Prologue

123 4 0
                                    

"FIXED  MARRIAGE?!!!!!!! FIANCEE?!!!!"

"Yeah." sagot sa akin ng lalaking nasa harapan ko. Ewan ko kung ano ang mga pinagsasasabi ng kutong lupa na nasa harapan ko ngayon. Kumukulo na naman ang mga dugo ko sa aking katawan.

"Nababaliw ka na ba?!!!" sigaw ko sakanya pero wala man lang akong nakuhang sagot galing sakanya.

"HOY!!! Kinakausap kita!" ayaw talagang sumagot.

"Hello?!!! Kinakausap kita so you should answer me! Nababaliw ka na ba at sasabihin mong fiance kita? Aba! Ang dami ko pang pangarap sa buhay ang bata bata ko pa ay nako dyos ko!!! Pangarap ko pang bilhan ng napakagandang bahay si mama. Isang magarang kotse. Tapos ngayon sasabihin mong fiancee kita?!!!" grabe pagod na pagod ako. Tuloy tuloy yan ha. Whooo! *punas pawis sa noo*

"Tsaka, yung mga pwede lang sa fixed marriage ay yung parehong mayayaman. Hindi ako mayaman, at ikaw? Mayaman kayo. Pinagloloko mo ba ako?! Wala kang mapag tripan ganon?!" naiinis na sabi ko. Wala man lang akong maintindihan sa mga nangyayari ngayon.

Lumipas ang mga minuto at hindi parin siya nag sasalita. Mga lunok ko lamang ang aking naririnig sa mga oras na ito. Titig na titig lamang siya sa akin. Samantalang ako, gustong gusto ko nang manapak sa mga oras na ito.

Pinagmasdan ko din siya. Hindi ko maitatangging gwapo siya. Yung mga mata niyang nagdadala ng emosyon.

Nagiging awkward na ang paligid dahil hindi parin siya nag sasalita.

Magsasalita na sana ako nang...

"I don't even have a choice." malamig na sabi niya.

Nakatingin lamang ako sa mga mata niya. Binabasa ko mga nilalaman ng isip niya sa mga oras na ito pero hindi ko magawa. Paano ko nga ba mababasa? Ano bang pakay mo?

Isa lamang akong simpleng taong punong puno ng pangarap sa buhay. Hindi ko inaasahan ang pag dating niya. Ano bang pakay mo sa buhay ko?

Panaginip lang ba ang lahat ng ito? Kung oo, please po God, gusto ko nang magising.

In just One Blink, He CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon