Kabanata 3

37 1 0
                                    

Isinara niya ang pintuan nang kotse at umikot para makasakay na din. Nakatulala lang ako at hindi makapaniwala sa ginawa niya. Hindi ko lubos maisip na nandito ako ngayon sa loob ng sasakyan niya at nakaupo. Hindi ko maitago ang inis dahil sa paghigit niya sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin. Pinaandar na niya ang kotse at umalis sa kinaroroonan namin. Nakatingin parin ako sa daan at iniisip kong papatayin nalang ba siya rito sa loob.

"Ibaba mo ako." utos ko sakanya.

Ngunit, wala akong narinig na salita galing sakanya.

"Sabi ko ibaba mo ako dito!!!!" namumula na ang buong mukha ko.

"Ihahatid muna kita bago ka bumaba." malamig ang tono nang boses niya. Para bang hindi siya aware na nanggagalaiti na ako sa inis dito!

"Nababaliw ka na ba?!!!" pasigaw na sabi ko sakanya. "Hindi kita binigyan ng permiso na ihatid mo ako! Hindi ako kailan man magpapahatid sayo! Kung gusto mo pang mabuhay ibaba mo na ako! At please lang hwag kanang magpapakita sa aking kumag ka!!!!" napalingon siya sa akin.

"What did you just say?" tanong niya sa akin.

"Sabi ko ibaba mo na akong kumag ka!!! Hindi ka ba makaintindi nang Tagalog!!' Hwag mo akong ini-english english diyan!!!" at hinampas hampas ko siya.

"Hey! Stop it! Ano ba!" malakas na sabi niya dahil sa paghahampas ko sakanya.

"Mapapatay talaga kitang kumag ka!!! Itigil mo na itong sasakyan sabi e!!!" hinahampas ko parin siya sa mga oras na ito.

"Stop!" sigaw niya. Nakakatakot din pala ang isang ito kapag sumigaw.

Naubos ang lakas ko sa paghampas sakanya. Huminto ako saglit. Ang bilis ng paghinga ko. Mukhang aatakihin pa ako sa puso neto. Hwag naman sana.

Umupo ako nang maayos. Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa daan.

"Ibaba mo na ako." mahinahong utos ko sakanya. Hindi siya sumagot.

"Kumag, ibaba mo na ako." mahinahon parin iyan habang humihinga hinga parin ako.

Tumawa siya. Tumawa siya??!!! Tinignan ko siya, at t ako habang nakapikit. Nakakuyom ang aking dalawang palad.

"I-ba-ba mo na a-ko." sobrang hinahong sabi ko. Grabe naubos talaga ang lakas ko.

Narinig ko ulit siyang tumawa. Mas ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa inis.

"We're here." nagulat ako sa sinabi niya. Napamulat ako nang mata at tinignan ang labas. Oo nga, nandito na nga kami sa tapat ng bahay. Hindi ko na siya tinignan pang muli, bumaba na ako agad at naglakad.

Narinig ko ang pagbaba niya sa sasakyan.

"Hey." pag tawag niya sa akin. Napakuyom ako nang palad at humarap sakanya.

"Hey????" iritadong tanong ko sakanya.

"Calm down." sabi niya habang nakangiti. Tama ba ito?! Ngumiti ang kumag?! Hindi bagay nakakasuka!

"Calm down mo mukha mo." sagot ko sakanya at pumasok na sa loob ng bahay.

Nadatnan kong nasa sala si Jude.

"Oh ate. Ang tagal mo namang nakauwi. Pagabi na oh. Mailap ba ang mga tricycle ngayon?" tanong ng kapatid ko. Tumango lamang ako. Tila naubos talaga ang aking lakas.

"Buti hindi ka ginabi." nag aalalang Sabi niya. "Madilim na ba ang langit?" mahinang tanong niya at sinilip ang labas. Habang ako nama'y pinuntahan si Tita sa kusina na nagluluto.

In just One Blink, He CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon