"Let go..."

7 0 0
                                    


"Kung iiwan mo lang ako, bitiwan mo na ako....

kung sasaktan mo lang din ako, bitiwan mo na ako....

kung hindi mo ako kayang panagutan, bitiwan mo na ako....

kung hindi mo naman ako mahal, bitiwan mo na ko....

kung hindi naman ako ang laman ng puso mo, bitiwan mo na ako...

kung hindi mo kayang sabihin sa buong mundo na ako lang ang para sa'yo, bitiwan mo na ako....

kung lahat ng tutol sa akin ay sasang ayunan mo, bitiwan mo na ako...

kung hindi mo naman ako kayang ipag laban, bitiwan mo na ako...

kung ginagamit mo lang ako para makalimutan mo siya, bitiwan mo na ako....

kung napapagod ka na, bitiwan mo na ako....

bitiwan mo na ako, hanggang kaya ko pang sabihin sa'yo ang salitang "bitiwan mo na ako"

bitiwan mo na ako, hanggang kaya ko pang mawala ka sa tabi ko....

bitiwan mo na ako, bago pa ako mahulog ng sobrang lalim sa'yo...

bitiwan mo na ako, hanggang hindi pa masyadong masakit... hanggang kaya pa ng puso ko ang sakit...

bitiwan mo na ako, bago pa ako tuluyang malunod sa pag aakalang meron tayo..

bitiwan mo na ako, dahil wala naman talagang tayo... dahil ako lang naman ang nag aakalang merong tayo

bitiwan mo na ako, bago ko pan masabing "huwag na huwag mo akong iiwan,dahil hindi kakayanin ng puso ko"

bitiwan mo na ako, bago ko pang sabihing "mahal kita"

bitiwan mo na ako, bago pa mahuli ang lahat at ikaw ang maging mundo ko...

at higit sa lahat.... "let go.. before i fall too deep"

Poet Ni ArviiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon