Bad Karma ღ "Contest"

2 1 0
                                    

LEI’S POV

 "I'll dismiss this class na. Hm, Lian, Lei and Yana.. Sumunod kayo sakin sa Music room"

LEI??!! TAMA BA YUNG NARINIG KO?? AKO YUN DIBAA?!

“Oo ikaw nga. Kaya ano pang hinihintay mo jan?”

OMG! OMG!! Ako nga!! Bobita. Eh ako lang naman ang kaisa isang Lei dito. Naman! Gamit gamit din ng utak Lei. Ay sige.. Barahin mo ang sarili mo. XD

Wait nga lang! Pano nalaman nito yung naiisip ko? Psycho ba to? =_=

“Panong di ko malalaman ang lakas lakas ng bulong mo. Bilisan mo andun na sila iniwan ka na!”

Pagpasok ko ng music room medyo madami na din ang mga estudyante na nandun, mga magauaudition din siguro. WOW BIG WORD. AUDITION. Parang singing contest lang ah. Ay, singinging contest naman pala talaga to. Ano bay an Lei! Umayos ka nga!

Hinanap ko na kagad sila Lian. Nagsisimula nang isa isahin yung gustong magaudition. Syempre, dahil kami ang Senior nila….

Dapat sila ang mauna XD Hahaha! Bahala sila, kakanta ako dito pag ubos na ang mga tao sa room na to. BWAHAHA!

Isang kanta lang yung kakantahin ng lahat. Inang Bayan. Syempre Buwan ng Wika ang theme kaya makabayan ang dapat kantahin. Okay mataas ang isang to. HINDI KO KAYA. Lalo na sa harap ng maraming tao. Baka himatayin ako ng wala sa oras.

Hanggang sa isa isa nang natatapos ang lahat ng lower years. Isang 3rd year  at kaming tatlo na lang ang natitira. Yung iba after kumanta umaalis na, yung iba naman nagiistay pa para manuod. Kung pwede ko lang silang palayasin kanina ko pa ginawa para di na nila masaksihan ang kahihiyan na gagawin ko. Nandito pa din si Mam Briones, papanuorin nya daw kaming tatlo, napakasuportive ng aming adviser kaya mahal na mahal namin yan. (WEH?) :D

“Maganda naman yung boses mo. May ibang notes lang na di mo naabot lalo na dun sa dulong part. Konting practice pa pero may future ka sa pagkanta. Sasabihin na lang namin mamaya yung mapipili. Pwede ka nang bumalik sa klase mo” Then Mr. Lim gave me a smile, isa sya yung music teacher na ngajujugdge. Nagthumbs up naman sila Lian. Si Mam Briones ngumiti lang din tapos lumabas na sya ng room.

Sa wakas! Natpos na din ako! Thank you Lord! Pero di pa muna ako babalik sa room, iwas klase din to no. Tsaka di pa tapos sila Lian, ako kasi inuna nila saming tatlo. Di ko daw naabot yung ibang matataas na part. The truth is, binabaan ko lang talaga yung boses ko para di nila ako mapili. Sure naman kasi na ako yung kukunin nilang representative eh. Kaya ganun ginawa ko, tignan nyo effective. Mukang di nga nila ako pipiliin.

Pero syempre joke lang yan, nagfeefeeling lang ako. Hahaha! But seriously, hindi naman ganun kapanget boses ko. Member nga ako dati ng choir sa church namin. This time seroyoso ako. Walang halong joke to. Pero ngayon hindi na kasi nagiging busy na ko sa studies ko. Graduating eh. Kailangan ko magfocus sa pagaaral. Every Saturday kasi ang practice sa choir, whole day pa.

“Let us all congratulate Ms. Alegre, she will be competing with other school by the end of this month ”

Palakpakan! Ang galing talaga kumanta ni Yana. Idol ko to eh. Siguradong sya na rin yung representative na klase namin para sa singing competetion para sa celebration ng Buwan ng Wika dito sa school Next week na yun! Sure win ^___^v

Bumalik na kami sa room. Sasabihin na din namin kay mam Briones na si Yana yung napili. Umalis na kasi sya eh. Siguro pinatwag sya para banatayan yung klase namin kasi nagiingay na naman. Wala pala kasing teacher kasi nagpapractice ng Sabayang Pagbigkas. Wala eh, maingay talaga yung section namin. XD

“Maaaam!! Ang galing ni Yana! Sya yung napili.” Bungad ni Lian sa kanya

”Really? That’s great. Nakakaproud naman at section natin nakuha yung ipanglalaban sa ibang schools”

Bad KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon