4

19 4 0
                                    

Maaga kaming nagising ni Rosè at lumabas sa Secret Room. Nag pahangin kami dun sa labas. Pano ba kasi, sira yung aircon. Nubayan, Ewan ko nga ba bat nakatulog nang mahimbing yung iba.

Nakapunta kami sa garden na puno puno ng mga damo at mga makukulay na bulaklak. Umupo kaming dalawa ni Rosè sa damihan at natahimik. Bigla akong ginambala ng isang tanong at ito'y itinanong ko.

"Sino kaya yung namatay, Rosè?" tinignan ko siya sa mata at seryosong itinanong ito. Napalingon siya sa akin at napahawak sa aking balikat. "Di ko alam, Vivi eh. Di kasi nila sinabi kung anong nangyari nung lumabas tayo. Sa tingin mo konektado kaya ang mga ito? Una, may sumisilip satin na naka itim. Di natin alam kung siya ba yun o ibang tao. Tapos may nag send nang picture na...na...na..." taranta at mabilis niyang sabi.

"Huminga ka nga, ulol!" pinalo ko siya sa ulo. "Aray naman huhuhu...Anong klase kang bestfriend? Abusive!" drama niyang pag iyak. Aba galing niya din eh ano? Ikaw na teh! Ikaw na!

Best Actress Award goes to....

"Oh? Nandito lang pala kayo, bibi ko..." biglang may umakbay saken at umupo sa tabi ko. Aba pa epal kadin Kyle noh? Sasabihn ko na sana sino nanalo sa Best Actress Award. Tss.

"Ay! Nandito ka lang din pala, Ross." gulat niyang sabi at itinuro si Rosè. Lumaki naman ang mata ni Rosè at biglang nagpaalam at tumakbo patungo sa secret room. Ewan bat secret room tawag nun eh madami naman nakakaalam tungkol dun. Abno lang?

"Hala! Ano meron dun sa kanya?" clueless niyang tanong saken. Mukhang mang mang ang lolo.

"Rosè yun, Kyle." matipid kong pagtama sa kanya at inis kong itinabi ang kanyang kamay sa aking balikat.

"Usap naman tayo, mahal oh...Huhu. I mith youuuuuu waaa!" he gave me the puppy eyes at niyakap ako ng mahigpit. He fakely sobbed on my hair at itinutulak ko siya palayo kaya siya natumba at medyo na untog yung ulo niya sa damohan.

"Pabebe..." bulong ko sa aking sarili.

Bumangon siya at tinignan ako ng masama. Arte neto damo lang yan di semento. Sa sobrang inis hinampas niya yung inuupuan naming mga damo at tumayo.

"Shet ka talaga Vienna. Ikaw na nga yung tutulungan, aayaw ka pa! Alam ko sino yung nag send sayo ng picture. Kaya kung gusto mong malaman yang mga kasinungalingan sa buhay mo wag mo ipalabas yang kagagahan mo! Nakakainis. Nagpapakabait na nga yung tao eh. Oa mo-"

"Kilala mo sino yung nag send ng picture?" I cut him off with my serious question at tsaka tumayo din.

"Oh! So now you're interested!" turo niya sakin ay napa 'yehey'.

"Oo. Kaya sabihin mo na nalalaman mo. Kundi may masamang mangyayari. You dont know what Im capable of." banta ko sa kanya as I narrowed my eyes and cross my arms on my chest.

Itinaas niya yung dalawang kamay niya na para bang sumirrender, "Geez, chill naman Vivi. Oo na sasabihin nya. Please dont glare...baka lalabas mga mata mo." napakamot siya sa ulo niya at para bang na embarrassed sakin.

May kinuha siya sa kanyang bulsa na isang papel na naka lagay sa itim na sobre. Kinuha niya ito at ipinakita saken. "Open it."

Curiosity killed the cat...

I opened it.

Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon