ito magsisimula nanaman ako
magsisimulang paalalahanan ka
sa lahat ng bagay na mawawala
at masasayang pag natapos na ang
pag mamahalan natin na
akala ko walang hangganan.
isa ka lang bang kasinungalingan sa buhay ko??
kasi dumating ka nang kay bilis pero ganun kadin nawala.
naalala mo pa nung mga panahong
lagi mong sinasabing "ang swerte ko sayo"
na ngayon ay "ano nanamang pagdadrama yan?"
nagsawa ka na ba??pagod kana ba??ayaw mo na ba??
kasi pagod na kong intindihin kung bakit??kung saan ako nagkulang??kung tama pa ba?
isa nalang bang kasinungalingan ang meron tayo??
isa nalang bang nakaraan na dapat limutin??
pero bat hindi mo man lamang masabi??
pero bat hindi nalang tuldukan ang lahat ng
wala na saatin ang nahihirapan.
gusto kong manatili ka
dahil nasanay na kong nandyan ka
dahil hindi ko kayang lahat ng pangarap ay maglaho nalang
pangakong pinanghawakan,
pagmamahalan na akalay walang hangganan
na ngayon ay kailangang bitawan dahil naglaho na.
tanga man sa paningin ng nakakarami
pero mas importante saakin yung nararamdaman ko
makasarili ba ako pagsinabi kong?
manatili ka pa??
kahit ang hirap na
manatili kalang??
kahit nakakasawa na
dahil hindi ko pagpapalit yung
pagmamahal na minsan nating binuo
at pinangarap
YOU ARE READING
My Thoughts
De TodoIm the one who always look everyone from a far cant say anything to others but im sure im nothing to anyone