elemento ng kwento
hayaan nyo na ibahagi ko sa inyo
ang kwentong aming sinimulanpero kinailangan ding tuldukan
pagkaraan ng pitong buwanpero huwag nyo sanang iisiping
nananatili pa rin ako sa nakaraan
dahil tanggap kong tapos na yun
at hindi na pwede pang balikan
tara atin ng simulan
ako si cherry yung babaeng iniwang luhaan
tatlong taon na ang nakararaankung hindi ko nakakalimutan ay
ikaladawamput-apat ng hunyo taong
dalawang libo labing lima alas kwatro ng hapon
ay ang eksaktong oras na tinapos mo ang ating koneksyon
ang hirap bumangon
ngunit nangako ako sa sarili ko na akoy aahon
mula sa mga pangako mong kumupas
at dyan sa pagibig mong wagas lang sa simula
pero habang tumatagal ay unti-unting nawawala
ano ba ang aking nagawa
para magmukha akong ganito katanga
dahil kahit ikaw ang nangiwan
ako, ako ang naghihintay na balikan
dahil kahit na sinabi mo saakin
na ayaw mo na umasa ako
na baka naman pwede pa
dahil kumbaga sa elemento ng kwento
ikaw at ako sana ang magtatagal dito hanggang dulo
dahil sa kwentong ating sinimulan
tayo sana ang pangunahing tauhan
tagpuan na hindi na pwede pang balikan
pagkat matagal na panahon na ang nakararaan saglit lang na siglahan
kailangan nating maghanda bilang mga pangunahing tauhan
dahil andyan na ang parte kung tawagin nila ay tunggalianpero hindi nanatin nakayanan ang ating relasyon ay umabot na sa sukdulan
kaya kinailangan ng tuldukan
pero sana bago mo sana wakasan
binigyan mo sana ako ng dahilan
dahil iniwan mo na nga akong luhaanpunong-puno pa ng katanungan
tulad lahat ng kwentong nasimulanalam kong wakas ang ating magiging hantungan
at sa wakas ay aking nakalimutan
hindi ang mga bagay na aking natutunandahil pinili kong talikuran ang nakaraan
upang harapin ang kasalukuyan
pero masaya akong sabihin sainyo na
hindi na sya, hindi na sya ang dahilan
bago matapos ang tulang itohayaan nyong magpakilala akong muli sainyo
pero hindi na ang babaeng iniwan ng luhaan
tatlong taon na ang nakararaan
kundi ang babaeng kaya kang ngitiankapag nakakasalubong ka sa daan
at ang babaeng kayang makipagsabayan
kahit ang paksa ng kwentuhan ay ang ating nakaraan
ako yung babaeng ilang beses mang masaktansa pagmamahal pa rin matatagpuan ang tunay na kaligayahan
ako si cherry na magiiwan ng payo
para sa babaeng sinaktan mo
alam kong iniwan ka nyang sugatan
kaya kalimutan mo sana ng dahan dahanbumangon ka at harapin ang kasalukuyan
dahil alam ko na tulad ko matatagpuan mo rin
ang tunay mong kaligayahanelemento ng kwento
-CHERRY ANN MADAYAG
YOU ARE READING
My Thoughts
RandomIm the one who always look everyone from a far cant say anything to others but im sure im nothing to anyone