Bituin

16 2 0
                                    

BITUIN

Love is the most beautiful beginning of the most painful end. Tama nga sila. Ilang taon na nga ba ang lumipas? Mahigit tatlong taon na rin ata. At ganyang katagal na rin akong patuloy na umaasa. Umaasa na baka bumalik pa siya. Na bigyan niya ulit ako ng matatamis niyang ngiti. Na masabihan niya muli ako ng 'mahal kita'.

Pinagmasdan ko ang langit. Mayroong mga mumunting bituin. Mga bituing akala mo'y kay lapit ngunit ang hirap palang abutin. Minsan nagtataka ako. Bakit ko ba laging tinitignan ang langit? Bakit sa tuwing makakakita ako ng mga bituin, mayroong namumuong luha sa mga mata ko? At sa tuwing wala naman akong makita, pakiramdam ko'y parang mayroong kulang.

"Leen, anak, pumasok ka na. Malamig na, baka magkasakit ka niyan." narinig kong sabi ni Mama.

Hindi ko siya nilingon nang sumagot ako. Nanatili lamang akong nakatingin sa langit.

"Mamaya na po, Ma. Sanay na po ang katawan ko sa lamig." sagot ko.

Akala ko'y pumasok na siya sa loob dahil hindi na siya umimik. Ngunit naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin.

"Anak, hindi na siya babalik. Tumigil ka na sa paghihintay. Sinasaktan mo lamang ang sarili mo." nag-aalalang sabi niya.

Hindi ako sumagot bagkus ay hinayaan ko sa pagtulo ang mga luha ko.

"Mahigit tatlong taon na. Hayaan mo namang maging masaya ulit ang sarili mo, anak. Bitawan mo na si Alex." - Mama

"Ma, *sobs* paano? Paano ko bibitawan ang isang taong nangakong lagi niya akong mamahalin? *sobs* Paano ko aalisin sa isip ko ang binitawan niyang salitang hindi niya ako iiwan?" umiiyak na tugon ko.

Tumingin ako sa langit na puno ng mga bituin at sumigaw.

"Ang daya mo, Alex! Ang daya-daya mo! *sobs* Nangako ka! Sabi mo hindi mo ako iiwan! Pero nasaan ka ngayon?! *sobs* You told me that you'll always love me! Ang daya mo! *sobs*" - ako

Hindi na maampat ang mga luha ko at niyakap na lamang niya ako ng mahigpit.

"Anak, tumigil ka na. Hindi na siya babalik kahit kailan. Sa tingin mo kung narito si Alex ngayon, gugustuhin niyang nagkakaganyan ka? Hindi, anak. Dahil gusto niyang masaya ka. Pero heto ka't patuloy pa rin sa pagdadalamhati sa kanyang pagkawala." - Mama

Hindi ako umimik bagkus ay tinignan kong muli ang mga bituin habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.

Alam ko na ngayon kung bakit. Kung bakit lagi kong tinitignan ang langit. Kung bakit sa tuwing makakakita ako ng mga bituin, mayroong namumuo sa mga mata ko. At kung bakit sa tuwing wala naman akong makita ay pakiramdam ko'y mayroong kulang. Dahil isa na siya sa mga ito.

Ang taong nangakong mamahalin ako palagi ay isa na sa mga bituing lagi kong tinitignan.

"Ang daya mo, Alex. Ang daya-daya mo." hindi ko mapigilang sambitin muli.

Totoo nga. Love is the most beautiful beginning of the most painful end. Nakasama ko nga siya ngunit kinuha rin siya sa akin.

Kinuha rin sa 'kin ang taong mahal ko.

_---_

BITUIN (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon