ng puso kong ito.Ito na siguro ang panahon para aminin ko sa iyo.
Mahal kita, ako'y iyo sana ika'y akin. Akin ka sana kung wala lang siya. Siya na mahal mo, at buhay mo.
Ano magagawa ko? Ikaw na yata ang mundo ko. Sana mapansin mo, kahit na siya ang kapiling mo, kahit na sa kanya umiikot ang mundo mo.....
Nandito lang ako, handang maging mundo mo. Nandito lang ako, hinding hindi mawawala sa tabi mo, kapalit man ang buhay ko.
At hanggang sa huling hininga ko, nandito lang ako, kahit alam kong simula palang talo na ako"