Chapter 4

178 6 2
                                    

Stephanie POV

0________0


'Bat nandito tong lalaking to??

Nakakahiya naman. Kakatapos ko lang maligo tapos nakasuot pa ako ng towel sa katawan ko.

Bumalik ako sa kwarto para magbihis muna at pagkatapos bumaba. Nakita ko naman sya na umupo sa sofa at nakikipag kwentohan kay mama.

Ano bang nakain sa lalaking 'to bakit ba andito siya?

"Ahh. Hi Stephanie!" Sabi niya at tinaas niya ang kamay nya.

"Pshh. Bat ka ba andito?" Tanong ko sa kanya.

"Sinundo lang kita. Tara sabay na tayong pumasok sa school."

SAAAAYYY WHUUUT??? Ano bang nakain sa lalaking 'to. Parang kahapon lang kami nag ka close ah. At ngayon nag pa feeling close na siya sakin.

"Oh sige Fany, sabay na daw kayong pumasok sa school niyo, magbaon kana lang." Sabi ni mama tsaka binigay niya sakin yung tupperware na may lamang pagkain.

Bumaba na kami. At sumakay sa kotse niya. Ang yaman lang ah. Hehehe

Ang tahimik lang ng byahe namin papuntang school. At binasag niya ang katahimikan.

"Ang bait ng Mama mo Fany."

"Bakit hindi ba mabait mama mo?" Tanong ko sakanya. Hahahaha.

"Hindi naman sa ganon. Ang bait lang talaga niya at ang ganda din. Manang mana ka talaga sa mama mo no?"

Nakarating na kami sa school pagakatapos ng ilang minuto sa byahe. Nagkwe-kwentohan lang kami at ang bait din naman ni Blaze eh. Akala ko kasi ang sungit kasi nga famous sya dito. Ang daming babaeng umaaligid sa kanya.

"Tara sabay na tayong pumasok." Sabi niya sakin at sabay talaga kaming pumasok.

Nasa corridor palang kami ang dami ng babaeng nagbubulungan.

"Sino yang girl??" Rinig kong tanong nila.

"Sino ba yang babaeng kasama ng baby Blaze natin??"

"Iww. Hindi sila bagay. Ang pangit nung girl oh. Tskk"

"Kaya nga. Mas maganda at bagay pa tayo kay baby Blaze no."

"Humanda talaga yang babaeng yan mamaya." Pagkarinig ko nun. Tinignan ko kung sino yung nagsabi nun at nakita ko sila. Yes SILA. apat sila at parang galit na galit. Umuusok na yung ilong nila. Nakakatakot na.

"Don't mind them. Just go on." Sabi ni Blaze.

Sinunod ko naman yung sinabi niya.

Pagdating namin sa room ay nagbubulungan naman ang mga kaklase namin.

Hays. Sana hindi nalang ako sumama kay Blaze baka aawayin ako ng mga babae mamaya. Pero sayang naman ang gwapong nilalang nag aya sakin na sabay na pumunta sa school, tapos tatanggihan ko pa? No way haha.

"HOY!! ikaw fany ha bat kasabay mo si Blaze pumasok?" sabi ni luna pagka upo ko sa upoan ko.

"Oo, nga iba na talaga magaganda ngayon" sabi naman ni pia.

"Ano ba kayo walang malisya yon"

"Eh bat kayo magkasabay pumasok? nako iba na yan ha" sabi ni pia.

"Wala talaga yon" sabi ko naman.

"Weeeee! Sure? Mamatay ka man?" sabi na man ni luna.

"Oi! Grabe na man yong mamatay ka man, ganito kasi yon so kweninto ko sakani yong nangyari kahapon.

"Ahhhh! ganon naman pala yon akala ko kong ano na baka magalit pa sayo si ahsofyah" sabi ni luna.

Hindi ko na naintindihan yong sinabi niya sa huli kasi biglang dumating yong 1st subject nami na kinaiinisan ko sa lahat ng subject ano pa ba edi MATH umagang umaga sumasabog na itong utak ko.

"So that's all goodbye class"

"Hayyyy!! Natapos din ang pinaka hate kong subject" sabi ni luna.

" oo nga eh " pagsang ayon naman ni pia.

"Tara canteen tayo!" sigaw bigla ni luna.

"Hoyyy!! Ano kaba baka nakalimotan mo may isang subject pa po tayo" sabi ko.

"Ano batong si fany nakasabay lang papasok ng school si Blaze nakalimotan na na wala yong isang subject natin ngayon" pasigawng sabi ni luna.

"hoyyyy!  Grabe ka naman hindi na man sa ganon sadyang hindi ko lang talaga alam"  sabi ko. Magsasalita sana si pia pero biglang dumating si blaze.

"Hi fany tara canteen tayo" sabi ni blaze.

"Aaaaa eeeeee may....."

"Nauna na kami kaya saamin sasama si fany" biglang sabat ni luna.

"Ahhh ganon ba so sasama nalang ako sainyo. " sabi ni blaze sabay ngiti.

"Bat ba kay fany kapa sasama Blaze diba may kaibigan ka naman sakanila ka nalang sumama" biglang sabi ni pia.

"Oo nga" sang ayon  naman ni luna.

"May itatanong din kasi ako kay fany eh" sabi naman ni blaze.









Next update coming SOON......














Ms. NBSB meets Mr. Broken (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon