"RMusic"

5 0 0
                                    


"Pag-ibig ko sa'yo ay parang musika. Bawat letra at nota ikaw ang sinisimbula. Ikaw ang musikang pumapasok sa aking tainga, tumatatak sa isip at dibdib at kinakanta ng aking bibig. Aking bibig na ikaw lagi ang bukang bibig.

Laging binibigkas ng bibig kung gaano kita iniibig. Pag-ibig na puno ng tamis, dahil ikaw lang ng ikaw ang naiisip.

Kaya naman para sa aking musika, huwag kang mag alala dahil ikaw lang ang una. Una sa lahat ng bagay, una sa puso at isip ko.

Kaya naman para sa aking musika, ikaw ang laging kinakanta ng puso kong lanta.

Kaya para sa aking musika, na masarap sa tainga, pangako sa'yo ay ako lang ang kakanta. Kakanta ng musikang alam nating dalawa.

Musikang ikaw at ako ang mag kasama sa bawat mga letra at nota.

Musikang nag lalarawan kung gaano natin kamahal ang isa't-isa.

Kaya sa aking pinaka magandang musika na masarap ikanta, puso ko na ang humuhusga kung gaano ka kahalaga sa aking bawat pag hinga."  

Poet Ni ArviiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon