"What the f? May namatay?" biglang tanong ko sa aking sarili habang tinitignan ang harap ng academy na puro takbuhan lang ng mga estudyante ang makikita.
May tumakbo sa harapan ko at hinila ko ang kanyang braso. Isang batang babae ang nahila ko. Freshman pa ata ito base sa kanyang suot. Kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat at medyo may takot.
"Bitawan nyo po ako!" maiyak nyang sabi at gustong makawala sa mahigpit na kapit ko sa kanyang braso.
"Anong nangyayari dito? Bat sila nagtakbuhan at sigaw ng sigaw? Totoo bang may namatay? Sino?" tanong ko sa kanya at hinawakan ang kanyang kaliwa't kanang braso.
"Bitiwan mo na yung bata, Vienna! Umiiyak na siya oh! Tinakot mo yung bata." suway ni Rosè sakin at hinila ang babae para makawala.
Nabigyan nang pagkakataong tumakbo palayo yung babae at pumunta sa saferoom na nasa dulo ng school. Dun din nagtakbuhan ang ibang mga estdyante.
"Vienna! Rosè! Hali na kayo! Punta tayo ng secret room. May masamang nangyari kanila Mr. Garcia at Kay Dean." biglang may sumigaw at tumakbo patungo saamin. Kilalang kilala ko kung kaninong tinig ang nagmamay ari neto.
"Anung ibig sabihin mong may nangyari sa Dean? Kyle! Sagutin moko!" sigaw ko sa kanya.
Takot ako kung anung nangyari sa kanya...Si mama...
"Halika na Vienna!" hinila ako ni Rosè at sinundan si Kyle sa pagtakbo patungo sa secret room.
Bumuhos ang napakalakas na ulan. Basang basa kaming mga estudyante na di pa nakapasok sa Secret Room. May nag mumura pa kasi bat daw umulan.
"Pakshet naman. Wrong timing tong ulan na toh!"
Bigla akong nanginginig dahil sa lamig ng simoy ng hangin.
Nung nakapasok na kami sa Secret Room, mabilis kaming binigyan ng mga towels galing sa mga naiwan na staffs na naka tambay lang sa loob ng room.
Mabuti naman at may heater dito sa loob kundi kanina pa kaming namatay dahil sa lamig.
Nakaramdam ako ng sobrang kaba. Di ko alam anung nagyari kay mama. Okay lang ba siya? Buhay paba siya?
Yes, I do hate her for ignoring me and always denying that I am her daughter but I dont want to lose her. Madami pa akong tanong tungkol sa sarili ko, kung anong nangrayi saken noon.
Im lost and so confused.
Ang safe room ay merong mga bunk beds. May maraming food supply din ito. Humanap kami ni Rosè ng dalawang bakanteng bunk beds at doon umupo. "Okay ka lang Vivi?" tanong niya with a sad expression lingering on her face. "Oo naman." matipid kong sagot.
My thoughts are disturbed by the sudden loud closing of the big metal door. Bigla kaming natahimik sa loob.
*click click*
Lumabas sa dilim si Dean Dianne. Gusot gusot na ang damit neto ay may mga bakas ng dugo't pasa sa braso, mukha at leeg. Inabot siya ng panyo sa isang staff at ginamit niya ito para ipunas sa mga dugo.
She scanned her eyes across the room tsaka pumunta sa gitna. "May umatake na assassin sa school naten." malamig at walang emosyon niyang anunsyo sa lahat. Aksidente niyang na hawakan ang pasa sa kanyang braso and winced.
"Okay ka lang po, maam?" tanong ni Matt sa Dean at nilapitan eto. Hinawakan niya yung kamay ng Dean at tumingin sa kanyang mga mata na may awa at lungkot na makikita sa kanyang mukha.
Marami nang nakakaalam sa pag tingin ni Matt kay Dean. Noon pa, obvious na masyado. Posible naman kasing magustohan si Dean Dianne, mukhang bata eh. Bigla niyang itinabig ng malakas yung kamay ni Matt. Ito yung dahilan kung bat muntik nang matumba siya.
"Okay lang ako." matipid niyang sagot. Nakuha na ni Matt ang sagot sa tanong niya at tahimik na bumalik sa kanyang higaan.
Muli kaming natahimik sa loob. Maririnig mo ang tunog ng pako kung sakali ito'y mahulog sa sahig. Binigyan siya ng upuan ng isang estudyante at dun umupo. Napahawak siya sa kanyang noo na namumula na at ulit na nag salita, "Matulog na kayo. Bukas ay pwede na kayong mag simula sa FR Test. Tsaka pwede na kayong magbakasyon, Second Section hanggang Last Section. Pati nadin yung mga Lower Grades. Salamat." doon niya tinapos ang kanyang pahayag at lumabas na sa Secret Room.
"Oh? Ano pang hinihintay niyo? Magsitulog na kayo. May byahe pa kayo bukas." anunsyo ko sa lahat at nagmadali silang nag bihis para matulog. May narinig akong bulong bulongan sa ibang mga estudyanteng babae, "Che! Kung maka sigaw siya, kala niya School President siya!"
BINABASA MO ANG
Found You
Teen FictionTitle: Found You Author: Jai (xxtsonggo, xXCodeRedXx) Editor and Book Cover maker: Simonette (taehyunia) Started: Author forgot. Ended: Author dont know yet. Probably next year XD Genre: Teen Fiction, Mystery/Thriller, Humor? pwede, Romance? pwede d...