TOTOO SI ANNIKA?

2.1K 61 5
                                    


So instead of rewriting the special chapter and the epilogue, I have decided to make a sequel. Why? Marami kase kong naisip pa na pwedeng takbo ng story ni Anniker at Harper. Kung sa BOOK 1 ay HIGHSCHOOL LOVE AFFAIR, this time, sa book two, medyo adult na sila. 

Para sa mga curious at di nakakaalam, sinulat ko po ito nuong 16 years old ako. Magte-20 na ako ngayon. Kung mapapansin ninyo ay parang cliche na yung plot at pangkaraniwan na pero nuong mga panahong sinusulat ko pa lamang ito ay 4th year highschool ako kaya yung mga ideas ko para sa takbo ng story ay pang puppylove talaga.

Trivia din. Isinulat ko ito para sa isa sa pinaka matalik kong kaibigan na si Annika. Yes, totoo si Annika and mayroon talaga kayong makikitang artista na Shane Harper ang pangalan pati na din si Matt at Bridgit. Idol sila ng real Annika. Bakit ako gumawa ng story para sa kaibigan ko? Actually, nagsusulat talaga ako ng mga maiikling fanfiction sa iba't ibang cattleya fillers ko nuong highschool. Kapag bored ako, sulat lang ako ng sulat. Ginawan ko din yung isa ko pang kaibigan. Nauna sya kaysa kay Annika. Nuong una ay dapat nakalagay lang ito sa filler tapos ireregalo ko sa kanya kaya lang dumating ang bakasyon at hindi pa ito tapos. Sinabi ko sa kanya na ipapublish ko na lang sa wattpad at duon nya na lang basahin.

Isa sa pinaka as in pinakakaclose ko na pinsan ay nagvolunteer na itype tong story na nakasulat sa filler at sya na lang daw ang magpapublish. Pumayag naman ako dahil tamad din ako magtype. Napagdesisyunan namin na gawing casts ang KathNiel dahil NOON ay super fan ang pinsan ko ng KathNiel so hinayaan ko na lamang sya.

After almost 2 years na nakatengga ang story na iyon ay bigla kong naisip na irevise ito. Dahil more into KPOP na ako ay naisip kong ibahin din ang casts. Ang pinsan ko na may-ari ng account na ito ay katulad ko din. We are both armys and blinkies. We ship LISKOOK so damn hard kaya naisip namin na sila ang gagawin naming bida.

Bago ko pa man maisipan irevise to ay nagkita muli kami ni Annika at alam nyo bang naaalala nya pa itong kwento na dinedicate ko sa kanya? Sinasabi nya na kapag bored sya ay binabasa nya ito ng paulit ulit. Sana matuwa sya dahil mas ginandahan ko pa to! HAHAHA

So, ayun na nga ang storya.

Wag kayong mag-alala. Isusulat ko muna ang epilogue bago magproceed dito sa BOOK 2.

Salamat sa pagsuporta!

Please stay tuned!  

Love,
TheLostAngelle

tame that man-hater ♣ liskookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon