Bad Karma ღ "Together Forever"

2 0 0
                                    

CHAPTER 7

Josh’ POV

Buong araw akong hindi iniiwasan ni Lei. Aish! Nasobrahan yata kami kanina. :3

Pero bakit naman sila Clyde kinakausap niya? T.T Unfair! Hindi ko naman naisip na ganun magiging reaksyon niya. Ganun niya ba ako kaayaw? -___-“

Kakausapin ko sana siya kaninang uwian kaso tinakbuhan lang niya ko.

“Uy tol. Ano?! LQ pa din kayo?”

“t(-_-t)”

“HAHAHA! Ikaw naman kasi. Lambingin mo na. HAHAHA!”

“G*gu! Kasalanan niyo to eh”

“Whoah! Tinulungan ka na nga naming eh. Hahaha!” At nag-apir pa ang dalawang mokong. “Ge. Una na kami ah? Suyuan mo boy! Wahaha!”

Ts. Makauwi na nga lang din. Manchichicks na lang muna ako ;> Bukas na lang ulit ako magsosorry kay best.

Palabas na ko ng gate nang may makita ako sa di kalayuan. Si Lei ba yun? Kanina pa siya umuwi ah?

Lumakad ako papunta sa kanya. Teka.. Bakit siya umiiyak? Tumakbo kagad ako para makapunta sa kinatatayuan niya.

Inabutan ko siya ng panyo. Nakayuko siya kaya di niya ako napansin. “T-thanks, pero okay lang ako.” Hindi niya tinanggap at lumakad siya nang di man lang ako tinitignan.

Hinila ko siya sa braso niya dahilan para mapaharap sakin, pero nakatungo pa din. “Ts” Nung  nabosesan niya siguro ako tinignan niya ako at mas lalong lumuha. At. at..

Niyakap niya ako.

Bakit parang may kumuryente sa katawan ko? Ang bading lang. Ano bang nangyayari sakin? Psh.

Pinagsusuntok niya yung dibdib ko. Buti macho ako. “Bakit ganun? *sniff* bakit kailangan niyang *sniff* magsiningaling.” Patuloy pa din siya sa pagsuntok.

Hindi ako magaling sa mga ganitong sitwasyon. Hindi ko alam pano magpatahan ng babae. Hindi ko alam ang sasabihin. Kaya niuyakap ko na lang din siya.

“Ang sakit *sniff* pala. Bakit ganun *sniff*” Si Kirby na naman bat to? Nakng! Sabing wag sasaktan yung bestfriend ko eh. Siraulo yun ah!

“Best. Hindi ko sasabihing ‘okay lang yan’ kasi alam kong hindi naman talaga. Pero sinisigurado kong magiging okay lang din ang lahat.” Shit! San galing yung sinabi ko?Ako ba talaga to?

Narinig kong nagchuckle sya tapos humiwalay sa pagkakayakap sakin. Pinunasan na din niya yung mga luha sa muka niya

“Mm! Chansing ka na eh.” Hinwakan niya ako sa noo tsaka sa bandang leeg “May sakit ka ba? Ayos ah! May matino ka palang nasasabi.” Tapos tumawa siya ng mahina.

Nako! Pasalamat siya may problema siya. Hindi ko na lang siya pinansin at hinila na siya. Hindi naman na din siya umimik. Aba mabuti naman!

“Anong ginagawa natin dito?”

“Tititigan hanngang matunawa yung ice cream?” Tinignan niya lang ako ng masama. Ts. Obvious naman kasi! “Joke. My treat best” Nagningning naman ang mga mata niya. Parang bata talaga to.

“Hey! What are youwaiting for? Let’s go sago! ^____^”

Tignan mo to. Nandun kagad sa may pinto. Basta talaga ice cream at libre nalilimutan nyang may problema siya. Ayun, hinila hila na din niya ako papasok dun sa shop.

Nandito kami ngayon sa isang ice cream parlor. Favorite niya to eh. Mabuti na lang at may malapit na ganito sa school namin. Kain lang siya ng kain.

Bad KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon