CHAPTER 2 - Anim na Bida

281 5 0
                                    

Kinabukasan ng umaga, nagising ang limang magkakaibigan sa lakas ng sounds ng music. Kasabay pa ng mala-dambuhalang boses ni Gilbert, habang nakapikit na sinasabayan ang kantang hinahanap-hanap kita ni Daniel Padilla.

Naimulat na lang ng mga mata nito na nakatayo sa harapan niya ang limang matatalik na kaibigan, na nakatititg sa kanya, na wariy naiinis sa kanya. Isa ba namang napakalakas na stereo na animo'y disco-han, at sabayan pa ng mala-damulag na boses ang gigising sa iyo, sa kabila ng mahimbing mong tulog, eh, hindi ka ba maiinis.

Natahimik si Gilbert, at tinitigan ang mga kaibigan, Mula kaliwa, nakatayo ang tahimik na kaibigang si Tony, ang mala-supladong mukha, ang tigasing kaibigan at barumbado na wari'y may mabigat na nakaraang tila pilit tinatago.

Si Abel, ang may-angking kaguwapuhan, maputi at magaling pumorma, ito 'yung klaseng lalaki na nagbibilang ng siyota, lingguhan lang sa kanya ang babae kung magpalit, siyempre, palay na ang lumalapit sa manok, eh, papakawalan pa ba niya?

Si Jun ang kakaiba sa kanila, weird nga... kasi hindi nila alam kung ito ba'y tunay na lalaki o sadyang tinatago ang tunay na kalooban sa pagiging malambot nito, 'yung mga hilig niya ay tila naaayon sa kagustuhan ng mga kababaihan, sa kurso palang nitong nursing, eh ,maaari ka ng mkapag-isip.

Si Marco, ang matipuno at higit na malaki sa kanila, magkasama sa kursong Criminology si Marco at Toni, siya rin ang pinaka-matured sa kanila kung mag-isip.

Si Ben, ang pinakamabait sa kanila, mapagbigay at pantay makisalamuha sa lahat, at ang pinakamatulungin kung mayroon man sa kanilang anim, ang matatawag na dukha ay siya 'yon dahil lahat ng kaniyang mga kasamahan ay puro may mga kaya sa buhay. Ngunit si Ben ay laki sa kanyang lolo't lola sa side ng ermat nito. Bata pa lang siya ay naulila na siya, pumanaw ang ina nito at ang ama naman nito ay nangibang bansa bilang isang janitor lamang sa isang hospital sa Middle East. Hindi na umuwi ang ama nito, bagkus nag-asawa na rin doon at minsan lang kung makapagpadala sa kanyang anak na si Ben, kaya lang namang nakapasok si Ben sa unibersidad na ito ay dahil sa kanyang pagiging scholar, sipag at tiyaga ang puhunan niya rito para makapasok sa pinapangarap na unibersidad.

At ang pinakahuli sa magkakaibigan ay si Gilbert, ang pinakalokoloko sa kanila. Pasaway kumbaga, pero mabait naman.

Silang anim, tunay na magkakaibigan. Magkakasama sa iisang apartment, high school pa lang sila nang mabuo ang samahan nila, mula sa magkakaibang paaralan sa high school, at naging matatag ang samahan nila nang tumuntong sila sa iisang university. Simple lang kung paano sila nabuo. Pare-parehong may kakayahan sa pagsasayaw.

Naging isa sa kanilang habit, ang sumali sa pa-contest at lagi, sila ang panalo. Kung sa kantahan naman ay 'di pahuhuli ang mala-Michael Jackson na boses ni Ben Samahan pa ng ilan sa kanila na may kaalaman sa pagpapatugtog ng mga instrumento, at pare-pareho silang athlete ng larong football sa unibersidad na iyon.

Silang anim, may kanya-kanyang dating, nagtuturingan na magkakapatid...

At sila ang bubuo sa kuwentong ito...

ITUTULOY..

MOONSTER ISLANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon