Kumpleto na ang mga kagamitang kakailanganin ng anim para sa paglalakbay papuntang islang iyon. Nakaupo na ang lima sa bowride boat na pag-aari ng yuamong heneral.
Si Tony palang ang humahakbang papunta sa loob nito.
"Tony..." pagtawag ni Mang Berto habang papalapit kay Tony mula sa 'di kalayuan.
"Ikaw talagang bata ka, ah. Saan ang punta n'yo at gamit n'yo pa ang boat ng papa mo," patanong ni Berto nang maabutan si Tony.
"Mamamasyal lang kami sa may karagatan," sagot ni Tony.
"Ah, eh, baka kung mapaano na naman ang boat na iyan, eh, alam mo namang kabilin-bilinan sa akin ng Tiyo Roy mo na 'wag gagalawin ang mga kagamitan ni Ramon. Siguradong mapapagalitan na naman ako pagdating ng Tiyo Roy mo mula sa Cebu," pakikiusap ni Mang Berto.
Tumalikod si Tony na hindi sinagot si Mang Berto. Sumakay sa motorboat at biglang pinaandar ang mabilis na animo'y rumaragasang nakikipagkarerahan sa iba.
Ganito si Tony kapag hinahadlangan ang kagustuhan niya.
Maya-maya'y nakalayo na sila sa lugar na iyon.
Patuloy ang kanilang paglalayag sa gitna ng karagatan. Nakaramdam ang ilan sa kanila ng saya habang nakasakay sa boat na iyon kasabay ng pagmamasid sa paligid.
"Gusto ko ito. Fantastic 'to," bulalas ni Abel.
Dinadaanan nila ang mga mangisngisda sa gitna ng karagatan. Nakikita nila ang mga malalaking isda na sinasabayan ang rumaragasa nilang saasakyan. Nadadaanan nila ang sunod-sunod na isla rito.
"Wow, ganda pala ng mga isla rito," bigkas ni Gilbert habang napapangangang nakatanaw sa mga islang iyon.
Sa pagkakataong ito'y inilabas ni Abel ang video cam nitong dala upang i-record ang magagandang tanawin na kanilang dinadaanan. Gayondin si Gilbert sa dala-dala nitong telescope.
Anim na oras din silang naglalayag bago mapalapit sa islang destinasyon nila.
Alas-kuwatro ng hapon nang marating nila ang pupuntahan nila.
"Kakaiba pala ang islang ito," bigkas ni Marco habang nakatanaw sila sa islang ito mula sa 'di kalayuan.
"Nakakatakot ang hitsura, kakaiba sa lahat..." dugtong ni Jun.
"Mayroon pa kayang naninirahan sa islang ito," wariy na patanong ni Abel.
Tila mabilog ang malaki at malawak na isla na punong-puno ng mga nagsisilakihang punong-kahoy na animo'y mga balite. Tila naihahambing nila ang islang ito sa isang nakakatakot na halimaw. 'Oo, ang halimaw,' yaon ang nasa isip-isip ni Ben, pero nilalabanan niya ang sarili na 'wag maniwala sa imahinasyon niya.
'Kung gaano ka-pangit ang hitsura ng islang ito ay siya ring pangit ng kaugalian ng mga naninirahan dito,' yaon ang nasa isip-isip naman ni Jun habang kinakabahan.
Dumaong na ang kanilang bangka sa may baybay. Lahat sila ay napako ang tingin sa paligid ng islang iyon.
Bumaba ang tatlo na sina Tony, Abel at Gilbert na sinundan naman ng iba pang tatlo.
Hindi maipaliwanag ni Ben ang nararamdaman. Hindi siya panatag. May kung anong gumugulo sa kanya.
Maya-maya pa'y nagkatitigan ang tatlo---si Ben, Jun at Marco. Nabatid ng bawat isa sa kanila na pare-pareho ang kanilang nararamdaman, ngunit ang iba pang tatlo ay patuloy sa paghakbang ng paunti-unti habang namamangha sa paligid. Wari'y nais ni Ben na iurong ang kanilang layunin, pero nandiyan na sila. Nagpikit mata na lang ito at waring umuusal ng maikling panalangin.
"Mga 'tol. 'Wag na kayong matakot. Challenges sa atin ito. Isipin n'yo na lang na para tayong gumagawa ng suspense movie at dito tayo napadpad, pero tayo 'yung mga bida. So, buhay pa din tayo sa huli. Ha-ha-ha," ang pabiro ni Gilbert sa tatlong nasa likod.
Inahon nila ang bangka na magkakasama. Hinila sa may buhangin at itinali sa may 'di kalayuang puno.
Kasunod ng kanilang paghakbang palakad sa mga nakahilerang punong-kahoy. Malapit na sila sa may daanan papasok sa gubat nang bigla silang banggain ng maraming uwak na nagsisiliparan sa ere palabas ng gubat.
Nagulat sila at dumapa ang iba.
Nang makalayo ng kaunti ang mga uwak ay agad sinundan ng tutok ng kalibre 45 ni Tony.
--booonnggg--
Sa isang putok ay bumagsak ang tatlong uwak.
"Wow naman. Ang galing, ah," ang paghanga at palakpak ni Gilbert.
Inabot sila ng takipsilim, kaya't nagdesisyon silang dito muna sa tabing-dagat sila matulog. Inilatag nila ang medyo malalaking tent na kanilang gagamitin sa pagtulog. Magkasama si Ben at Marco sa isang tent. Si Gilbert naman at Jun ang magkasama. Si Tony at Abel sa iba pa.
Doon sila pumuwesto sa medyo malapit sa daanan papuntang gubat, at sa gitna ng tent ng tatlo nakapuwesto ang umaalab na panggatong na nagsisilbing ilaw nila.
Alas-dos ng madaling araw, at tulog na ang mga ito. Ngunit si Tony ay hindi. Patuloy itong nag-iisip nang malalim. Kalauna'y tumayo at lumabas ng tent nang may maramdaman siyang umaali-aligid sa kanila
Binunot niya ang kalibre 45 at unti-unting humakbang. Nakita ng mga matatalas niyang mata ang paggalaw ng mga malalaking dahon. Sa medyo malapit sa pintuan ng daan papunta sa loob ng gubat, unti-unting humahakbang, habang nakatitig sa kinaroroonan ng dahon, sabay hawak niya sa magkabilang kamay ng baril at nakatutok sa direksyong iyon.
Malapit na niyang marating ang target nang marinig niya bigla ang sigaw.
"'Waaagggg!!! Haaaaliim!---" at biglang naputol ang sigaw, kasunod nito ang biglang pagtatakbo ni Tony sa kinaroroonan ng kaniyang mga kaibigan...
(Ano kaya ang nangyari? May biktima na kaya sa kanila? Sino naman siya?
ITUTULOY>>>
BINABASA MO ANG
MOONSTER ISLAND
AdventureSi Ben- ang Pinaka maalalahanin at mabait. Si Tony- Matapang at Misteryosong tao. Si Abel- Playboy at Gwapo. Si Jun- Malambot at matatakutin. Si Gilbert- Kwela sa Grupo At si Marcu- Pinakamalakit tahimik din. Anim na Matalik na magkakaibigan.. Ang n...