mananatili

287 0 0
                                    

mahal ko

pagpasensyahan mo kung 

akoy wala sa piling mo

upang damayan ka sa pagdadalamhati mo

bago ka dumating sa buhay ko 

ang pinaka mamahal mong ina

ay kapiling na ng panginoon 

kung iisipin ikay matatag na

noong malaman ko iyon

ipinangako kong mananatili ako sa buhay mo

ngayong sinubok ka ulit ng panahon

at pati ang iyong ama ay pumanaw na

wala pa rin ako sa iyong tabi upang damayan ka

pagpasenyahan mo dahil akoy walang nagawa

pinapalakas ko ang loob mo

ngunit nilalamon ka ng kalungkutan

habang binibigyan kita ng positibong mensahe

hindi ko maiwasang pati ako ay lumuha na

ayaw kong banggitin sa iyo

dahil ayokong isipin mo na pati ako ay nahihirapan na

ayaw kitang nakikitang nasasaktan

dahil mas nasasaktan ako

sa pagkakataong ito

muli kong binanggit na

hindi man panghabang buhay na tayo

lagi akong nandito mananatili sa buhay mo

My ThoughtsWhere stories live. Discover now