PROLOGUE

11 0 1
                                    

First time akong gagawa ng story dito sa wattpad. Since ito nga yung unang beses na magsusulat ako short story lang muna. Hindi ko alam kung madami bang makakarelate pero sana may matutunan kayo sa pagbabasa. So enjoy reading guys. ^_^

PROLOGUE

Do you believe that we fell in love to the person we least expected?

Yung tipong hindi sya yung ideal man mo pero sa kanya ka nagkagusto. Yung hindi mo alam kung anong nagustuhan mo sa kanya pero alam mong mahal mo sya..

I think NO. Kasi tayo naman ang pipili na taong mamahalin natin. Right? Pero sabi nga ng isang kanta “Kapag tumibok ang puso wala ka nang magagawa kundi sundin ito” So I guess, pag nainlove nga ang tao wala na syang iba pang magagawa kasi hindi naman natuturuan ang puso.

Eh sa salitang KARMA? Naniniwala din ba kayo?

Na kapag may ginawa ka.. babalik at babalik din yun sayo. Depende na lang kung maganda o masama ba yung nagawa mo.

Dati hindi ako naniniwala. But then, I think I’ve experienced such thing like that. At hindi lang ako, sa tingin ko pati yung mga taong nasa paligid ko.

Bakit minsan ikaw na nga yung nagbigay ng lahat, ikaw pa din ang masasaktan at maiiwanan sa huli? Hindi ba unfair naman yun? Minsan kasi kung kalian ka nagseseryoso tsaka ka maloloko. At pag ikaw naman na ang nanloko , sya naman pala yung taong magseseryoso sayo. How pathetic right? But that’s life. That’s love.

Minsan sa sobrang sakit ng panlolokong ginawa satin, gusto nating ibalik yun sa iba. Gusto nating iparamdam sa iba yung sakit na naramdaman natin. Gusto nating gumanti.

Akala ko din dati may mga bagay na permanente. Na pag nasayo na, hindi na maaagaw ng iba. Na kapag akala natin perpekto na ang lahat hindi na yun matatapos pa. Pero mali, hindi yun ganun. Minsan ipaparamdam lang satin kung paano maging masaya para alam din natin kung pano maging malungkot at ang pakiramdam ng nasasaktan.

At naniniwala din ba kayo sa salitang FOREVER pag dating sa buhay pag-big?

Ako? OO..

Not until……

Bad KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon