sumumpa

99 1 0
                                    

Mahal ko..
D ko na alam kung paano ko paniniwalain ang sarili na walang magbabago, na may prisensya mo sa tabi ko, na may isang ikaw kapag kailangan ko, at ako na andyan kapag nasa kalungkutan ka.

Nahhirapan na kong punan ang mga bagay na kailangan mo, nahihirapan na akong kumapa ng salitang dapat ko lang bitawan, nahihirapan akong unawain ang sitwasyong nagpapahirap saatin.

Mahal ko...
Kaya kong magtiis at maghintay makasama ka lang, kaya kong pigilan ang sarili kong mahulog sa iba, kaya kong mahalin ka ng higit sa alam mo.

Mahal ko...
Marami na kong nagawa para sa relasyong ito...ikaw,kelan kaya? Naghihintay ako na sana yung pagmamahal nya hindi na hanggang salita, na sana kahit hindi sabihin gawin nalang.

Mahal ko...
Sana ako nmn....sana ako na... sana ako...
Ako ang laman nyan,ako ang tinitibok nyan. Maari ba na kapag ayaw mo na sabihin mo na.. kasi ayoko ng maghintay sa wala.. ilaan ang panahon sayo ng walang kasiguraduhan.. kasama ka sa pangarap ko.. sana ako rin..

Sana ako rin....

My ThoughtsWhere stories live. Discover now