Chapter 6- Talking About Trust

16 1 0
                                    

Sabrina' POV

After a week simula nung nalaman ko na bumalik na sa pilipinas si Jake, ayos naman lahat. Thank God at hindi pa naman nagkukrus ang mga landas namin. At sana huwag na talaga. Hindi naman sa bitter ako, or kahit ano. Pakiramdam ko hindi pa ako handang humarap sa kanya o kaya kahit makita sya.

Buong akala ko okay na ko. What I mean is, hindi na ako maaapektuhan kung sakali man bumalik sya or magkita kami ulit. Pero mali pala ko. Alam ko sa sarili ko na wala na akong nararamdaman para sakanya. It's just, ayoko lang talagang makita pa sya ulit. Okay na, na ganito na lang. 

Sa sobrang pagiging abala ko sa school at sa office hindi ko namamalayan na napapabayaan ko na yung Flower Shop ko. May mga tauhan naman ako dun pero hindi na kasi ako madalas nabibisita dun. Nagrereport na lang sila sakin tungkol sa shop. Ayos naman. Wala naman problema dun. Kaya nga siguro kampante ako na iwanan yun sa pangangalaga ng mga tauhan ko. Alam ko naman na mapagkakatiwalaan ko sila dun.

Mas kaylangan kasi ako sa office kaya nandun ang buong atensyon ko. Minsan nga hindi na ako natutulog dahil kahit nasa bahay na ako, bitbit ko parin ang mga drafts na kaylangan kong tapusin at i-approve. Hindi ganun kadali maging isang Interior Designer kahit sabihin pang marami naman kaming designers dun sa company. 

Idagdag pa yung trabaho ko sa school. Nag-out of town kasi si Cristine kaya ako muna yung humahawak sa mga bata. Lahat ng trabaho ni Cristine ako na muna yung sumalo. As If naman na may choice ako. Kaya kahit na super hectic na ng schedule ko pinagsasabay ko parin lahat. Pero mukhang may nakakalimutan yata ako..


Si Brian.

Alam ko nagtatampo na sakin yun kasi hindi na ko nagkakaroon ng oras sakanya. Busy rin sya, pero sya gumagawa sya ng way para makasama ako, ako lang talaga tong walang time..

Kapag tumatawag sya hindi ko nasasagot, kapag nagtetext sya hindi ko rin sya narereplyan. Kung magrereply naman ako bigla rin akong mawawala. Pumupunta naman sya sa bahay kapag may time sya at kapag swerte sya, naabutan nya akong nandito pero kadalasan wala..

Kaya hindi na ako nagtaka nung sinabi nyang masama yung loob nya sakin. Oo, alam ko naman na mali ako kasi hindi ko sya nabibigyan ng oras, pero kasi hindi ko na rin alam kung paano pagsasabay-sabayin lahat ng gawain ko eh.

Hindi naman nagtagal yung sama ng loob nya sakin kasi sinabi nya na naiintindihan raw nya kung bakit minsan wala akong panahon sakanya. At nangako rin naman ako na kahit abala ako, I'll make time for him.

Pero there's something bothering me. Hindi ko alam kung masyado lang ba akong nag-iisip or talagang dapat ko ipag-worry yung nararamdaman ko..

Isang beses kasi na pumunta si Brian dito sa bahay para syang balisa. Hindi ko sya makausap ng ayos at parang ang bilis uminit ng ulo nya. Ang alam ko nagkaayos naman na kami. Ewan ko ba dun.

About TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon