Bad Karma ღ "Kirbyyyy"

2 0 0
                                    

“Aish! Best naman! Kanina pa ko hanap ng hanap sayo kasama molang pala si Clyde. Sana naman iniform mo ko dba?!” Nakakainis talaga! Nandito kami sa bahay nila Ms. B. Boodle fight! Kaso etong magaling kong bestfriend bigla bigla na lang akong iniwan kanina. Badtrip. Ang babaw ko ba? Ewan. Tantrums siguro, o PMS :D

“Sorry ^____^v Hinila na lang ako bigla nito bigla sa labas eh!” Tinignan naman niya ng masama si Clyde. Ps.

“Tss” Bahala siya. Sinumpong na ko eh. Ugh!

“Sorry na best. Bawi ako. Di na ko mawawala sa tabi mo. Okay?”

Dug dug dug..

Alam ko sweet talaga ang bestfriend ko, pero bakit ganun? Parang nagpalpitate yung puso ko. Shet! Nasobrahan siguro ako sa kape kaninang umaga. Owno! >.<

“Uy!” Bumalik ako sa realidad nung nagsnap si Clyde sa harap ko. “Nako, uuna na ko ha? Magmoment muna kayo dyan. Yiiiie!” Tapos tumakbo na sya papasok ng bahay.

“Lul!” Pahabol pa nitong kasama ko. Hinampas ko nga.

The whole day nagmistulang linta si Josh na kumapit sakin buong araw. Ang clingy lang. Ako lang ba to o may iba talaga sa kanya? Ugh! Nakakatamad mag-isip.  Pero bago umuwi may sinabi pa si Ms. B na ikinalungkot ng lahat.

“Seniors. Baka nagkakalimutan tayo? May research paper kayong dapat ipasa sa Monda hm? Baka akala niyo puro pasarap lang kayo this month” Pinilipit naman nung iba na iextend yung submission. “Nope. I’ve given you all the time. Bago magstart ang Buwan ng Wika sinabi ko nay an sa inyo. You better go para masimulan nyo na yan. Monday na ang resume ng regular class kaya pwede nyp pa yang tapusin. You have long weekend. ”

Eto ba yng sinasabi nilang pagkatapos ng saya may kasunod na sakit? Huhu. Akala ko pa man din hayahay kami. Panira talaga si mam. “Lei, bukas sa bahay dun na lang tayo gumawa.” Buti kagroup ko si Sophia. Masipag kaya to XD

“Mmsge. Anong oras?”

“Maaga, para matapos na din kagad natin. Konti na lang din yung gagawin natin kasi nasimulan na namin.” Yeahba! Sabi naman sa inyo masipag to. “Alam ko namang busy ka kasi ang dami mong sinalihan kaya di na kita prinessure na gawin pa yun. Sge bye!”

“Best uwi na ako ha? Pupuntahan na lang kita bukas kila Sophia. Okay? Ingat ka ha? ;)” Aww. Nasabi ko na bang may gwapo akong bestfriend? Ano bang nangyayari sakin? May boyfriend ka Lei wag kang maharot! >.<

***

“Yes! Kumpleto na. Buti nasimulan natin to ng maaga. Hindi tao nagcacram tulad nung ibang group.” Bakit kaya ang swerte ko pag may groupings? Hehe J “Sige pwede nang umuwi yung iba, yung mga gustong magstay pwede din”

Natapos na namin yung eresearch paperwala pa din ang magaling kong bestfriend. Napakatalkshit talaga! Wala na ko sa mood kaya nagpaalam na ko kay Sophia na mauuna na ko. Pinipilit pa nga nila ako magstay kasi magmomovie marathon daw sila kaso wala eh. Feel ko na lang umuwi at makipagbonding sa kama ko *o* Lumabas na ko ng bahay nila, di na ko aasang pupunta pa si Josh. Pisti!

O________O

Kusot na mata.. Owno. Nandito pa din siya. At papalapit siya sakin. Papalapit ng papalapit ng papalapi- “Aray!” Pinitik niya ko sa noo tapos ngumiti lang. Loko pala to eh. “K-kirby?”

“Yes baby? :D” All smile pa sya. Hinwakan ko yung muka niya at tinusok tusok yun. Totoo ba to? :O

“Owno. Bat ka nandito?”

“Aw. Hindi ko ba pwedeng puntaha ang girlfriend ko?” Umarte naman syang nasasaktan tapos nagpout. Ang cute talaga ng boyfriend ko! Hehe “I know these past few weeks we’re having some misunderstandings, but I promise  I’ll make it up to you this day.” Nagsmile sya tapos kiniss ako sa noo. O////O

Kahit na matagal na kami di pa din talaga nawawala yung sparks kapag ganito. Kainis! Hinila niya ako tapos pinasakay dun sa motor nya. “Where are we going?” Nagsmile lang sya tapos pinaandar na yung motor. Geez!

Third Person’s POV

Nagising si Josh mula sa mahimbing na pagkakatulog. Napagod sya sa paglalaro ng basketball kaya nakaidlip sya pagkahiga ng kama. Hindi sya pumunta sa mga kagrupu nya dahil naisip nyang wala din naman syang maitutulong. Ang tamad na si Josh. Bow. Nawala din sa isip nyang pupuntahan nga pala nya ang bestfriend nya.

Dali dali syang naligo at nagbihis. Binilisan nya ang kilos at nagtricycle pa ito papunta sa bahay nila Sophia kahit pwede namang lakarin. Alam nya kasing magagalit at sisigawan na naman sya ng amazon nyang bestriend.

“Aw. Hindi ko ba pwedeng puntaha ang girlfriend ko? I know these past few weeks we’re having some misunderstandings, but I promise  I’ll make it up to you this day.” Yan ang unang narinig ni Josh pagkadating na pagkadating sa bahay nila Sophia.

“Tss” Pagkatapos ay naglakad na sya pabalik sa kanila

Anyare kay Josh? -____-“

Kirby’s POV

Ahm. Hi? Okay. Alam kong hindi maganda pagkakakilala nyo sakin dahil sa past chapters. Pero hayaan nyo muna akong iprove ang sarili ko.

“Where are we going?” Nginitian ko lang sya. Gusto ko syang isurprise. Para naman makabawi ako sa lahat ng kasalanan ko sa babaeng mahal na mahal ko.

Naramdaman kong humigpit yung pagkakahawak nya sa bewang ko. Onto onti, nakayakap na siya sakin. Napangiti naman ako. Namiss ko talaga to. Isinandal nya yung ulo nya sa balikat ko “Kirby.. I love you. Kahit amg daming problema. Kahit di tayo palaging magkasma. Kahit palagi tayong nagaaway.. I love you, so much.” Bakit ang sweet ng girlfriend ko?

Huminto na ako. Nandito na kasi kami. Bumaba na ako at inilalayan ko sya pababa. Magsasalita pa sana sya kaya lang inunahan ko na “Sssh” Kiniss ko sya sa lips. Namula naman kaagad. Ang cute talaga ng girlfriend ko! Napakainosente eh. “Wag na nating pag-usapan lahat ng problema. What’s important is what we have right now. Okay?” At kiniss ko sya sa noo “I love you too, more than you do. And will always will.”

Nndito kami sa isang park. Walang masyadong tao. Medyo tago kasi. Nagprepare ako ng picnic date. Hindi naman maarte ang babaeng to. Simple lang, parang sya.

Nakahiga lang ako sa lap ni Lei habang pinaglalaruan nya yung buhok ko “Thank you..” Bulong nya sakin

“For what?” Tinignan ko sya, bale nakatingala na ko. Ang ganda ganda talaga ng girlfriend ko. Bakit ang swerte ko?

“For this day.. For everything” Nagsmile sya. Nakng! Naiinlove ako lalo nyan eh. Kahit sagad na.Sinubuan naman nya ako ng strawberry.

Ang sarap ng ganitong feeling. Kasama ko sya.. Malyo sa problema, malayo sa mga taong pumapagitna samin, malayo sa lahat.. “Lei..”

“Mmm?”

Umupo ako ng maayos “ Why do you love me?”

“Love has no reason. Because if there is, I don’t think it is love. Right?” Yan na naman yung smile nya. Natetempt tuloy akong ikiss sya!

“Yeah. What I mean is, ang daming better na lalaki dyan. Yung mas gwapo, yung sweet.. Alam ko naman kasing di ako ganu-”

“Sssh. Stop. Oo madami talagang better.” Tinignan ko sya ng masama. Masakit pala pag sa kanya nang galing yung mga salitang yun. Narinig ko naman syang nagchuckle. “Wait. Di pa kasi tapos. Madaming better pero ikaw pa din ang best. I love you incliding your flaws. Because without that, you won’t be Kirbu. My Kirby.” The ahe hugged me tight. Sa ngayon, isa lang ang alam ko.

MAHAL NA MAHAL KO TONG BABAENG KASAMA KO NGAYON :”>

Bad KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon