Kabanata 6

40 3 1
                                    

"Gising naaaa. It's Saturday!" malakas na sigaw ni Tita. Napamulat ako ng mata. At nakitang, sumasayaw-sayaw siya. Napaupo ako.

"Good morning." nakangiting bati ko sakanya.

"Good morning pamangkin.. Bangon na, at mag aalmusal na tayo.." masayang sabi niya habang sumasayaw-sayaw pa. Nakakatuwa si Tita.

"Good mood?" tanong ko sakanya habang natatawa-tawa pa.

"Oh yes!" magiliw na sagot niya. Napapa-ngiti na lamang ako.

"Si Jude tita?" tanong ko habang kinukusot ang mata.

"Nasa baba na. Halika na, break fast na tayo.. Bilisan mo." at nauna na siyang bumaba. Chinat ko muna si Mama bago bumaba.

Ako:
Good morning Mama! Kamusta ka diyan? Miss ka na namin dito. We love you! Take care mwa!

Pagkatapos kong masend ay bumaba na ako. Nagawa ko na ang mga ritwal ko. Naligo na muna ako bago mag almusal. Habang nasa hapagkainan kami, masaya kaming nagkukwentuhan.

"E ito ngang si Ate kahapon, parang bossing e." tumatawang sabi ni Jude. "Natakot sakanya yung mga nakabangga ko. Ang cool mo don kahapon ate ah!" napangisi ako sa sinabi ng kapatid ko.

"Nakabangga?" nagtatakang tanong ni Tita kay Jude, at lumingon sa akin. "May nakaaway ba kayo kahapon? Jastin?"

"Wala 'yon Tita. May mga nam-bully lang dito kay Jude kahapon. Pero wala lang yon, hindi naman nila nasaktan si Jude." pagpapaliwanag ko kay Tita.

"Nako, kayong dalawa ha. Iwasan niyo ang madawit sa mga gulo. Lalo ka na Jastin, babae ka." mukhang masesermonan kami, kay aga-aga.

"Opo Tita. Ipinagtanggol ko lang naman itong si Jude. Alangan namang wala akong gawin diba? Aba'y hindi pwede sakin yon!" matapang kong sabi. "Diba Jude? Diba?!" tanong ko kay Jude habang tinuturo-turo siya at tumatango-tango.

"Kayong dalawa talaga." umiiling-iling na sabi nalang ni Tita. Nagkatinginan kami ni Jude at patagong tumawa.

"Nga pala Tita. Alam mo po ba kung saan nakatira sila Tito Rafael?" tanong ko kay Tita.

"Oo, bakit?" sagot niya habang sumusubo ng kanin.

"Ah e.. Dadalawin ko lang po sana si Jon." huminto ako saglit. Napalingon sa akin si Tita. "Nakokosensya ako kasi, dahil sakin yon kaya siya nagkasakit." nakangusong sabi ko.

"Ganoon ba? Maganda nga iyang sinasabi mo. Tama, dalawin mo. Ibibigay ko sayo mamaya yung address."

"Sige tita. Salamat." iyon na lamang ang nasabi ko. Nagpatuloy ang kwentuhan habang kumakain.

"Pa regards na rin ako kay Rafael." sabi sakin ni Tita habang nagsusuklay ako ng buhok.

"Sige po Tita, no problem." nakangiti kong sabi sakanya.

Simple lang ang damitan ko ngayon. Naka-longsleeve lang ako na plain white, dahil maginaw. Naka-pantalon at snickers. Isinuot ko na ang maliit na back pack ko sa likod.

"Punta na po ako Tita." at hinalikan siya sa pisngi. "Jude, hwag kung saan-saan pupunta ha?!" bilin ko kay Jude. Tinanguan niya lamang ako.

"Mag iingat ka. Uwi ng maaga ha? Hwag magpapagabi." bilin din sakin ni Tita.

"O-po." nakangiting sabi ko sakanya. At umalis na nga ako.

Una, pumunta muna ako ng palengke para bumili ng prutas. Pocket money ko yong ipambibili ko. May allowance din kasi kami ni Jude kahit weekends. Oh taray diba? Hindi kami mayaman, pero hindi naman kami ginigipit sa pera.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In just One Blink, He CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon