Kabanata 1

74 1 0
                                    

"Jastin may bisita ka." sabi ni Tita Marites. "Pakitawag nga yung ate mo Jude, may bisita siya."

"Ateeee!!!!! Bangon na dyan may mga bisita ka." gising sa akin ng kapatid ko.

Nag panggap akong humihilik.

"Babangon ka dyan oh bubunutan kita ng kilay?!" napabalikwas ako ng bangon.

"Ano ba!!!! Natutulog yung tao ginigising niyo!!" humiga ako ulit.

"May bisita ka nga, kanina ka pa hinahanap."

"Sino ba kasi yan?!" aga aga may bisita ako. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon e. Kulang na kulang pa ang tulog ko. Napuyat ako dahil nanood pa ako ng K-drama. (Saranghe Oppa seo joon!!!)

"Hindi ko kilala. Bumaba kana diyan at puntahan mo sila."

Bumaba akong gulo gulo pa ang mga buhok ko. Tinanggal ko ang mga muta sa aking mga mata. At nakita ko silang nasa sala. Isang lalaking nasa 40's na ang edad. At isang lalaking mga nasa... 18 siguro ang edad nito. Hindi ko sila mga kilala. Bat kaya sila nandito?

"Magandang umaga hija." sabi nung lalaking mukhang may edad na.

Nginitian ko lamang sila at inabot yung kamay niya. Hindi pa ako makapagsalita dahil hindi pa ako nakakapag tooth brush. Nakakahiya naman no.

"Kaibigan pala ako nang mama mo. Kami kami mag to-tropa niyan noon." sabay tawa niya.


Ngumiti lang ako. Sa mga nagtatanong kung nasaan ang aking mga magulang, si Mama nasa ibang bansa. At si Papa naman ay matagal ng wala. Grade 6 pa lamang ako nang mamatay siya dahil sa isang malubhang sakit. Okay, balik tayo dito sa Kaibigan daw ni Mama.

"Rafael Ruiz pala ang pangalan ko hija. At ikaw si Jastin diba?" nakangiting tanong niya.

"Ah oho." matipid na sagot ko.

"Na kwento kasi sakin ng mama mo na may anak siyang dalaga na. Kaya naisipan ko lang dumalaw para makita kita at kita mo nga naman oh, napakaganda ng dalaga ni Dina." sabay tawa.

"Ah hehe." hindi ko alam kung anong sasabihin. Hindi ko parin maintindihan ang pakay nila.

"Ito nga pala ang anak ko. Si Jon Fourth Ruiz. Panganay ko ito." tawa niya ulit. Ewan. Nasisiraan ata ng ulo. Ay! Sorry po Lord.

Ngumiti lamang ako. Tinitigan ko ang kanyang anak na halos ayaw lumingon sa akin. Siguro may muta pa ako sa mata.

"Ito na ang mga miryenda. Mag miryenda muna kayo rafael." sabay abot ni Tita ng mga miryenda sa mesa.

"Manang mana ka sa mama mo. Napakaganda." nakatitig lang ako sakanya at nakikinig. "Naalala ko pa nung mga high school kami, ang dami niyang manliligaw." sabay tawa.

"Aba hindi na nga nakakapag focus sa pag aaral yang si Dina noon. Walang interes sa pag aaral." saad ng tita ko. Kung makapag salita naman itong si Tita e ikaw nga ang nag impluwensya kay Mama. Kwento kasi sakin ni Mama na sila daw talaga ni Tita ang mag best friend noon. Ma-barkada kasi itong si Tita.

"Mabuti nga at hindi iyon namana nitong si Jastin ." si Tita.

Ngingiti ngiti lamang ako. Napatingin ako dito sa anak niyang si Jon. Nakikinig lang din sa mga kwento nila. Parang napaka-suplado ng lalaking ito. Well, don't care.

"Tahimik pala itong anak ni Dina ano Marites?" sabay tawa niya. Hindi ko na nabilang ang mga tawa niya. Kanina kasi mga trenta e. K.

In just One Blink, He CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon