Jake's POV
Anong dahilan ko kung bakit naisipan kong bumalik?
Simple lang.
Ayusin ang dapat ayusin.
Tapusin ang dapat tapusin.
And in my case, ang dami kong unfinished business.
In five years na paglayo wala naman akong napala.. Meron pala. REGRETS! At siguro pagsisisihan ko na lang lahat habang buhay.
Hindi ko na rin naman maibabalik kung ano yung nawala eh. Wala ng magbabago. Magsisi man ako, huli na. Sobrang huli na. Alam ko naman eh. Pero hindi ako matatahimik hangga't alam kong may natitira pang sakit dito sa puso ko.
Siguro nga wala akong karapatan sabihin yung salitang 'sakit' kasi ako yung nagbigay nun sa buhay ng isang tao.
Isang tao na napakahalaga sa buhay ko.
Taong pinaglaanan ko ng oras, atensyon, pag-aalaga at pagmamahal..
At ang tao na sa huli, INIWANAN AT SINAKTAN ko lang.
Tanga ako. Oo alam ko yun. Napaka-tanga ko para saktan yung babaeng minahal ako ng sobra. Tanga ako dahil iniwanan ko syang mag-isa.. Tanga ako dahil nung mga oras na hinahanap nya ako, wala ako sa tabi nya.. Nung mga panahon na dapat hawak ko yung mga kamay nya at sinasabing lumaban sya, wala ako.
DUWAG!!!
Yan lang bukod sa tanga ang salitang alam kong para sakin..
Hindi ko man lang naisip yung mararamdaman nya. Naging selfish ako! At yun ang pinaka pinagsisisihan ko ngayon..
Sa loob ng limang taon, walang araw na hindi ko naiisip kung ano na sana yung buhay ko kung hindi ako naging tanga at duwag noon.. Siguro masaya na sana ako..
Masaya na sana ako kasama sya!
Simula nang umalis ako ng pilipinas, ilang beses kong sinubukan hanapin sya.. Pero hindi ako nagtagumpay.. Hindi ko na rin alam kung nasaan sya or kung anong nangyari sa kanya. Hindi ko rin alam kung dapat pa ba akong magpakita sakanya pagkatapos ng ginawa ko..
Itinuon ko na lang lahat ng oras at atensyon ko sa pag-aaral at pagtatrabaho.. Ginawa kong abala ang sarili ko sa lahat ng bagay para kung sakali man, hindi na pumasok sa isip ko na, hanapin sya ulit..
Sa tuwing pipikit ako pinipilit kong i-picture sa utak ko na, masaya na sya ngayon.
Pagkatapos kong mapag-desisyunan na uuwi na ako ulit dito sa pilipinas, bigla ko syang naisip..
Ano na kaya ang buhay nya ngayon?
Kumusta na kaya sya?
Naka-graduate na kaya sya?
Magaling na ba sya?
Nagtatrabaho na rin kaya sya?
May pamilya na kaya sya?
MASAYA NA KAYA SYA?
Ang daming tanong na nabuo sa isip ko tungkol sakanya..
I hope this time, heaven will give me the chance to fix things..
And to say hundreds of sorry to her..
Even If you can't forgive me, Sabrina..
I'll still do.
--
A/N: Chapter 7!! Pinaka sabaw update xD Hindi ako makapag-isip na maayos eh. Sareeeh na po. =)) Will upload the next chappy later or ... this weekends? Hahaha. Bahala na po.
Thanks sa sumusuporta sa AT! :***
Much Love. <3
@PotskieeBaby

BINABASA MO ANG
About Time
Romance"If it's not meant to happen it won't. Things don't work out for a reason or for something to follow. If a door closes, another one will always opens for you. There might even be something better in store for you. You might not know what it is yet...