Nakahanda na ang magkakaibigan sa kanilang layunin. Nasa loob na sila ng airport kung saan 'inaantay ang eksaktong oras ng flight upang sila'y papasukin sa loob ng eroplano. Biyaheng Puerto Princessa City ang kanilang biyahe upang isagawa ang kanilang misyon.
Inanunsyo na ang pagpapasakay sa mga passenger. Magkakatabi ang anim na nakatayo na tila naka-circle. Saglit pa'y nagtitigan sila para sa kanilang layunin.
Inabot ni Tony ang kanang kamay sa mga kaibigan na sinundan naman at dinugtong ni Gilbert ang kanang kamay. Ganoon din ang ginawa ni Abel, Marco, Ben at Jun. Ganito sila kapag may gagawin silang bagay na 'di dapat maiurong, 'tuloy ang laban...'
Lumipad ang eroplano kasabay ng mga bagay na naglalaro sa isipan ni Ben, "bakit namin ginagawa ito? Bakit nananatiling lihim sa amin ang lahat? Bakit hindi nagbibigay ng salaysay si Toni kung ano ba talaga ito?"
Si Tony---nakasanayan na nila sa kanyang kaugalian. Tila mayroong kakaiba sa kanya na 'di nila mabasa-basa. Ganoon naman talaga siya... hindi maingay, tahimik na tao, sa kaunting bagay ay nakikipagsuntukan na, ngunit alam nila na isang tunay na kaibigan itong si Tony. Ilan na ba sa kanila ang naagrabyado ng iba, pero si Tony ay laging rumeresbak. "Siguro, mayroon lang itong mapait na nakaraan kaya siya ganyan," ang nasa isip-isip ni Ben, kaya nakasanayan na nila si Tony, kaya't sinasabayan na lang nila.
"Lolo, mahal na mahal ko kayo. Lahat ay gagawin ko para ka lang gumaling," wika sa sarili ni Ben.
Samantala, tila masaya naman ang ilan sa kanila. Para kasi sa kanila ay isa lamang itong challenge, isang laro kumbaga. "Excited na akong mapasyalan ang islang iyon," ang bigkas ni Gilbert sa katabing si Jun.
"Tumigil ka nga, Gilbert, hindi natin alam kung anong naghihintay sa atin doon," sagot ni Jun.
Ano nga ba ang alam nila? Wala... wala silang alam. Tanging si Tony lamang ang may alam.
Makalipas ang kalahating oras ay lumanding na ang eroplano. Bumaba sila at sumakay sa pampasaherong FX. Ilang minuto lang ay narating na nila ang isang malaking bahay na animo'y mansyon sa tabing dagat.
"Oh...Tony, kumusta ka na? Bakit hndi mo man lang pinaalam sa akin na darating ka?" Ang natutuwa at salubong ni Mang Berto kay Tony.
"Mabuti naman po, eh, kayo?" pabalik na tanong ni Tony, "mabuti nman at may mag kasama ka pala" bigkas ni Berto.
"Oo, mga kaibigan ko..." at nakipagkilala at nakipag-shakehands ang lima kay Mang Berto, ang katiwala sa malaking bahay.
"Wow, sino 'tong matandang heneral sa malaking litratong ito?" tanong ni Gilbert.
"Oo... isa siyang heneral, si Ramon Dela Fuentes. Pero... wala na siya. Siya ang taong nagpalaki sa akin. Itinuring niya akong isang tunay na anak. Wala kasi siyang anak at iniwan ng asawa niya," paliwanag ni Tony.
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Tony, isa siyang ampon? Wala silang alam dito, dahil ayaw ni Tony na pinag-uusapan ang kaniyang background. Pero ngayon, dire-diretso na niyang sinasabi kung sino siya.
"Napulot lang niya ako sa may tabing dagat na walang malay," dugtong pa niya sa kanyang kuwento.
"Nasaan ang mga magulang mo?" tanong ni Marco, pero walang naging sagot sa kanyang katanungan na sa pagkakataong ito'y ayaw nilang ipagpilitan ang nais malaman, dahil alam nilang ayaw niyang sabihin.
"Oh, mga iho, nakahanda na ang mga pagkain n'yo," patawag ni Mang Berto.
Pumunta na sila sa hapagkainan at kumain, pero si Tony ay dumiretso sa taas. Pinuntahan ang nakakandadong kuwarto, pero may susi siya rito, binuksan at pinalinga-linga ang mga mata sa pagmamasid sa kabuoan ng kuwartong ito. Ang kuwarto ni General, at doon nakatago ang lahat ng mga kagamitan nito--- mga achievements, mga trophies, at iba't ibang klase ng armas na nakadekorasyon sa paligid.
Binuksan ni Tony ang cabinet at kinuha ang kalibre 45, ilang clip ng bala, at ilang granada na isiniksik niya sa kanyang bag pack.
Muli ay kaniyang nasilayan ang litrato nilang dalawa ng heneral. "Hindi mahalaga sa akin ang buhay na tinatamasa ko ngayon, at wala rin kayong halaga sa akin. Ilang beses ko kayong iniyakan na tulungan akong ipaghiganti ang mga magulang ko, pero paulit-ulit n'yo akong binubugbog. Kapag naririnig mo sa akin ang tungkol sa halimaw na iyon. Sinubukan kong humingi ng tulong sa iba. Pinabulaanan n'yo ako, at ikinalat mo sa buong siyudad na nasisiraan ako ng bait," galit na binibigkas ni Tony habang nakatitig sa larawang kupas na iyon...
(Ano nga ba ang nalalaman ng heneral tungkol sa halimaw na iyon?)
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
MOONSTER ISLAND
AventuraSi Ben- ang Pinaka maalalahanin at mabait. Si Tony- Matapang at Misteryosong tao. Si Abel- Playboy at Gwapo. Si Jun- Malambot at matatakutin. Si Gilbert- Kwela sa Grupo At si Marcu- Pinakamalakit tahimik din. Anim na Matalik na magkakaibigan.. Ang n...