"anino"

9 0 0
                                    


"Malabong maging tayo. Dahil malayo ka, at ako? Andito lang ako. Nakatingin sa malayao habang masaya at malaya ka.

Masaya na akong makita kitang masaya. Ang cliche diba? Pero ano nga ba ang magagawa ko? Isa lang naman akong hamak na anino.

Anino na sunudsunuran sa mga yapak mo. Na nag dadala sakin sa masakit na pwesto, pwesto kung saan umaasa lang ako sa wala.

Wala akong magawa, dahil hulog na hulog na ako.Sobrang lalim, kasing lalim ng pag tingin ko sayo. Ang tanong ko lang, paano akong aahon?

Kung sa bawat panahon na lumilipas, ikaw at ikaw lang ang naiisip at tinitibok ng puso kong parang inaalon.

Papunta sa puso mong walang alam, walang ka alam alam na may isang tao na handang mag paka tanga mapansin lang ng taong mahal niya.

Handang mag paka tanga mahalin at masuklian lang ang nararamdaman niya. Kaso paano nga ba? Kung yung tayong iniisip niya ay di pa nag sisimula, alam niyang tapos na, talo na.

Kasi wala ng pag asa na sagipin niya ang ideyang baka tayo'y may pag asa.

Tama bang umasa pa ako? Kahit na alam kong hindi talaga magiging tayo?

Kaso ano magagawa ko?

Hulog na hulog naman na ako sayo.

Mahal na kita......

Kahit hindi mo man ako makita, kahit anino lang ako na laging naka sunod sa mga yapak mo....

sa mga yapak mong patungo sa kanya.

Masaya na ako na masaya ka. Dahil mahal na mahal kita."

Poet Ni ArviiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon