Binuksan ni Ben ang isang papel at tinitigan muna niya ang kabuoan nito. Pagkatapos ay inumpisahan ang pagbabasa.
~Nais ko lamang malinawan ang makakabasa ng sulat na ito. Kung darating man ang araw na mahuhuli ninyo ang aking anak, dahil kahit na ako ay hindi ko kakayaning isuko siya, dahil nangingibabaw pa rin ang pagiging ina ko sa kanya. Oo, isa siyang mabangis, ngunit siya ay isang mabuting anak. Pinalaki ko siya nang may mabuting damdamin. Kahit na siya ay may ibang kaanyuan, ni hindi niya naisipang gawaan ako ng masama. Normal siyang namumuhay kasama ko sa islang ito.
Sa mga oras na isinusulat ko ito... ito 'yung mga panahon kung saan kami ay nadatnan ng mga bandido. Iginapos nila ako kasama ng anak ko, at ilang beses nilang sinaktan ang anak ko na naging dahilan upang magkaroon siya ng galit sa mga tao. Damang-dama ko sa kanya habang nakahiga na nakatitig sa akin. Habang ako'y nakagapos at katatapos lang nilang bugbugin. Napapaluha ako at ganoon din siya, at nabasa ko sa mga mata niya na nais niya akong ipagtanggol. Gusto niyang mag-ibang anyo na wari'y hinihingi ang aking kapahintulutan na 'di ko naman sinang-ayonan, dahil sa totoo lang... lumaki siyang hindi nananakit ng iba. Mapahayop man ito, siya ay kumakain lamang katulad ng kinakain ng normal na tao. Tinuruan ko siyang magtanim, upang magsilbing kaniyang pagkain. Minsan din ay dinadala ko siya sa lugar ng mga normal na tao, upang masilayan at mabili ang kaniyang mga ninanais. Nagdadala muna kami ng prutas at gulay na ipinagbibili namin upang magkaroon ng pera, ngunit sa tuwing dinadala ko siya roon na ibinabalik ko kaagad, sa takot na magbago ng anyo sa lugar na iyon, hanggang sa siya ay magbinata, at siya na rin ang pumigil sa sarili niya na kailangan ay lagi siyang malayo sa mundo ng mga normal, dahil alam niyang... naiiba siya.
Hanggang sa makawala siya sa pagkakagapos. Kasunod ng ilang araw na hindi niya pagsulpot ay dumating ang iba pang bandido na may kasamang mag-asawa at isang batang lalaki. Magkasama kaming iginapos, at naging malapit sila sa akin, pero inilihim ko sa kanila ang tungkol sa aking anak. Mas mabuting walang makakaalam sa kanyang kaanyuan. Hindi na ako magtataka na siya ay darating, at uubusin niya ang mga tao rito kasama ng pamilyang ito. Ngunit bago pa mangyari iyon ay sana wala na ako, upang hindi ko masaksihan ang gagawin ng aking anak. Batid kong nasa paligid lang siya, at babalikan niya ako...
Simple lang ang buhay ko noon. Isang mahirap na babae at ako ay naninirahan sa probinsya ng Palawan. Hanggang sa nakilala ko si Ramon. Sa unang araw pa lang ng pagkakakilala namin ay alam kong umiibig ako sa kanya. Kilalang malaking opisyal ng sundalo ang kaniyang ama, at siya naman ay nalalapit na ring magtapos sa pag-aaral na kabaliktaran naman saakin... na laki sa hirap at hindi nakapag-aral. Naging magkaibigan kami, at hanggang sa minahal namin ang isat isa sa maikling panahong iyon, nangako siyang ipaglalaban niya ako, hanggang sa nalaman ko na mayroon na pala siyang nobya. Nakatakda na ang kanilang kasal sa susunod na taon. Magkababata pala sila ng babaeng iyon at tunay na mahal na mahal siya. At ang magaganap na kasalan ay kagustuhan ng kanilang mga magulang bukod pa sa matagal na nilang relasyon.
Ang babae ay kasalukuyang naninirahan sa Capiz nang mga sandaling iyon, at pilit na pinuntahan kami nang mabalitaan ang tungkol sa amin. Galit na galit ang babae at pinapipili si Ramon, ngunit hindi ko lubos akalain na ako ang pipiliin ni Ramon. Galit na galit ang babae at hindi natuloy ang kasal nila, sa halip, ako ang pinakasalan ni Ramon, dahil ipinaglaban niya ang pag-iibigan namin...
Sa araw ng pag-iisang dibdib namin ay ang araw din ng kamatayan ng babae. Nabalitaan ko sa isang malapit na kaibigan ni Ramon... na may lahi raw ang babaeng iyon ng mangkukulam, at nag-alay ng orasyon upang isumpa ang magiging bunga ng pagmamahalan namin ni Ramon. Ang sumpang iyon ay kapalit ng kaniyang buhay...
'Di nagtagal ang pagsasama namin ni Ramon ay unti-unti siyang nagbabago sa akin. May pagkakataon na kapag siya ay galit ay isinusumbat niya sa akin. Na sana si Veronica na lang daw ang pinakasalan niya. Dahil malalim raw ang kanilang pinagsamahan.
Dumating ang araw ng panganganak ko, at laking gulat ng matandang hilot sa nakita... "Isang halimaw!" Ang narinig ko sa kanyang hiyaw, at siya ay tumakbo palabas. Ibang-iba na rin ang naging reaksiyon ni Ramon. Hindi niya ito matanggap. Sumapit ang tatlong araw,na tuluyan kaming iniwan ni Ramon, at binalikan ako ng matanda.
"Mariah! Itakas mo na ang iyong anak dahil paparating na ang mga tao upang sunugin ang iyong anak! Kumalat sa buong bayan ang tungkol sa sanggol!" At dito ko siya dinala sa islang ito.
Pagkalipas ng sampung taon ay dumating sa akin si Ramon dito na humihingi ng kapatawaran. Pero hindi ko siya pinatawad.
Para saan pa?
Mas mabuting kami lang ng anak ko ang magkasamang namumuhay dito. Tinakot ko si Ramon na ang kaniyang anak na halimaw ay kumakain ng tao. Kaya't sa ayaw at sa gusto niya ay mas makakabuting lisanin na niya ang isla, at 'wag nang babalik rito.
Umalis nga siya... dala ay kalungkutan. At hindi na nagawang humarap sa kanyang anak. Pero sa pagdaan ng mga panahon ay nararamdaman kong dinadalaw kami ni Ramon, bagama't hindi siya nagpapakita.~
"Tingnan mo naman ang mapaglarong kapalaran, ang itinuring ni Tony na kaniyang ama ay siyang tunay na ama ng halimaw," wika ni Marco.
"Hindi man lang niya nalaman iyon?" mga takang tanong ni Jun.
"Palagay ko, mga pare, isa na rin sa dahilan ni General ang pag-ampon niya kay Tony ay upang maprotektahan ang kaniyang anak. Dahil si Tony lamang ang nakakaalam ng katauhan ng halimaw. Siya lamang ang tanging nakaligtas," salaysay ni Ben.
"Kaya pala kapag sinasabi ni Tony kay General ang tungkol sa halimaw ay patuloy siyang binubugbog," wika ni Marco.
"At ikinalat pa talaga sa buong siyudad na nasisiraan ng bait si Tony, para walang maniwala sa kanya tungkol sa halimaw," wika naman ni Jun.
Kasunod nito... angbiglang pagbukas ng pintuan!
Ang halimaw na lalaki!
Galit na galit na nanlilisik ang mga mata, habang bitbit sa kanang kamay ang duguang palakol...
at sa kaliwang kamay naman...
Ang ulo ni Gilbert!!!
(Matatakasan pa kaya nila ang halimaw?)
ITUTULOY>>>
BINABASA MO ANG
MOONSTER ISLAND
AventuraSi Ben- ang Pinaka maalalahanin at mabait. Si Tony- Matapang at Misteryosong tao. Si Abel- Playboy at Gwapo. Si Jun- Malambot at matatakutin. Si Gilbert- Kwela sa Grupo At si Marcu- Pinakamalakit tahimik din. Anim na Matalik na magkakaibigan.. Ang n...