Bad Karma ღ "August month"

10 0 0
                                    

LEI’S POV

Pagkauwi ko ng bahay chineck ko kagad yung phone ko. May text si Kirby at mukang nakikipagbati na sya. Siguro naiintindihan na nya yung sitwasyon namin.

**Past Forward

Hayy. Examination week na. Kailangan kong mag-aral mabuti para maganda yung grades ko. Para na din makapasok ako sa magandang university. Mukang hindi ko maeenjoy masyado ang birthday ko kasi may iniisip na exams. -.- Kulang nga ako sa tulog kakareview kagabi. First day kasi ng exam ngayon. Apat na araw yung exam namin.

Pagpasok ko ng room si Lexie at Megan kaagad ang sumalubong sakin.

“Girl! May ikukwento daw si Lexie ^___^”

“Dito talaga sa pintuan? Hindi muna ko pwedeng maupo?”

“Sabi ko nga dba maupo ka muna? Daliii! Dun tayo sa pwesto mo.” Sabay tinulak tulak na ko ni Megan

“Ano ba yan at parang ang liligalig nyo naman yata ngayon? Ang taas ng energy ha? ”

“Wala naman yun. Itong si Megan lang naman ang atat na atat na magkwento ako”

“Kapag si mam dumating at hindi naikwento ni Lexie ang dapat nating malaman nako kayo!”

“Eton a nga dba.. Si Brent kasii O///O”

“OMG OMG!! Ano kayo na?! Sabi ko na nga ba eh! Kailan pa? Bat ngayon ka lang nagsabi? Kinikilig ako friend! I’M HAPPY OR YOU!! Ohmygosh!”

Tapos yung mga itsura nila ganito pagkatapos nung reaksyon ko

Lexie  T____T

Megan ~___^

“Really Lei? Ako yung atat? Sinong mataas ang energy ngayon? Haha! Osya Lexie ituloy mo na”

“Ano kasi.. Kagabi nagkita kami tapos tinanong nya ko ku-“

“Kung pwede ka na ba nya maging girlfriend? So, kung 10 ngayon ibigsabihin 9 kahapon.. 9 ang monthsary nyo? Yiiie! Ikaw na talaga ^___^”

“Lei! Please. Patapusin mo muna sya. Bitin na bitin na ko! Hindi dugtungan ang ginagawa natin kaya hayaan mo na lang muna si Lexie >.<”

Shut up na kasi Lei. Ang daldal mo kasi masyado yan tuloy umuusok na ang ilong ni Megan. Hehe ^_^v

“Tinanong nya kung pwede na ba manligaw”

LIGAW? As in L-I-G-A-W talaga? Teka nga! Nabibingi yata ako. Ang tagal na nilang nasa stage na yun eh. Ano ba namang kakuparan meron tong si Brent? Sarap ipaguntugan sa bawat sulok ng campus namin eh!

Magsasalita n asana ako kaso ang sama na ng tingin sakin ni Megan kaya di ko na lang tinuloy. Sabi ko nga dba? Shut up na :D

“Pero sabi ko wag. Ayoko kasi ng feeling na alam kong may naghihintay sakin. Eh alam nyo naman dba na ayaw ko pa talaga magboyfriend? Sabi ko masaya na ko sa kung anong meron kami.”

Ano?! Pakiulit nga! Hindi nya pinayagan manligaw kasi ayaw nya magboyfriend?  Jussko po. Hindi lang pala si Brent ang maiuuntog ko sa bawat sulok ng campus na to -.-

“Eh ano nga ba ang meron kayo aber? ~____^”

Tignan mo tong si Megan. Pag sya pwede, ako hindi? Ganun? Aba!

Hindi na nakasagot si Lexie kasi dumating na si mam at bingay na yung mga test papers.

Half day lang kami ngayon kasi after ng exam pwede na kami umuwi para makapagreview pa kami para sa mga exams tomorrow.  Nauna na kong umuwi kay Sophia kasi hindi pa sya tapos magexam.

Bad KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon